backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Epekto Ng Alak Sa Gusto Manganak: Dapat Ba Itong Iwasan?

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD · Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    Epekto Ng Alak Sa Gusto Manganak: Dapat Ba Itong Iwasan?

    Maaari bang pigilan ka ng alak sa pagbubuntis? Ano nga ba ang epekto ng alak sa gusto manganak? Isa sa mga bagay na ipapayo sa iyo ng mga propesyonal na iwasan sa lahat ng mga bisyo habang buntis ay ang pag-inom ng alak. Ngunit alam mo ba na kahit na sinusubukan mo pa lamang na magbuntis, ay dapat mo ring iwasan na ang pag-inom ng alak?

    Napatunayan ng mga kamakailang pag-aaral ang kaugnayan sa pagitan ng alkohol at mga pagkakataong mabuntis. Ang mga pag aaral na ito ay nag mungkahi na kung nais mong magbuntis, ipinapayong iwasan ang labis na pag-inom. Kahit na sa ikalawang kalahati ng cycle ng iyong regla, ang katamtamang pag-inom ay maaaring magpababa ng iyong mga pagkakataong mabuntis.

    Ngunit ito ba ay talagang isang bagay na maaaring pigilan ka sa pagbubuntis o isa lamang na dapat abangan?

    Ano Ang Epekto Ng Alak Sa Gusto Manganak

    Ang isang pag-aaral na ginawa ni Dr. Kira Taylor at mga kapwa mananaliksik ay nag-obserba ng data mula sa mga kababaihang may edad 19 hanggang 41 taong gulang sa Mount Sinai Study of Women Office Workers. Ang lahat ng 413 kababaihan na kasangkot sa pag-aaral ay may mga tala sa talaarawan na nag-uulat ng dami ng alkohol na kanilang nainom, anong uri, habang nagbibigay ng mga sample ng ihi sa una at ikalawang araw ng kanilang mga menstrual cycle lahat upang suriin ang estado ng pagbubuntis.

    Sa pag-aaral, ang labis na pag-inom ay katumbas ng higit sa anim na inumin sa isang linggo. Ang katamtaman ay tatlo hanggang anim na inumin. At ang binge-drinking ay apat o higit pang inumin sa isang araw. Ang mga inuming ito ay humigit-kumulang 355ml ng serbesa o 44ml ng mga distilled spirits.

    Maaari bang pigilan ka ng alak sa pagbubuntis? Batay sa mga resulta, ang anumang labis na pag-inom sa loob ng mga yugto ng siklo ng regla ay nagbawas ng mga posibilidad ng paglilihi kumpara sa mga hindi umiinom. Ang impormasyong tulad nito ay kailangan dahil ang mga kababaihan na maaaring sumusubok na mabuntis ay mag-iisip na ligtas na uminom o higit pa sa panahon ng kanilang regla.

    Gayunpaman, ang alkohol ay maaaring isang karagdagang kadahilanan lamang sa marami pang iba. Ang pag-aaral ay nagpapakita lamang ng mga kaugnayan sa pagitan ng pag-inom at pagsisikap na magbuntis, ngunit maaaring hindi lamang ito ang direktang dahilan. Sinasabi ni Dr Taylor na ang mga resulta ng pag-aaral ay hindi dapat nangangahulugang ganap na pinipigilan ng alkohol ang pagbubuntis. Sa kanyang sariling mga salita, “ang alkohol ay hindi pagkontrol sa kapanganakan.” Ibig sabihin, kung ang isang babae ay may unprotected sex, maaari pa rin siyang magbuntis.

    Fecundability At Fertililty 

    Maaaring ipagkamali ng ilang tao ang fertility  bilang fecundability, o kabaliktaran. Gayunpaman, ang mga ito ay dalawang magkaibang konsepto.

    Sa pag-aaral, tinutukoy ng mga mananaliksik ang fecundability bilang ang mga pagkakataong mabuntis ang isang babae sa gitna ng isang solong menstrual cycle. Ang fertility sa kabilang banda ay nangangahulugan ng likas na kapasidad ng isang babae sa pag dadalantao. Ang isa ay may kaugnayan sa mga siklo ng regla. At ang isa naman ay tumutukoy sa kakayahan sa sarili ng paglilihi at mag ka-anak.

    Ang isa pang mahalagang takeaway mula sa pag-aaral ay ang pag-inom ng alkohol ay maaari lamang mabawasan ang mga pagkakataon ng fecundability, hindi nababawasan ang mismong fertility. Nangangahulugan ito na ang mga pagkakataong magbuntis sa loob ng isang siklo ng regla ay maaaring mabawasan. Ngunit hindi ito maaaring ganap na ihinto.

    Maraming mga salik din ang fertility ng isang tao. Ang ilan sa mga may pinaka-malaking epekto ay edad, etnisidad, paninigarilyo, at maraming iba pang biolohikal  na mekanismo.

    Gumamit Ng Proteksyon Sa Lahat Ng Oras

    Maaari mong isipin na dahil maaaring maapektuhan ng alkohol ang pagkakataong mabuntis, ay maaari itong gamitin bilang paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis. Ayon sa mga mananaliksik ng pag-aaral, hindi ito ipinapayo.

    Ang alkohol ay hindi maaaring maging isang paraan ng birth control. Hindi nito pinipigilan ang mga pagkakataon ng pagbubuntis o paglilihi. Sa halip, binabawasan lang nito ang mga pagkakataon hanggang 45%, higit pa o mas kaunti.

    Laging siguraduhin na gumagamit ka ng isang lehitimong paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis kung hindi mo sinusubukang magbuntis ng isang bata. Ang mga condom, birth control pill, o anumang mas gusto mo ay gagana ng higit kaysa ilang bote ng alak. Laging mas mabuting manatiling ligtas kaysa magsisi sa huli.

    Mapanganib Pa Rin Ang Alkohol 

    Samakatwid, ang alkohol ay maaari pa ring maging lubhang mapanganib sa iyong kalusugan. Kahit na hindi mo sinusubukan ang magka-baby, umiinom ka lamang para sa kasiyahan nito. At ang labis ay hindi kailanman magiging isang magandang bagay.

    Panatilihing ligtas ang iyong sarili at subukang iwasan ang pag-inom ng maraming alkohol. Ito ay magliligtas hindi lamang sa iyong mga pagkakataong mabuntis, ngunit sa iyong sariling kalusugan din.

    Huwag kalimutang mag sanay ng safe sex, at iwasang magkaroon ng pagkagumon sa alak. Magsaya sa iyong buhay habang nananatiling ligtas sa parehong oras.

    Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Regina Victoria Boyles, MD

    Pediatrics


    Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement