backup og meta

Ika-4 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ika-4 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ang ika-4 linggo ng pagbubuntis ay tipikal na life-changing kapag nalaman ng mga babae na sila ay buntis na. Ito ay isang mahalagang yugto ng pagtanggap at adjustment.

Baby Development

Paano lumalaki ang aking baby?

Ang unang dapat alamin sa ika-4 linggo ng pagbubuntis ay ang kondisyon ng iyong baby.

Sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis, napakaliit pa lang ng iyong baby. Kasinlaki lamang siya ng maliit na buto. Dito, nakabaon na ang fertilized egg sa loob ng iyong sinapupunan. Saka ito mahahati sa ilang bahagi at ilan sa mga ito ay magiging embryo. Kalaunan, ang mga bahaging ito na naging embryo ang magiging mga bahagi ng katawan ng iyong baby. 

Ang iba pang bahagi ng embryo ay magsisimulang mabuo bilang placenta. Ang placenta ay ang organ na nagpoprotekta sa iyong baby habang ipinagbubuntis. Magsisimula na rin itong kumonekta sa uterine wall. Matapos nito, tutubo na ang umbilical cord palabas mula sa placenta na kokonekta sa iyong katawan. 

Magsisimula nang mabuo sa yugtong ito ang amniotic fluid na magsisilbing kutson para sa iyong baby. Magsisimula itong mabuo sa loob ng yolk sac. 

Mga Pagbabago Sa Katawan At Sa Buhay

Paano nagbabago ang aking katawan?

Paano magbabago ang iyong katawan sa yugtong ito ng pagbubuntis? Para sa ilang mga buntis, maaaring wala pang sintomas sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis. Para naman sa iba, maaari silang makaramdam ng pamumulikat o makakita ng mga patak ng dugo sa kanilang panty. Lumalabas ang mga sintomas na ito kapag ang fertilized egg ay bumaon na sa sinapupunan.

Ito ang punto kung saan ang katawan ay nagsisimulang maglabas ng hCG hormone. Ito ang hormone na nagsasabi sa katawan na huminto na sa paglalabas ng unfertilized egg sa bawat buwan na nagpapatigil ng iyong buwanang regla. Kapag gumamit ka ng home pregnancy test, ma-de-detect ng test na ito ang hormone hCG. Dadagdagan din ng katawan ang produksyon at paglalabas ng estrogen at progesterone na mahahalaga ring hormones. 

Ano ang mga dapat kong bigyang pansin?

Narito ang ilan sa karaniwang mga sintomas ng pagbubuntis na maaari mong maranasan sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis:

Morning Sickness

Ito ang karaniwang sintomas ng pagbubuntis na nararanasan ng karamihan sa mga babae, ngunit hindi lahat. Ito ang isa sa mga unang indikasyon para sa maraming babae na buntis sila. Nakapagdudulot ang morning sickness ng pagduduwal at pagsusuka na nangyayari sa umaga (ngunit maaari ding mangyari anumang oras sa buong araw).

Bloated Abdomen

Magsisimula na ang iyong katawan na dalhin ang iyong baby sa mga susunod na buwan, kaya’t asahan mo nang magiging bloated ang iyong tiyan sa yugtong ito. Magsisimula na ring lumaki ang iyong sinapupunan upang magkasya ang lumalaking bata. 

Spotting

Gaya ng nabanggit kanina, makararanas ka ng spotting kapag ang fertilized egg ay nagpunta na sa uterus. Hindi dapat tumagal ang pagdurugo nang lagpas dalawang araw. Kung mangyari ito, kumonsulta na sa doktor.

Moodiness

Isa rin ito sa karaniwang sintomas na maiuugnay sa mga buntis. Sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis, gumagawa ng mas maraming hormones ang katawan, kaya mas madalas ang pagbabago sa mood ng isang babae. May ilang mga paraan kung papaano makokontrol ng buntis ang pagbabago ng kanyang mood. Kabilang sa mga teknik na ito ang balance diet, pag-re-relax, at pagpapamasahe.

Paglambot Ng Mga Suso

Inihahanda rin ng katawan ang mga suso para sa pagpapadede sa baby, kaya’t daraan din ito sa ilang pagbabago sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis. Dadami ang bilang ng milk glands, at kakapal ang layers ng fat. Magreresulta ito sa paglaki at paglambot ng mga suso. 

Pagdami Ng Vaginal Discharge

Mapapansin ng mga babae ang pagdami ng lumalabas sa kanilang ari sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis. Ang discharge na ito ay maaaring maputi o malinaw at malagkit. Kung mapansin mong tila iba ang kulay ng iyong discharge, o may kakaibang amoy, kumonsulta na sa doktor.

Ito ang mga pangunahing sintomas ng pagbubuntis na maaari mong asahan sa ika-4 na linggo ng pagbubuntis. Mapapansin mo rin sa linggong ito na mababa ang iyong energy at mabilis kang mapagod. Huwag mabahala sapagkat nag-a-adjust lamang ang iyong katawan sa pagtaas ng iyong hormone levels na sanhi ng pakiramdam na pagod. Gayunpaman, kumonsulta sa doktor dahil maaari din itong sintomas ng iron deficiency.

Pagbisita Sa Doktor

Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?

Sa oras na maghinala kang buntis ka, kailangan mong bumisita agad sa doktor. Kahit na lumabas sa pregnancy test na buntis ka, hihilingin sa iyo ng doktor na kumuha ka ng urine/serum pregnancy test. Makatutulong ang una mong bisita sa doktor upang malaman ang iyong due date at matulungan kang matukoy ang mga panganib na maaaring makaapekto sa iyong pagbubuntis. May ilang mga laboratory test ang hihilingin sa iyo ng doktor at kailangan mong bumalik para sa iyong ikalawang prenatal visit. 

[embed-health-tool-due-date]

Kalusugan At Kaligtasan

Ano ang dapat kong malaman sa pagiging malusog at ligtas habang nagbubuntis?

Narito ang ilan sa mga bagay na dapat mong ikonsidera sa ikaapat na linggo ng iyong pagbubuntis. 

  • Simulang kumain ng masusustansya, kung hindi mo pa ito ginagawa. Kaialngan mong magdagdag ng mga pagkaing mayaman sa iron at calcium upang matulungan ang iyong katawan na maging handa para sa iyong baby.
  • Tumigil sa paninigarilyo at pag-inom ng mga may alak. Maaaring makasama sa iyong sanggol ang gawaing ito. Dapat ka ring umiwas sa second-hand smoke, na masama rin para sa iyo. 
  • Ituloy o simulan ang ilang uri ng nakagawiang pag-eehersisyo. Karamihan sa mga buntis ay puwedeng gumawa ng magagaang ehersisyo. Magtanong sa iyong doktor kung ano ang ligtas at posible para sa buntis. Nakatutulong ang pagiging physically fit upang maging handa ka sa panganganak. 
  • Simulan ang pag-inom ng prenatal vitamin supplements para sa iyo at sa iyong baby. Kumonsulta sa doktor para sa reseta ng mga gamot na ito.

Sa maraming paraan, ang ika-4 na linggo ng pagbubuntis ay ang opisyal na simula ng iyong paglalakbay sa patungo sa pagiging ina. Sa mahalagang yugtong ito, kailangan mo ng dagdag na pag-iingat sa sarili at para sa iyong baby bilang paghahanda sa mga darating pang buwan. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Morning Sickness, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/morning-sickness/symptoms-causes/syc-20375254, Accessed October 21, 2021

Pregnancy diet & nutrition: What to eat, what not to eat, https://www.livescience.com/45090-pregnancy-diet.html, Accessed October 21, 2021

Brain hormones, https://www.hormone.org/your-health-and-hormones/glands-and-hormones-a-to-z/hormones/human-chorionic-gonadotropin-hormone-hcg, Accessed October 21, 2021

Kasalukuyang Version

03/18/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Buntis na may PCOS: Posible ba itong Mangyari?

Folic Acid Para Sa Buntis, Gaano Ba Ito Kahalaga?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement