backup og meta

Pagbubuntis: Mga Dapat at Hindi Dapat Kainin o Gawin

Pagbubuntis: Mga Dapat at Hindi Dapat Kainin o Gawin

Kapag ikaw ay buntis, una sa listahan ang nutrisyon para sa kalusugan mo pati na rin sa iyong sanggol. Pinakamahalaga na maaaring sundin ay dagdagan ang mga gulay, prutas, at mga butil. Gayunpaman, ang malamang na hindi nabibigyang pansin ay ang mga bagay na maaaring makasama para sa iyong sanggol. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga dapat at hindi dapat kainin ng buntis. Gayundin kung bakit mahalagang umiwas o bawasan ang mga gawain at mga pagkaing ito. Kasama din ang maaaring mangyari kung hindi ito gagawin.

Bawasan ang mga ganitong pagkain

Seafood na Maraming Mercury

Bagamat ito ay magandang source ng protina at omega-3 fatty acids, ang mercury content ng ilang isda ay lubhang mataas para makapinsala. Sa pangkalahatan, mas maraming taglay na mercury ang malalaking isda at mas matandang isda. Ang maruming tubig ang nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng mercury ang mga isda. Maaaring makalason sa utak, nerves, kidneys, mga mata, at iba pang organs.

Dahil dito, ito ang nangunguna sa listahan kung ano ang mga dapat at hindi dapat kainin ng buntis. Ang iba’t ibang uri ng isda ay may iba’t ibang antas ng mercury. Karaniwan, ligtas na kumain ng dilis, hito, galunggong, sardinas, tilapia, salmon, bangus, hipon, pusit, at alimango. Ang dapat mong iwasan ay marlin, ahi tuna, swordfish at pating.

Hilaw, kulang sa luto o kontaminadong karne, manok o itlog

Ang panganib sa bacterial poisoning ay tumataas kapag buntis. Sa katunayan, ang mga epekto nito ay mas masama pa kaysa kung hindi ka buntis. Siguraduhin na niluto ng husto ang mga pagkaing ito bago mo kainin.

Mga pagkain na hindi pasteurized

Ang malambot na keso tulad ng brie, feta, at blue cheese ay hindi dapat kainin maliban kung sila ay may label na pasteurized.

Mga prutas at gulay na hindi nahugasan

Mahalaga rin ito sa listahan ng mga hindi mo maaaring kainin o gawin habang buntis. Iwasan ang mga hilaw na sprouts tulad ng alfalfa, clover, labanos, at mung bean. Maaaring may pathogenic bacteria ang mga ito.

Labis na caffeine

Ang masyadong marami nito ay maaaring mapunta sa placenta, bagamat ang kabuuang epekto nito ay hindi pa nalalaman.

Alak

Hindi mabuti ang alak kapag buntis ka. Ang pag-inom nito ay naglalagay sa iyo sa higit na panganib ng miscarriage at stillbirth. Maaari rin itong magdulot ng fetal alcohol syndrome na nagreresulta sa mga deformidad sa mukha at intellectual disability.

Iwasan ang ganitong mga Aktibidad

Masahe

Dapat mong iwasang ipamasahe ang iyong tiyan sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Palaging makipag-usap sa iyong doktor bago sumailalim sa anumang uri ng therapy. 

Cat litter

Kung may alaga kang pusa, ang paglilinis ng kanilang dumi o kahit na paglapit dito ay hindi pinapayagan sa panahon ng pagbubuntis. Ang dumi ng pusa ay maaaring magdala ng parasite na tinatawag na Toxoplasma gondii, na maaaring magdulot ng toxoplasmosis. Maaaring mababa ang panganib, ngunit kung makuha mo ito, ikaw ay nasa mas mataas na panganib ng miscarriage, at pagkabulag at pinsala sa utak ng sanggol.

Mga produkto sa paglilinis

Ang paggamit ng matapang na mga kemikal ay maaaring makapinsala sa blood cells at mauwi sa seryosong kondisyon.

Ehersisyo

Kasama ang ehersisyo sa listahan ng mga dapat at hindi dapat kainin o gawin ng buntis. Sa ilang mga kaso, maaari kang magkaroon ng mga problema sa kalusugan kung saan ito ay hindi ipinapayo. Kung hindi man, ang regular na ehersisyo ay okay para sa iyo para makatulong na mapanatili ang malusog na timbang, magde-stress, mabawasan ang pananakit ng likod, at maiwasan ang varicose veins.

Mga pangkulay ng buhok

Okay lang na magpakulay ng iyong buhok pagkatapos ng unang 12 linggo ng pagbubuntis, dahil mas mababa ang panganib ng mga kemikal na makakasama sa sanggol. Kung gusto mo talagang maiwasan ang chemical dyes, mainam ang henna at vegetable dyes.

Amoy ng Pintura

Bagamat mababa ang risk ng inhaled chemicals, mahirap malaman kung gaano ito kababa. Kung nire-renovate mo ang iyong bahay, alamin kung may lead sa pintura. Ito ay dahil ang lead dust ay maaaring sumama sa hangin at maari mo itong malanghap. Ang lead ay nagpapataas ng panganib ng miscarriage, premature birth, at pinsala sa utak, bato, nerve damage, at mga problema sa pag-aaral o pag-uugali ng bata.

Sauna o jacuzzi

Dapat mong iwasan ang mga ito dahil maaari kang ma-overheat, ma-dehydrate, o mahimatay. Sa panahon ng pagbubuntis, maaaring mas mainit ang pakiramdam mo. Ang hormonal changes ay maaari ring magresulta sa panghihina ng pakiramdam. Ang paggamit ng sauna o jacuzzi ay nagiging hadlang sa iyo para sa maginhawa at malamig na pakiramdam dahil sa pagpapawis. Ito ay nagiging sanhi ng pagtaas ng temperatura. Ang anumang pagtaas ng temperatura ng katawan ay maaaring makaapekto sa development ng iyong sanggol, lalo na sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.

X-ray

Hangga’t maaari, iwasang magpa-x-ray dahil sa pagkakalantad sa radiation sa ilang yugto ng pagbubuntis.

Key Takeaways

Ang pag-alam kung ano ang dapat iwasan kapag ikaw ay buntis ay kasing halaga ng kung ano ang mga dapat at hindi dapat kainin o gawin ng buntis. Ang ilang mga pagkain at aktibidad ay nagdudulot ng mga panganib sa iyong ipinagbubuntis. Upang matiyak na ang iyong sanggol ay malusog, gawin ang mga kinakailangang pagsasaayos sa iyong mga gawi sa pagkain at pamumuhay. Laging mainam na makipag-usap sa iyong doktor para lubos mong malaman ang tungkol sa iyong pagbubuntis.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Guidelines on eating fish safely, https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2016/09/13/1623033/guidelines-eating-fish-safely. Accessed 26 Mar 2022

Pregnancy nutrition: Foods to avoid during pregnancy, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-nutrition/art-20043844. Accessed 26 Mar 2022

Things to avoid during pregnancy, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/things-to-avoid-during-pregnancy. Accessed 26 Mar 2022

Childhood Lead Poisoning Prevention, https://www.cdc.gov/nceh/lead/prevention/pregnant.htm. Accessed 26 Mar 2022

Kasalukuyang Version

11/18/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement