Ang pagiging magulang ay isang normal na pangarap o nais ng tao, ngunit hindi laging madaling magkaroon ng isang sanggol sa karaniwang paraan. Ang ilang mga mag-asawa ay may mga isyu sa kawalan ng kakayahang magkaanak. Maraming mga programa sa pagpaparami ng supling na makatutulong sa mga mag-asawa at indibidwal sa nagnanais magkaanak. Kabilang sa mga dalawang pamamaraan ay ang IVF o Artificial Insemination.Ā
IVF o Artificial Insemination ā Alin ang Mas Higit na Mahusay?
Napatunayang matagumpay ang parehong pamamaraan, ngunit parehong may kaakibat na panganib. Sa pamamagitan ng panimulang talakay sa IVF o Artificial Insemination, tutulungan namin kayong maunawaan ang parehong pamamaraan.
IVF o Artificial Insemination: Ano ang artificial insemination?
Ang artificial insemination ay isang pamamaraan na naglalagay ng sperm sa cervix ng babae o matris.
Ang pamamaraan ay pinamamahalaan ng doktor na dalubhasa sa pagpaparami ng anak nag susuri ng mga fallopian tube upang tingnan kung may namuong tissue sa labas ng uterus o endometriosis, ang sakit na ito ay napagdidikit-dikit nito ang bahagi ng reproductive organ ng mga babae. Ang pagpaparami ay kadalasang nangyayari sa fallopian tube, kaya dapat itong suriin bago isagawa ang anomang pamamaraan upang matiyak na nasa mabuting kalagayan ang mga ito.
Ang susunod na hakbang ay may kinalaman sa pagpapasigla ng obulasyon ng babae sa pamamagitan clomiphene at pagsubaybay sa siklo ng obulasyon ng babae. Kung ang obaryo ay naglalabas ng ovum, ang sperm mula sa asawang lalaki o donor ay kailangang makuha at mahugasan, at pagkatapos ay ipapasok na sa uterus ng babae sa pamamagitan ng catheter.
Ang kalidad ba ng sperm ay nakaaapekto sa kinalabasan?
Ang artificial insemination ay nangangailangan ng magandang kalidad ng sperm dahil kahit na ito ay malalim na itinurok sa matris, ang sperm ay kailangan pa ring lumangoy sa itlog tulad ng natural na paraan. Para sa pinakamahusay na kalidad, ang sperm ay kailangang sariwa, ibig sabihin, dapat itong kolektahin sa parehong araw na ito ay ituturok sa matris. Para sa mga may donor na sperm, ang frozen sperm ay maaaring gamitin. Ngunit ang sperm na ito ay dapat na suriin muna para masukat ang kalidad. Dapat ito ay may sapat na lakas upang lumangoy.
Kung matapos ang tatlong siklo ng obulasyon at ang pagbubuntis ay hindi nangyari, isa pa na ulit ng clomiphene, pagsubaybay ng obulasyon, at artificial insemination ang isasagawa. Para sa ikatlong pagtatangka, ang Human Chorionic Gonadotropin (HCG) ay ituturok upang pasiglahin ang obulasyon. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng In Vitro Fertilization kung ang tatlong pagtatangka ay hindi naging matagumpay.
Ano ang In Vitro Fertilization (IVF)?
Ang In Vitro Fertilization (IVF) ay makatutulong na pamamaraan sa reproductive technology na sangkot ang pagpapabunga ng mga itlog sa labas ng katawan. Pagkatapos ay magsasagawa ng transplant sa mga embryo sa loob ng matris.
Tulad ng artificial insemination, ang obulasyon ng babae ay unang napasisigla sa pamamagitan ng clomiphene at HCG. Isang araw at kalahati pagturok ng HCG. Ang babae ay dapat magkaroon ng kanyang mga itlog na aanihin. Ang mga itlog na ito ay susuriin kung maganda ang kalidad at kung sapat ang mga ito para sa pagpapabunga (fertilization)
Ang pinakamagandang kalidad ng mga itlog ay pag-iisahin sa mga sperm. Para sa sperm na may mga problema sa motility at hindi mataas ang kalidad, o hindi pa sapat, ang pagpapabunga ay isinasagawa sa pamamagitan ng intracytoplasmic sperm injection (ICSI).
Kung ang pagpapabunga(fertilization) ay matagumpay, ang doktor ay maghihintay sa pagbuo ng embryo sa yugto ng blastocyst. Ang doktor ay pipili ng isang embryo at gagamit ng catheter at syringe upang ipasok ang embryo sa matris ng babae. Pagkatapos ng 14 na araw, ang isang simpleng pregnancy test ay magbubunyag kung ang embryo ay matagumpay na na-implant.
Ang mga natitirang embryo na hindi naipasok ay pagyeyeluhin at itatago. Sakaling ang pagbubuntis ay hindi mangyayari, maaaring gamitin pa ang mga ito sa susunod na mga siklo. Ang mga embryo na ito ay maaari ding maging donasyon sa iba pang mag-asawa na may mga isyu sa pagkakaroon ng anak.
IVF o Artificial Insemination: Alin ang para sa akin?
Ang artificial insemination ay mas mura kaysa IVF. Mababa ang lebel ng panganib na dala nito at hindi gaanong komplikado . Kaya naman, ito ang dahilan kung bakit ito ang pamamaraan ito ang inirerekomenda.Ā
Hindi kaagad ipapayo ng doktor ang artificial insemination maliban na lamang kung ito ay kinakailangan. Dahil ang pagpapabunga (fertilization) ay nangyayari sa fallopian tube, dapat silang maayos na gumagana.
Ang IVF ay inirerekomenda kapag:Ā
- Ang babae ay mayroong nasira o napinsang mga fallopian tube, o ang fallopian tube ay hindi buo.
- Ā Siya ay naghihirap mula sa endometriosisĀ
- Ā Ang lalaki ay may mababang kalidad na sperm
IVF o Artificial Insemination: Alin ang Mas Matagumpay?
Ang mga pagbubuntis sa pamamagitan ng artificial insemination ay may 16% na antas ng tagumpay para sa mga kababaihan na 35 taong gulang at mas mababa. Sa kabilang banda, ang IVF ay may 40% na antas ng tagumpay para sa mga kababaihan ng parehong edad. Habang tumatanda ang babae, ang kakayahang magbuntis ay bumababa kaya mahalaga na sumailalim sa mga gamutan at gamitin ang makatutulong na reproductive technology sa lalong madaling panahon.
Pagdating sa IVF o artificial insemination, ang mga gastos sa pagbubuntis ay mas mababa.
Mga PanganibĀ
Habang ang antas ng pagbubuntis para sa IVF ay mas mahusay kaysa sa artificial insemination, tandaan na hindi lahat ng mga pagbubuntis ay nagreresulta sa isang buhay na supling. Maaaring magresulta ang IVF sa maraming anak gaya ng kambal o higit pa, na maaaring humantong sa mababang timbang ng kapanganakan, preterm na kapanganakan, at neonatal hospitalization.
Mayroon ding pagkakaiba pagdating sa mga panganib sa pagitan ng IVF o artificial insemination. Mayroong bahagyang pagtaas ng panganib para sa genetic abnormalities sa artificial insemination. Maaaring ito ay dahil sa kalidad ng sperm. May isang dahilan kung bakit ang pagbubuntis ay hindi maaaring mangyari ng natural at maaaring dahil ang sperm ay hindi sapat na malusog o nagdadala ng mga chromosomal o mga gene defects. Dahil ang artificial insemination ay nakapagmamana ng mga katangian ng pinagmulan mula sa magulang, ang bata ay maaaring magkaroon ng mga genetic abnormalities.
Sa IVF at lalo na kapag ginamit ang ICSI, ang pinakamalusog na sperm ay pinipili at itinuturok sa ovum. Kapag ipinanganak ang mga bata dahil sa IVF at naeksamin sila pagtungtong sa 10 taong gulang, karamihan sa kanila ay malusog sa lahat ng aspeto.
Key Takeaways
Habang ang parehong pamamaraan ay ginagamit para sa matagumpay na paglilihi, hindi rin tinitiyak ng mga prosesong ito ang isang matagumpay na pagbubuntis at kapanganakan. Tulad ng natural na proseso ng pagpaparami, ang isang malusog na pagbubuntis ay nakasalalay sa: - kalusugan ng nanay
- Ā edad ng babaeĀ
- Ā ang kalidad ng kanyang mga itlogĀ
- Ā ang kalidad ng sperm at bilang ng sperm ng lalakiĀ
Ang isang malusog na lalaki at babae ay malaki ang pagkakataong magbuntis at magkaroon ng isang malusog na sanggol. Ngayon na mas marami na ang iyong kaalaman tungkol sa pagitan ng IVF o artificial insemination, kumonsulta sa iyong obstetrician-gynecologist o espesyalista sa pagpaparami ng supling kung saan ang pamamaraan na angkop para sa iyo. Matuto rito nang higit pa tungkol sa pagbubuntis dito.