Pagdating sa pagkakaroon ng baby, mahalagang malaman ang senyales ng fertile na babae. Nakakatulong ito para malaman kung kailan ang tamang panahon para mabuntis, at upang tumaas ang posibilidad ng pagkakaroon ng baby.
Bukod dito, mainam rin ito sa mga nais gumamit ng natural method ng family planning. Ito ay upang iwasan ang pakikipagtalik sa fertile window ng isang babae.
Senyales Ng Fertile Na Babae: Paano Malaman Kung Puwedeng Mabuntis
Pinaka-fertile ang mga babae kapag sila ay nago-ovulate. Ito ay ang panahon kung saan naglalabas ng egg cell ang ovaries ng isang babae.
Sa panahong ito, mataas ang posibilidad na mabuntis dahil dito pinaka-viable ang egg cell para ma-fertilize. Ngunit maigsi lamang ang oras na ito, na nasa mga 12-24 na oras.
Pero hindi naman kinakailangan na mag-sex sa loob ng window na ito upang mabuntis. Yan ay dahil tumatagal ng tatlong araw hanggang isang linggo ang sperm cell sa vagina.
Ibig sabihin, basta’t nasa loob ng ovulation window ang pagtatalik, maaari pa ring mabuntis ang babae.
[embed-health-tool-ovulation]
Pero anu-ano nga ba ang senyales ng fertile na babae? Heto ang mga dapat mong malaman:
Pagbabago ng mga secretion
Ang isang madaling alamin na senyales ng fertile na babae ay ang pagbabago sa vaginal secretions o ang mucus na galing sa pwerta,sa ovulation period.
Kapag malapit na ang ovulation ay nagiging mas malinaw at madulas ang secretions na ito. Nangyayari ito dahil ginagawa ng katawan na mas kaaya-aya ang loob ng vagina para mas tumagal ang buhay ng sperm cells sa loob nito.
Pinapadali rin nito ang paglangoy ng mga sperm cells upang marating nila kaagad ang egg cell.
Pagtaas ng sex drive
Ang isa pang senyales ng fertile na babae ay ang pagkakaroon ng mas mataas na sex drive o hilig sa pakikipagtalik.
Ito ay dahil kapag nago-ovulate ang isang babae, gumagawa ito ng mas maraming testosterone at estrogen. Nakakatulong ang mga hormones na ito upang itaas ang sex drive ng isang babae, dahil handa na ang kaniyang katawan para sa ovulation.
Mainam ito sa mga nais magkaroon ng anak, dahil kung mas madalas mag-sex, mas mataas ang posibilidad na mabuntis.
I-track ang iyong menstrual at ovulation cycle
Minsan, mas mabuti na sa halip na hintayin ang senyales ng fertile na babae ay i-track mo mismo kung kailan ang iyong fertility window. Ito ay dahil mas hindi mo kailangan mag-depende sa mga senyales kung kaya mong i-track ang iyong ovulation cycle.
Nagagawa ito sa pag-track ng iyong menstrual cycle. Kadalasan, ang ovulation ay nagsisimula 4 na araw bago o pagkatapos ng gitna ng iyong menstrual cycle. Sa ganitong paraan, puwede mong subukan ng iyong partner na makipagtalik kapag nago-ovulate ka na.
Pero tandaan na hindi 100% accurate ang ganitong pamamaraan. Ito ay dahil may ilang mga babae na irregular ang cycle, kaya’t hindi madaling mag-track ng ovulation.
[embed-health-tool-ovulation]
Sumailalim sa isang ovulation test
Ang pinaka-siguradong paraan upang malaman na ikaw ay fertile ay sa pamamagitan ng ovulation test. Ito ay isang blood test na sinusukat ang dami ng progesterone sa iyong dugo. Mainam na sumailalim sa test na ito mga 3 hanggang 10 araw bago ang iyong sunod na period.
Ang problema nga lang ay mayroong kamahalan ang ganitong mga test. Maaari ka rin gumamit ng ovulation predictor test, na sinusukat ang dami ng isang hormone sa iyong ihi. Mas mura ito kumpara sa ovulation test gamit ang dugo.
Pero kinakailangan mo pa rin na i-track ang iyong ovulation, dahil kailangan mo itong gawin sa araw kung kailan ka fertile para mas accurate ang resulta ng test. Mabisa din naman ang mga pamamaraan na ibininanggit basta tama ang pagkakagawa.
Alamin ang tungkol sa Pagbubuntis dito.
[embed-health-tool-bmi]