Kung ikaw at ang iyong kapareha ay nagpaplanong magsimula ng isang pamilya. Pwedeng naitanong mo na kung nakakabaog ba ang fasting? Maaaring nag-aalala ka rin sa pagdidiyeta kung nakakaapekto ba ito sa fertility.
Ang pag-aalala na ito ay makatwiran. Dahil, may posibilidad na ang praktis na ito ay pwedeng makaapekto sa’yong hormones. Sapagkat ang iskedyul ng iyong mga pagkain kapag nag-aayuno o fasting ay lubhang naiiba sa’yong usual routine. Kung saan, maaari itong maging sanhi ng pagkagulo o haywire ng ilang hormones.
Nakakabaog ba ang fasting?
Bago natin tuklasin ang sagot sa tanong na ito. Makakatulong na alamin muna natin kung ano ang pag-aayuno.
Ang fasting ay ang pag-iwas sa pagkain o inumin sa isang tiyak na tagal ng panahon. Ito’y karaniwang ginagawa para sa mga kadahilanang pangkalusugan. Isa sa pinakakaraniwan sanhi nito ay ang pamamahala sa timbang ng isang tao.
Natuklasan ng mga researcher sa Harvard University, sa pakikipagtulungan na rin sa Massachusetts General Hospital (MGH) — na ang restricting calorie intake sa adult female mice ay maaaring makapag-iwas ng mga abnormalidad sa pagbubuntis.
Sa pag-aaral na ito, sinusubaybayan ng scientist ang 2 grupo ng adult na babaeng daga na may edad na 3 buwan hanggang 1 taon. Pinag-aralan ng pananaliksik na ito kung paano makakaapekto ang diyeta ng isang tao sa kalidad ng mga itlog at fertility ng lab mice.
Nagsagawa sila ng pag-aaral sa mga daga, kaya humantong sila sa kanilang mga natuklasan. Paano nila isinagawa ang pag-aaral na ito?
Narito kung paano:
- Ang isang grupo sa panahon ng adulthood ay pinakain hangga’t maaari. Habang ang ibang pangkat naman ay limitado sa 7 buwang dietary intake — at binigyan lamang ng maraming pagkain bago matapos ang pag-aaral.
- Bilang resulta, ang grupo ng daga na pinayagang kumain ng malaya ay nakaranas ng pagbaba sa bilang ng itlog na prino-produce sa panahon ng obulasyon.
- Samantala, ang mga itlog mula sa isang grupo ng mga daga na naghihigpit sa kanilang food intake ay may mas malusog na egg cells.
- Ang pag-aaral iba pang mga hayop, gaya ng mga babaeng unggoy ay nagpakita rin ng mga katulad na resulta.
- Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay naging dahilan para i-expect ng researchers na ang diyeta at fertility ng tao. Lalo na ang mga babaeng nasa hustong gulang ay naaapektuhan din sa parehong paraan.
- Batay sa pag-aaral na ito, pwedeng hindi maapektuhan ng pag-aayuno ang fertility ng kababaihan. Sa katunayan, ang pananaliksik na ito ay nagpahayag na ang praktis na ito ay maraming benepisyo. Kabilang dito ang pagpapahaba ng fertility period ng mga babae — at kahit na ang pagtaas ng bilang ng mga itlog na nagawa.
Ito ay dahil sa nabawasan ang paggamit ng calorie sa’yong katawan. Partikular sa panahon ng pag-aayunong nagpapababa ng blood sugar levels — at positibong nakakaapekto sa reproductive hormones.
Kaya, ang babaeng nagdidiyeta o nag-aayuno ay may posibilidad na magkaroon ng normal na cycle ng regla at malusog na produksyon ng itlog.
Nakakaapekto ba ang pag-aayuno sa sperm quality?
Ang fasting ay hindi makakaapekto sa kalidad ng sperm. Sa kabaligtaran, ang pag-aayuno ay pwedeng aktwal na mapabuti ang paggana ng reproductive organs. Makikita na ang acid at alkaline levels sa katawan ay magiging balanse sa panahon ng fasting. Nang sagayon, ang paggana ng iba’t ibang organs ng katawan ay tumaas.
Sinasabi na ang “consciously restricted intake” ng pagkain habang nag-aayuno ay hinahamon ang survival ng bakterya, virus, mikrobyo — pati na rin ang mga nakakapinsalang cancer cells.
Bilang karagdagan, ang pag-aayuno ay nagbibigay din ng pagkakataon para sa digestive system na makapagpahinga. Kung saan, nag-aalis ito ng iba’t ibang toxins at dumi na pwedeng makapinsala sa’yong kalusugan.
Para mapanatili ang kalidad ng sperm at itlog sa panahon ng pag-aayuno. Mas maganda na kumain ng balanseng diyeta sa breaks — at panatilihing suriin ang iyong fluid levels.
Kung nagpaplano kang magbuntis sa lalong madaling panahon, o gusto mong i-delay ang pagbubuntis. Mahalagang humingi ng opinyon sa’yong doktor. Tulad ng anumang pagbabago sa lifestyle na pwedeng makaapekto sa’ting kalusugan, o kalidad ng buhay. Pinakamahusay na humingi ng opinyon ng eksperto.
Nasubukan mo na bang mag-fasting? Ano ang iba pang mga pamamaraan na sinubukan mo para mapalakas ang fertility? Ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pagsagot sa comments section!