backup og meta

Ika-17 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ika-17 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Habang nasa ikalawang trimester ka ng pagbubuntis, mapapansin mo ang maraming pagbabago sa iyong katawan at mararamdaman ang lalong pag-develop ng iyong sanggol. Napakasaya ang magpalaki ng sanggol at maraming dapat matutunan tungkol sa mga paraan ng pag-aalaga sa lumalaki mong fetus. Narito ang mga bagay na dapat mong matutunan sa ika-17 linggo ng pagbubuntis.

Development Ng Sanggol

Paano nag-de-develop ang iyong sanggol?

Nagsisimula nang magkaroon ng fat tissue o adipose tissue ang iyong sanggol. Nakatutulong ang mga tissue na ito upang punan ang anyo ng sanggol, protektahan ang kanyang mga organ at katawan, at mag-imbak ng energy.

Sa ika-17 linggo ng pagbubuntis, maaaring mas mabigat na ang iyong sanggol kaysa sa kanyang placenta, na tumitimbang ng 4 na onsa (ounce). Dagdag pa, maaaring nasa 5 ¾ pulgada (inches) na ang haba niya.

Nagkaroon na rin ng malaking development sa auditory bones (buto sa tenga) ng iyong sanggol. Maririnig na niya ang pagsasalita mo o ng ibang tao, at nakaririnig na rin siya ng musika. 

Bukod pa sa sanggol, tuloy-tuloy rin ang paglaki ng placenta at umbilical cord. Ang paghaba at pagkapal ng mga bahaging nabanggit ay nakatutulong upang mapalaki ang iyong fetus. Dagdag pa, nakatutulong din ang mga ito na magdala ng oxygen at sustansya mula sa iyong katawan patungo sa iyong sanggol.  

[embed-health-tool-due-date]

Mga Pagbabago Sa Katawan Sa Ika-17 Linggo Ng Pagbubuntis

Ang Mga Pagbabago Sa Iyong Katawan

Habang lumilipas ang mga linggo sa iyong pagbubuntis, mapapansin mong mas dumadalas ang paggalaw ng iyong sanggol.  Sa ika-17 linggo ng pagbubuntis, tandaang maaaring gumalaw ang iyong sanggol nang mas madalas o mas madalang kumpara sa sanggol ng iba. Magkakaiba ng pagkilos ang bawat sanggol. 

Maraming mga buntis ang maaaring makaramdam ng unang paggalaw ng kanilang sanggol sa ika-16 hanggang 20 linggo ng pagbubuntis. Madalas itong tila bahagyang paggalaw, pumipitik-pitik o pumipintig-pintig na pakiramdam.  

Gayunpaman, maaaring hindi lamang ang iyong sanggol ang gumagalaw sa iyong katawan  ngayon. Dahil ang iyong uterus ay nasa pagitan ng iyong pusod at pubic bone, mabubunggo nito ang iyong mga bituka papunta sa iyong abdomen side. 

Sa paglaki ng iyong sanggol, maaari kang makaramdam ng pressure sa pinakamalaking nerve sa iyong katawan — ang sciatic nerve. Makararamdam ka ng paminsan-minsang pagsakit sa lugar kung saan naroon ang nerve na ito kapag naitutulak ng iyong sanggol. 

Maaari mong mapansin na nadagdagan ang iyong bodily fluids gaya ng mucus, pawis, at vaginal discharge. Dahil ito sa pagdami ng dugong dumadaloy sa iyo. 

Isa sa mga kakaibang sintomas na maaari mong maranasan sa ika-17 linggo ng pagbubuntis ay ang pagkakaroon ng kakaibang mga panaginip. 

Timbang

Para sa mas nakikitang mga sintomas, maaari kang makaranas ng mabilis na pagtaas ng timbang na nasa 1 libra (halos kalahating kilo) bawat linggo sa ikalawang trimester. Bagaman nag-iiba-iba ito sa bawat buntis, maaari ka ring makakita ng stretch marks sa iyong tiyan. Bukod dyan, nagiging makati ang iyong suso at tiyan, ngunit dapat mong pigilan ang sarili sa pagkamot nito. 

Morning Sickness

Sa mga unang bahagi ng iyong pagbubuntis, maaari kang makaranas ng madalas na morning sickness. Gayunpaman, matagal nang tapos ang mga panahong iyon ngayong bumabalik na ang iyong gana sa pagkain. Tandaang palaging piliin ang masusustansya at ligtas na pagkain upang maibigay ang tamang pagkain at sustansya sa iyong sanggol sa tuwing magugutom ka.

Pagbisita Sa Iyong Doktor

Kailan dapat bumisita sa doktor?

Sa oras na maabot mo ang ikalawang trimester ng pagbubuntis, mababa na ang tsansa mong magkaroon ng miscarriage, ngunit posible pa ring mangyari. Kapag nakaramdam ka ng mga sintomas gaya ng matinding pananakit ng tiyan o pagdurugo na lumalabas sa ari, agad kang makipag-ugnayan sa medical professional. Dagdag pa, tawagan ang iyong doktor kung mayroon kang lagnat. 

Kalusugan At Kaligtasan Sa Ika-17 Linggo Ng Pagbubuntis

Pagkain

Sa paglaki ng iyong sanggol, mas marami silang kakailanganin upang lumaking mas malusog. Gayunpaman, dapat mong tiyakin na ang lahat ng tips na pinakikinggan mo ay nakabatay sa facts at science.

Halimbawa, ang karaniwang naririnig natin sa mga tao mula sa mga bansang gaya ng Amerika at Pilipinas ay “kailangan mong kumain nang pandalawang tao.” Gayunpaman, ang maliit na tao na lumalaki sa loob ng iyong katawan ay higit na mas maliit sa average na tao. Kaya’t hindi mo kailangang kumain ng sobrang calorie. Sa ikalawang trimester, sapat na ang kumain ng 340 extra calories sa isang araw. 

Bukod pa sa pag-iisip kung gaano karaming extra calories ang iyong kinakain, kailangan mo ring isipin ang pagkain na iyong kinokonsumo. Bilang isang magandang gabay, dapat kang umiwas sa mga pagkaing hindi naluto nang maigi.  Ito’y dahil ang mga pagkaing hilaw ay may panganib ng food poisoning.  

Bukod pa sa hindi gaanong luto at hilaw pang mga pagkain, dapat mo ring iwasan ang unpasteurized milk products gaya ng soft cheeses. Puwede itong magtaglay ng mga bacteria na magdudulot sa iyo ng impeksyon.

Bagaman okay lang na kumain ng matatamis, iwasan ang masyadong pagkonsumo ng asukal. Tiyakin ding bawasan o tigilan ang pagkonsumo ng caffeine

Dagdag pa, puwede kang uminom ng vitamin D supplements kung walang vitamin D ang iyong prenatal vitamins. Makatutulong ang vitamin D para sa iyo at sa paglaki ng iyong sanggol. Tiyaking makipag-usap sa iyong doktor kung gaano karaming vitamin D ang dapat mong inumin araw-araw. 

Ehersisyo

Ang pagsasagawa ng low-impact exercises araw-araw ay isang magandang paraan upang mapanatili ang sarili at ang iyong sanggol na maging malusog habang nagbubuntis. Sa puntong ito, maraming tao ang maaaring magrekomenda sa iyo na mag-aerobics. Makatutulong ang aerobics sa pagpapalakas ng iyong muscles, baga, at puso.

Puwede ka ring magsagawa ng simpleng pag-eehersisyo upang matulungan kang maging malusog at malakas para sa iyong sanggol. Ang sandaliang paglangoy o mabilis na paglalakad sa loob ng 10-30 minuto sa isang araw ay puwedeng magbigay ng positibong dulot sa iyong katawan. 

Maganda ring gawin sa yugtong ito ng pagbubuntis ang mga ehersisyo na nagpapalakas ng pelvic muscles. Tiyaking piliin ang gentle exercises kung nais mong maihanda ang iyong muscles. 

Mangangailangan ng maraming atensyon at pag-aalaga ang iyong sanggol sa paglaki nito. Tiyaking mababasa mo ang lahat ng makakaya mong basahin tungkol sa mga tamang impormasyon sa kung papaano aalagaan nang wasto ang iyong lumalaking sanggol.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sciatic Nerve, https://www.innerbody.com/image_nervov/nerv23-new.html, Accessed May 8, 2020

Pregnancy Weight Gain, https://americanpregnancy.org/pregnancy-health/pregnancy-weight-gain/, Accessed May 8, 2020

Adipose tissue, https://www.sciencedaily.com/terms/adipose_tissue.htm, Accessed May 8, 2020

Kasalukuyang Version

03/18/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Balat Ng Buntis: Anu-anong Pagbabago Ang Nangyayari?

Ika-16 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement