Ano ba ang natural na paraan upang hindi mabuntis? Ito ang madalas na tanong ng mga mag-asawang ayaw umasa sa contraceptive medicines o physical devices. Kaya naman gumawa ng artikulo ang Hello Doctor na nakatuon sa pag-iwas sa pagbubuntis sa pamamagitan ng natural na paraan at fertility awareness method.
Para mas maunawaan ang mga natural na paraan upang hindi ka mabuntis, basahin ang artikulong ito.
Natural Birth Control: Ang Pagpapaliwanag
Ang natural na birth control o natural na pagpaplano ng pamilya ay tungkol sa aksyon na ginagawa ng mag-asawa. Partikular, sa pag-iwas sa pagbubuntis ng asawa. Sa natural birth control, hindi kasama ang contraceptive pills na naglalaman ng hormones. Kung saan, may kakayahan ito na pahintuin ang obulasyon (pagre-release ng egg cell mula sa ovary). Hindi rin bahagi ng natural birth control ang paggamit ng physical device, gaya ng intrauterine devices (IUD) o condom.
Maraming natural methods ang nangangailangan ng fertility awareness na nangangahulugan na hindi ka makikipag-sex sa panahon ng pagkakaroon mo ng signal sa fertility. Dagdag pa rito, mayroong mga pamamaraan, gaya ng withdrawal, at kawalan ng regla sa panahon ng pagpapasuso, ang hindi nakadepende sa fertility clues.
Bagama’t itinuturing na less convenient ang natural birth control, pwede pa ring maging epektibo ito. Lalo na kung gagawin ang tama at nananatiling pokus ang mag-asawa sa kanilang desisyon.
Natural na Paraan Para Hindi Mabuntis: Pros
Bago natin talakayin kung paano natural na maiwasan ang pagbubuntis. Alamin muna natin ang pros at cons ng natural na pagpaplano ng pamilya.
Nasa ibaba ang iba pang pros sa paggamit ng natural family planning:
- Sa paggamit ng pills, pwede itong humantong sa side effects, tulad ng pananakit ng ulo, pananakit ng dibdib, pagduduwal, at spotting. Habang sa natural family planning methods naman, hindi ito gumagawa ng anumang physical side effects.
- Hindi nangangailangan ng procedures at fitting ang natural methods at sa karamihan ng kaso, wala itong presyo o halaga.
- May mga mag-asawa na ginagawa ang natural family planning dahil sa kanilang strict belief na inaprubahan ng Simbahang Katoliko at ng ilang Protestanteng denominasyon.
Natural na Paraan Para Hindi Mabuntis: Cons
- Ang natural na pagpaplano ng pamilya ay pangunahing nakasalalay sa fertility awareness. Mayroong mga pagkakataon na medyo mahirap matukoy kung kailan eksaktong fertile ang babae.
- Hindi maaaring magkaroon ng penetrative sex ang mag-asawa kapag ang babae ay fertile, maliban na lang kung nag-resort sila sa unreliable natural methods, tulad ng withdrawal, o paggamit ng device, gaya ng condom.
Natural na Paraan Para Hindi Mabuntis Gamit Ang Fertility Awareness Methods
Nasa ibaba ang ilan sa mga paraan kung paano maiwasan ang pagbubuntis nang natural:
1. Calendar Method
Para sa calendar method, kailangan mong subaybayan ang iyong menstrual cycles nang hindi bababa sa 6 na buwan. Karaniwan, kailangan mong itala ang mga unang araw ng iyong regla. Pagkatapos, bilangin ang mga araw sa pagitan ng bawat cycle at kung ang karamihan sa’yong mga cycle ay mas maikli sa 27 araw — ang calendar method ay pwedeng hindi angkop para sa’yo.
2. Basal Body Temperature Method
Ang temperatura ng katawan ng isang babae ay bumaba ng humigit-kumulang half centigrade bago ang ovulation, at tumataas ito muli kapag nailabas na ng ovary ang egg cell.
Para gumana ang basal body temperature, kailangang subaybayan ng mag-asawa ang basal body temp ng babae gamit ang special thermometer sa parehong oras, tuwing umaga pagkagising — at bago bumangon sa kama.
3. Cervical Mucus Method o Billings Method
Ang pag-inspect sa cervical mucus ng babae ang isa sa paraan para maiwasan ang pagbubuntis.
Ayon sa mga eksperto, ang mag-asawa ay dapat umiwas sa pakikipag-sex mula sa araw na ang cervical mucus ay nagiging manipis, malinaw, at nababanat hanggang sa ika-4 na araw, at pagkatapos nitong maging makapal, maulap, at malagkit ng mucus.
Key Takeaways
Para gumana ang mga pamamaraan ng fertility awareness, kailangang maging consistent ang mag-asawa sa pagsunod sa instruction. Gayunpaman, tandaan na pwedeng magkaroon ng ibang mga kadahilanan sa pagbubuntis kahit gawin ang natural birth control. Bukod pa rito, ang iba’t ibang mga sakit, stress, at kapaligiran ay pwedeng makaapekto sa temperatura ng katawan at tsansa na mabuntis. Tandaan mo rin na ang calendar method ay hindi gagana kung ang babae ay may hindi regular na regla. Habang ang mga pagbabago sa cervical mucus ay natatangi sa bawat babae. Matuto pa tungkol sa Women’s Fertility dito.
[embed-health-tool-bmr]