backup og meta

Paano Malalaman Kung Fertile Base Sa Menstrual Cycle?

Paano Malalaman Kung Fertile Base Sa Menstrual Cycle?

Maraming mga paraan para alagaan ang sarili: kumain ka ng malusog, mag-ehersisyo, at magkaroon ng sapat na pahinga. Bukod sa mga bagay na ito, ang pag-unawa kung paano gumagana ang iyong katawan ay isa sa pinaka mabuting pag-aalaga sa iyong sarili. Halimbawa na kung paano malalaman kung fertile. Ito ay lalong mahalaga para sa mga kababaihan na mga taon na ang binibilang pero hindi talagang binibigyang pansin ang kanilang cycle ng regla. 

Ang pag-track sa iyong menstrual cycle ay may maraming benepisyo. 

Sinasabi nito sa iyo kung kailan ka magiging pinaka-energetic, mas produktibo, at paano malalaman kung fertile. Ang pagsubaybay sa iyong cycle ay nangangahulugan ng kakayahang matantya ang iyong fertile window. Mahalaga ito kung aktibong sinusubukan mong maiwasan ang pagbubuntis.

Karamihan sa mga kabataang babae ngayon na sexually active ay kadalasang may mga tanong tungkol sa kanilang mga cycle tungkol sa kung paano malalaman kung fertile at kung ano ang tyansa na sila ay mabuntis. 

Ang ilang mga katanungan ay:

  • “Maaari ba akong mabuntis pag may period ako?”
  • “Ilang araw pagkatapos ng aking regla maaari akong mabuntis?”
  • “Kailangan ko bang gumamit ng contraception pag may period?”
  • “Kailan ang aking safe at unsafe na mga araw?”

Kung narito ka at naghahanap ng mga sagot sa mga tanong sa itaas, kung gayon kailangan mo ng isang crash course sa iyong menstrual cycle.

Ang Menstrual Cycle: Lahat ng Dapat Mong Malaman

Bawat buwan, naghahanda ang katawan ng babae para sa posibilidad ng pagbubuntis. Kapag ang itlog ay hindi na-fertilize ng isang sperm cell, ang lining ng matris ay nalaglag, at ito ang nagiging sanhi ng iyong regla.

Ang bawat cycle ay nagsisimula at nagtatapos sa regla. Magsisimula ang unang araw ng iyong cycle sa unang araw ng iyong regla. Ang kasalukuyang cycle ay nagtatapos kapag nagka-regla ka muli. Ideally, ang mga ovary ay gumagawa ng isang itlog para sa bawat cycle.Kapag hindi na-fertilize ang itlog na ito, sisimulan mo ang iyong regla. Kung nangyari na ang isang sperm cell at isang egg cell ay nasa matris nang magkasabay, ang itlog ay fertilized, at ito ang simula ng isang pagbubuntis. 

Ang karaniwang haba ng isang cycle ng regla ay nag-iiba sa pagitan ng 21 hanggang 35 araw. Gayunpaman, ang ilang mga kababaihan ay may mga cycle na mas mahaba kaysa doon. Ang pagta-track mo sa iyong regla ay kasiguruhan na matutukoy mo ang anumang mga iregularidad.

Minsan, nagiging out of sync ang isang cycle at magtatagal nang mas matagal kaysa karaniwan. Maraming mga kadahilanan ang maaaring mag-ambag dito tulad ng stress, pagbabago sa diyeta, biglaang ehersisyo, o travel. Ang isang naantala o lulampas na regla ay hindi agad basehan na ikaw ay buntis. Gayunpaman, kung nagkaroon ka ng unprotected sex, hindi mo ito lubos na maiaalis.

Ang terminong “safe” at “unsafe” na mga araw ay naiisantabi kapag pinag-uusapan kung kailan maaaring magtalik ang mga mag-asawa nang walang proteksyon, at kung kailan sila dapat magkaroon o umiwas sa pakikipagtalik, kung gusto nilang malaman ang phases ng menstrual cycle at paano malalaman kung fertile, makakatulong sa iyo na maunawaan ito nang mas mabuti: 

Follicular phase (approximately Day 1 – Day 14)

Ang follicular phase ay nagsisimula sa unang araw ng iyong cycle o sa unang araw ng pagdurugo at magtatapos kapag nagsimula ang obulasyon. Ito ay kapag ang mga ovary ay naghahanda na maglabas ng isang itlog. Ang mga pituitary gland sa utak ay naglalabas ng follicle stimulating hormone (FSH). Ang mga ito ay nagsasabi sa mga ovary na gumawa ng “follicles”. Isa lamang sa mga follicle na ito ang magma-mature sa isang egg cell na handa na para sa fertilization.

Sakop ng follicular phase ang oras pagkatapos ng iyong regla at bago ang obulasyon. Ang isang maling kuru-kuro tungkol sa mga menstrual cycle ay hindi ka maaaring mabuntis hangga’t ikaw ay nag-ovulate, ito ay misleading.

Sa maayos na mga kondisyon, ang sperm ay maaaring manirahan sa matris nang hanggang limang araw. Kung nagkataon na nakipagtalik ka nang hindi protektado sa pagtatapos ng iyong follicular phase at sa simula ng obulasyon (na kilala rin bilang fertile window), maaaring ito ay isang pagkakataon para mabuntis ka.

Ovulatory Phase o Obulasyon (approximately Day 14)

Dalawang linggo bago ang iyong regla ay nakatakdang magsimula, ang obaryo ay naglalabas ng isang mature na itlog. Ang mature na itlog ay nagsisimula sa ibabaw ng obaryo. Pagkatapos, dahan-dahan itong dumaan sa fallopian tubes at papunta sa matris.

Ang itlog ay may buhay lamang na 24 na oras. Kung walang sperm sa matris sa panahong ito, mamamatay ang itlog. Ang pinakamagandang oras para makipagtalik kung sinusubukan mong magkaroon ng isang sanggol ay sa iyong tinantyang araw ng obulasyon at tatlong araw bago iyon. Ito ay upang matiyak na mayroong isang mabubuhay na sperm na handang i-fertilize ang itlog kapag ito ay inilabas.

Luteal phase (approximately day 14-28)

Kapag nangyari ang obulasyon, ang follicle ay sasabog at naglalabas ng itlog. Ang mga tira ng follicle ay nananatili sa ibabaw ng obaryo at bumubuo ng corpus luteum. Ang corpus luteum ay responsable para sa pagpapakapal ng lining ng matris, bilang paghahanda para sa pagtatanim ng fertilized egg.

Kung hindi nangyari ang fertilization, ang corpus luteum ay nalalanta. Nagiging sanhi ito ng pagbaba ng progesterone hormones, na nagiging sanhi ng pagbuhos ng lining ng matris. Magkakaregla ka, at iyon ang marka ng pagsisimula ng isa pang cycle.  

Mahalagang tandaan na ang mga cycle ay maaaring mag-iba sa bawat babae at paano malalaman kung fertile. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang ilang mga kababaihan ay nag-oovulate lamang ng ilang araw sa kanilang mga cycle, habang ang ilan ay nag-oovulate nang mas huli kaysa sa ika-14 na araw.

Kung ang iyong cycle ay mas mahaba o mas maikli sa 28 araw, o kung pinaghihinalaan mo na hindi ka nag-ovulate sa ika-14 na araw ng iyong cycle, hindi ito eksaktong nangangahulugan na ang iyong katawan ay hindi ‘normal’. Ang mas mahaba o mas maikling mga cycle ay okay lang. 

Pinakamahusay na magpatingin sa iyong doktor kung may alinman sa mga sumusunod:

  • Biglang nagiging iregular ang cycle mo.
  • Pagdurugo sa pagitan ng period.
  • Nawawala ang iyong regla nang higit sa 90 araw, at nakakakuha ka ng mga negatibong pregnancy tests. 
  • Pagdurugo ng higit sa pitong araw.
  • Nakakaranas ka ng napakasakit na period cramps

Ilang Araw Pagkatapos ng Aking Period Maaari Ako Mabuntis?

Kung sinusubukan mong mabuntis, ang pagkakaroon ng regular na pakikipagtalik pagkatapos ng iyong regla ay maaaring mapalakas ng tyansang mabuntis. Ang pagmamarka  sa iyong ovulation dates at fertile window ay maaaring magbigay sa iyo ng pahiwatig kung kailan ka dapat makipagtalik nang madalas hangga’t maaari. Ipapaalam sa iyo ng mga ovulation test kit kung mag-o-ovulate ka sa susunod na 24 hanggang 36 na oras.

Kung sinusubukan mong iwasan ang pagbubuntis, ang pag-alam sa iyong fertile window at tinantyang petsa ng obulasyon ay nagsasabi sa iyo kung kailan ka dapat umiwas sa pakikipagtalik o gumamit ng contraception.Kahit na hindi ka nag-o-ovulate, pinakamahusay na palaging gumamit ng isa o dalawang paraan ng contraception.

Key Takeaways

Ang pag-unawa sa iyong menstrual cycle ay maaaring magbigay ng ideya sa iyong kalusugan at pangkalahatang kagalingan. Ang pagsubaybay sa iyong cycle ay maaari ding makatulong kung paano malalaman kung fertile  at sinusubukan mong magbuntis o maiwasan ang pagbubuntis. Kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa iyong fertility  o kung may gusto ka pang malaman tungkol sa iyong options tungkol sa pagpipigil sa pagbubuntis, pinakamahusay na humingi ng payo sa isang medikal na propesyonal.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Menstrual cycle: What’s normal, what’s not https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/womens-health/in-depth/menstrual-cycle/art-20047186

Menstrual period – missed or late https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/menstrual-period-missed-or-late/

Withdrawal (pull out method) https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/withdrawal-pull-out-method

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/menstrual-cycle#lp-h-1

https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/your-menstrual-cycle

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2882116/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC27529/

https://medlineplus.gov/ency/article/007062.htm

https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Fertility Ng Babae: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Hindi Mo Alam Na Buntis Ka: Posible Ba Itong Mangyari?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement