Ano ang gamit ng color Doppler ultrasound ng buntis?
Ang color doppler ultrasound ng buntis ay lumilikha ng video images ng iba’t ibang bahagi ng fetus na lumalaki sa loob ng uterus ng pasyente. Sinusuri nito ang direksyon at bilis ng daloy ng dugo sa organs tulad ng:
Inuutos ng mga doktor ang test na ito upang mapag-aralan kung may ilang medical conditions na nakakaapekto sa fetus. Ang color Doppler ultrasound ng buntis ay gumagamit ng sound waves upang subaybayan ang daloy ng dugo. Ligtas ito dahil ang ibang mga pag-scan ay gumagamit ng radiation, na nakakapinsala para sa fetus at maaaring magdulot ng malubhang depekto sa panganganak at iba pang pangmatagalang epekto.
Mayroong dalawang uri ng color Doppler:
- Standard color Doppler
- Power Doppler
Ang Power Doppler ay mas advanced na variation na maaaring lumikha ng mga larawan na mahirap i-secure gamit ang karaniwang color Doppler. Ito rin ay mas angkop para sa pagbuo ng mga larawan ng daloy ng dugo sa loob ng mga daluyan ng mga solid organ.
Bakit mo kakailanganin ang Color Doppler ultrasound ng buntis?
Sinusuri ng Color Doppler ultrasound ng buntis ang daloy ng dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng fetus. Maaaring irekomenda ito ng iyong doktor kung pinaghihinalaan nila ang ilang mga abnormalidad sa fetus. Maaari rin itong irekomenda ng mga doktor kapag pinaghihinalaan nila na ang fetus ay may kondisyong medikal na may kaugnayan sa daloy ng dugo o sirkulasyon ng inunan.
Kasama sa mga medikal na kondisyong ito ang maternal conditions tulad ng: chronic hypertension at mga abnormalidad sa puso. Kasama rin dito ang intrauterine growth restrictions.
Mga kinakailangan
Walang kinakailangang paghahanda para sa pagsusuri, maliban kung may payo ang iyong doktor. Tandaan na magsuot ng maluwag na damit upang makatulong sa pagsasagawa ng pagsusulit. Gayundin, alisin ang lahat ng piraso ng alahas bago ka pumunta para sa color Doppler ultrasound ng buntis dahil nagsisilbing hadlang ang mga ito.
Kailan dapat ulitin ang color Doppler ultrasound ng buntis?
Maaaring irekomenda ng iyong doktor na ulitin ang pagsusuri sa mga regular na pagitan kung sakaling may makitang mga abnormalidad sa panahon ng unang color Doppler ultrasound. Susukatin ng iyong doktor ang lawak ng mga abnormalidad na nabubuo sa fetus. Ang mga buntis na may history ng cardiovascular conditions at iba pang medical conditions, ay maaaring kailanganin ding ulitin ang color Doppler test sa regular na pagitan. Maaari ring maging dahilan para sa mga paulit-ulit na tests ang mga nakaraaang history ng mga komplikasyon.
Pamamaraan
- Ang sonographer na nagsasagawa ng color doppler ultrasound ay maglalagay ng clear gel o lubricant sa buong balat ng iyong tiyan. Ito ay para madaling dumulas ang ultrasound sensor sa iyong tiyan nang hindi nagdudulot ng friction.
- Pagkatapos ay maglalagay siya ng sensor sa balat.
- Ang sensor na ito ay nagpapadala ng sound waves sa loob ng katawan mo. Babalik mula sa ibabaw ng mga organ o tissues na mahahawakan ang mga wave na ito.
- Magta-transform ang echoes sa mga larawan na makikita sa video screen.
- Ang mga larawan ng organs ng sanggol at dugo ng sanggol na gumagalaw sa pamamagitan ng vessels ng organs na ito ay nakikita sa monitor. Kino-convert ng monitor ang mga tunog ng Doppler sa mga kulay bago kumatawan sa mga larawan ng blood vessels.
- Ipagpapatuloy ng medical expert ang pag-slide sa balat ng tiyan mo ng ilang ulit sa buong session ng ultrasound. Nakakatulong ito na makakuha ng malinaw na larawan ng sirkulasyon ng dugo sa katawan ng nabubuong fetus. Karaniwang tumatagal ang procedure na ito sa pagitan ng 15 at 30 minuto.
- Maaaring hilingin sa iyo ng sonographer na manatiling tahimik o pigilin ang iyong hininga sa mga interval. Ito ay kapag sinusuri ng sonographer ang daloy ng dugo sa fetus nang malapitan. Ang non-invasive procedure na ito ay walang sakit.
Key takeaway
Gumagamit ang mga doktor ng color Doppler ultrasound ng buntis upang subaybayan ang daloy ng dugo ng fetus. Maaaring makaapekto sa daloy ng dugo ang ilang partikular na kondisyong medikal. Ang pamamaraang ito ay hindi nangangailangan ng paghahanda at non-invasive.
Matuto pa tungkol sa Prenatal Care dito.
[embed-health-tool-bmi]