Ang pagtaba ng buntis ay normal na nangyayari sa kahit sinong ina. Sa pagdadalang-tao, kinakailangan ng karagdagang nourishment para mapanatiling malusog ang ina at anak. Mahalaga rin ang mga pagpili ng pagkain para matiyak ang paglaki at pag-unlad ng bata.
Kapag nagpaplano ng isang ligtas na pagbubuntis, ang isang major concern para sa mga kababaihan ay kung paano maiiwasan ang hindi ligtas na pagtaba ng buntis o pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis.
Pagtaba ng Buntis: Normal Itong Nangyayari
Depende sa kanilang initial weight, ang mga babae ay tataas ang timbang mula 25 hanggang 35 pounds (11.5 hanggang 16 kilo) sa panahon ng pagbubuntis. Ito’y karaniwang binubuo ng mga sumusunod:
- Sanggol: 5.5 hanggang 8 pounds (2.5 hanggang 3.5 kilo)
- Inunan: 2 hanggang 3 pounds (1 hanggang 1.5 kilo)
- Amniotic fluid: 2 hanggang 3 pounds (1 hanggang 1.5 kilo)
- Breast tissue: 2 hanggang 3 pounds (1 hanggang 1.5 kilo)
- Suplay ng dugo: 4 pounds (2 kilo)
- Fat stores: 5 hanggang 9 na libra (2.5 hanggang 4 na kilo)
- Uterus growth: 2 hanggang 5 pounds (1 hanggang 2.5 kilo)
Sa karaniwan, ang sanggol sa sinapupunan ay kumakatawan sa 25% ng kabuuang pagtaas ng timbang; 5% ay maaaring maiugnay sa inunan, at 6% sa amniotic fluid.
Pagbabago ng Mga Alituntunin sa Pagtaba ng Buntis
Ang medikal na payo sa pagtaas ng timbang sa pagbubuntis ay nagbabago deka-dekada.
Noong 1950s, madalas na pinapayuhan ng mga doktor ang mga buntis na kababaihan na pigilin ang pagkakaroon ng higit sa 15 pounds. Gayunpaman, mula 1970s hanggang 1980s, naniniwala ang mga doktor na hindi ito sapat.
Ang mahinang pagtaas ng timbang o labis na pagbaba ng timbang sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring humantong sa mga kababaihan na magkaroon ng maliliit na sanggol, at nagreresulta sa mga isyu sa pag-unlad. Dahil dito, ang mga doktor ay sinimulan na payuhan ang mga kababaihan na “kumain para sa dalawa”.
Sa rekomendasyong ito, nagsimulang tumaba nang labis ang mga buntis na kababaihan. Sasabihin ng mga doktor sa kanilang mga pasyente na magbawas lamang ng karagdagang timbang pagkatapos ng kapanganakan ng bata.
Ang pananaliksik noong 2000s, ay nagsimulang magbunyag ng mga isyu na may kaugnayan sa hindi ligtas na pagtaba ng buntis.
Kasama sa mga komplikasyong ito ang pagtaas ng saklaw ng mga sumusunod na kondisyon:
- Altapresyon
- Gestational Diabetes
- Mataas na posibiliad ng isang cesarean section
- Preeclampsia, isang malubhang anyo ng mataas na presyon ng dugo na nakaaapekto sa iba pang organs tulad ng mga bato
Ang pagtaas ng timbang ay nakaaapekto rin sa kalusugan ng bata, dahil pinapataas nito ang mga risk ng labis na katabaan, diabetes sa pagkabata, at mga depekto sa puso sa sanggol.
Nirebyu ang mga alituntunin nang sagayon ay mas mapayuhan ng mga doktor ang mga kababaihan tungkol sa hindi ligtas na pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis at pagtaba ng buntis. Sa ilang mga kaso, ang pagbaba o pagtaas ng timbang ay maaaring talakayin at planuhin bago ang pagbubuntis.
Kapag hindi na ito opsyon, sumasang-ayon ang mga medikal na propesyonal sa mga katanggap-tanggap na malusog na limitasyon tungkol sa pagtaas ng timbang ng ina.
Ano ang Safe na Pagtaba ng buntis?
Karamihan sa mga kababaihan ay makikitaan ng pagtaas ng timbang na 2 hanggang 4 pounds (1 hanggang 2 kilo) sa unang tatlong buwan.
Pagkatapos, ang pagtaas ng 1 pound (halos kalahating kilo) sa isang linggo hanggang sa kapanganakan ay isasaalang-alang sa loob ng makatwirang mga hangganan.
Ang pinakamainam na pagtaas ng timbang ay depende sa sitwasyon ng isang babae.
- Depende sa kanilang pre-pregnancy weight, ang mga babaeng sobra sa timbang ay kailangang tumaas nang mas kaunti, na maaaring humigit-kumulang 15 hanggang 25 pounds (7 hanggang 11 kilo).
- Para sa mga babaeng may labis na katabaan, ang pagtaas ng timbang para sa buong pagbubuntis ay pinapayuhan na hanggang 5-9 kg lamang.
- Ang mga babaeng kulang sa timbang, sa kabilang banda, ay maaaring makakuha ng higit pa (28 hanggang 40 pounds o 13 hanggang 18 kilo).
- Kapag inaasahan ang kambal, kailangan ng mas maraming timbang, na maaaring mula 37 hanggang 54 pounds (16.5 hanggang 24.5 kilo).
Inirerekomenda ng mga doktor na panatilihin ang tamang calorie intake para makatulong na i-manage ang mga limitasyon sa timbang. Para sa karamihan ng mga buntis:
- 1,800 calories bawat araw sa unang trimester
- 2,200 calories bawat araw sa ikalawang trimester
- 2,400 calories bawat araw sa ikatlong trimester
Paano Panatilihing Manageable ang Pagtaas ng Timbang
Sa pangkalahatan, dapat mapanatili ng mga babae ang balanse, masustansyang pagkain, at regular na mag-ehersisyo, para magkaroon ng malusog na pagbubuntis. Narito ang ilang mga tip upang matulungan ang mga kababaihan na maiwasan ang hindi ligtas na pagtaba ng buntis:
- Gumawa ng wastong food choices. Meryenda sa sariwang prutas at gulay. Pumili ng whole grain na tinapay, pasta, at iba pang complex carbohydrates. Hindi na kailangang laktawan ang dairy, ngunit pumili ng mga opsyon na mas mababa ang taba.
- Iwasan ang mga pagkain at inumin na mataas sa asukal o may mga artificial sweetener. Iwasan ang mga meryenda gaya ng chips, cookies, keyk, at ice cream. Bawasan ang paggamit ng taba sa pamamagitan ng pag-iwas sa pritong pagkain, masaganang sarsa, o mabibigat na salad dressing.
- Eat small, frequent meals na may maraming protina, prutas, at gulay para maiwasan ang cravings. Kumain ng mga prutas na may mataas na fiber content para manatiling busog at maiwasan ang labis na pagkain sa oras ng pagkain.
- Maghanap ng mas malusog na mga opsyon kapag kumakain sa labas. Maging ang mga fast food restaurant na nag-aalok ng mga fruit juice, salad, grilled meat sandwich, o vegetarian selection.
- Maghanda ng mga lutong bahay na pagkain at gumamit ng mga paraan ng pagluluto na may mababang taba, tulad ng pagbe-bake, broiling, pag-ihaw, pagpapasingaw, at pagpapakulo.
- Manatili sa isang regimen ng ehersisyo para mapanatili ang fitness at magsunog ng mga dagdag na calorie. Maaari ka pa ring ma-engage sa’yong fitness routine bago ang pagbubuntis, hangga’t iniiwasan ang mga high-impact na sports/workout. Maaari ding isaalang-alang ng mga babae ang iba pang fitness alternatives, tulad ng paglangoy, paglalakad, paghahardin, prenatal yoga, at jogging.
Mahalagang tandaan na ang pagbabalik sa pre-pregnancy weight ay mas madali sa makabuluhang pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis.
Sa kapanganakan ng bata, humigit-kumulang 11 pounds ang agad ang mawawala, na tumutukoy sa sanggol, amniotic fluid, at inunan. Ang natitirang bahagi ng timbang ay maaaring tumagal ng ilang buwan bago mawala, at mas matagal pa kung malaki ang pagtaas ng timbang.
Makakatulong ang pagpapasuso sa pagbaba ng timbang. Ang gatas ng ina ay hindi lamang ang pinakamahusay na gatas para sa mga sanggol, sumusunog din ito ng humigit-kumulang 500 calories sa isang araw at maaaring magdagdag sa successful weight loss regimen ng isang ina.
Key Takeaways
Tandaan, mainam na maglagay ng dagdag na timbang, ngunit mahalagang gawin ito sa katamtaman! Ang pagtaas ng timbang ay bahagi ng pagkakaroon ng isang sanggol, ngunit dapat na malaman ng mga kababaihan ang mga komplikasyon na maaaring lumitaw dahil sa hindi ligtas na pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis at pagtaba habang buntis.
Maaaring maging mahirap na panatilihin ang mga alituntuning ito, lalo na kapag kinakaharap mo ang lahat ng pisikal at emosyonal na paghihirap na dulot ng pagbubuntis. Tandaan na ang pananatili sa loob ng inirerekomendang hanay ng pagtaas ng timbang ay maaaring mabawasan ang saklaw ng mga problema sa kalusugan.
Ang pagkain ng mga tamang uri ng pagkain at pananatiling aktibo ay tiyak na ang pinakamahusay na paraan para masigurado ang isang malusog na paglalakbay para sa parehong ina at sanggol.