backup og meta

Missionary Position Para Mabuntis: Epektibo ba Ito?

Karamihan sa mag-asawa ay hindi inaalam ang kasarian ng sanggol bago ipanganak. Ayon sa World Health Organization, halos 51% ng mga sanggol na ipinanganak ay mga lalaki at 49% ay mga babae. Kumbaga, ang posibilidad ay halos 50-50. Ngunit paano kung may posibilidad na “piliin” ang kasarian ng sanggol? Ayon sa ilang mga tao, ang oras at paraan ng pagtatalik ay maaaring mag-ambag sa posibilidad ng pagkakaroon ng sanggol na babae o lalaki. Totoong nakakabuntis ba ang missionary position para sa pagkakaroon ng sanggol na babae? Narito ang mga sagot.

Ano ang Missionary Position?

Ang missionary position ay isang tradisyunal na pagtatalik kung saan ang partner (kadalasan, ang babae) ay nakahiga at ang isa naman (kadalasan, ang lalaki) ay nasa ibabaw, ang dalawa ay magkaharap. 

Siyempre, mayroon na ngayong mga pagkakaiba-iba sa posisyong ito. Tulad ito ng pagtataas ng lalaki sa mga binti ng babae sa oras ng penetration o sa pagtayo ng lalaki sa halip na pag-hover sa kanyang kapareha.

Sinasabi ng ilang mga tao na ang posisyong ito ay nagdaragdag ng tyansang magkaroon ng sanggol na babae. Epektibong nakakabuntis ba ang missionary position para magkaroon ng sanggol na babae?

Ano ang Prinsipyo sa Likod ng Missionary Position para sa Pagbubuntis ng Sanggol na Babae?

Ang prinsipyo sa likod ng missionary position para sa paglilihi ng sanggol na babae ay ang Shettles Method. Unang ipinaliwanag noong 1960s, ang Shettles Method ay isang hanay ng mga prinsipyong nagpapaliwanag kung kailan at kung paano dapat makipagtalik ang mag-asawa upang maibuo ang nais na kasarian ng kanilang sanggol. Ito ay nilikha ni Landrum B. Shettles, isang manggagamot na ang kadalubhasaan ay nasa obstetrics at gynecology.

Na-obserbahan ni Dr. Shettles ang iba’t ibang katangian ng sperm cell na may kaugnayan sa chromosome na dala nito. Sinabi niya na:

  • Gustung-gusto ng male-producing sperm ang alkaline na kapaligiran. 
  • Ang female-producing sperm ay gustong-gusto ang acidic environment.

Mula dito, binalangkas ni Dr. Shettles ang ilang rekomendasyon kung kailan at paano dapat makipagtalik ang mag-asawa upang mabuo ang nais na kasarian ng kanilang sanggol.

Ang Shettles Method

Bago natin pag-usapan ang missionary position para sa pagbubuntis ng isang sanggol na babae, pag-usapan muna natin ang timing. 

Sinasabi ng Shettles Method na kung gusto mong magkaroon ng isang sanggol na babae, pigilin ang pakikipagtalik ng 2 hanggang 3 araw bago ang obulasyon. Pinakamainam na magkaroon ng penetrative sex sa panahon bago iyon o sa pagitan ng pagtatapos ng regla at 3 araw bago ang obulasyon.  

Ayon kay Dr. Shettles na ito ang panahon na ang female reproductive tract ay acidic.  

Para naman sa posisyon, ang missionary position para sa pagbubuntis ng sanggol na babae ay inirerekomenda. Ito ay dahil isa itong anyo ng mababaw na penetration. Ang acidic na paligid ng vagina ay makakatulong na “ma-attract” ang female-producing sperm cells.

Panghuli, ipinahiwatig ni Dr. Shettles na ang timing ng orgasm ay mahalaga din dahil ang female orgasm secretion ay alkaline. Ibig sabihin, kung gusto mo ng isang sanggol na babae, ang babae ay dapat umiwas sa orgasm hanggang matapos ang ejaculation ng lalaki. Sa ganoong paraan, ang kanyang secretion ay hindi magdaragdag sa alkalinity ng kapaligiran.

Ang Tanong: Epektibong nakakabuntis ba ang missionary position?

Ang Shettles Method ay parehong sinusuportahan at pinabubulaanan ng maraming tao. Ilang mga mag-asawa ang nagsasabi na ang pagsunod sa method ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang sanggol na babae (o lalaki). Ang ilan, gayunpaman, ay nagsabi na hindi ito gumana para sa kanila.

Bukod sa anecdotal evidence, sinabi rin ng ilang pag-aaral na hindi epektibo ang pamamaraan. Sinabi pa ng isang pag-aaral na hindi totoo na ang male-producing at female-producing sperm ay magkaiba ang hugis, na hindi sila nag-iiba sa mga katangian. 

Key Takeaways

Ayon sa Shettles Method, gustong-gusto ng female-producing sperm ang acidic na kapaligiran. Dahil dito, pinakamahusay na makipagtalik sa pagitan ng pagtatapos ng regla at ikatlong araw bago ang obulasyon. Ang mababaw na penetration tulad ng missionary position ay ipinapayo rin. Gayunpaman, walang isang paraan ang makatitiyak na ang mag-asawa ay magkakaroon ng sanggol na babae o lalaki. 
Samakatuwid, kung nakakabuntis ba ang missionary position para magka-anak ng sanggol na babae ay maaaring gumana o hindi. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

You Should Be Worrying about the Woman Shortage, https://www.hrw.org/world-report/2019/country-chapters/global-0, Accessed July 2, 2022

The Shettles Method of Sex Selection, https://embryo.asu.edu/pages/shettles-method-sex-selection, Accessed July 2, 2022

Natural family planning and sex selection: fact or fiction?, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/1836712/, Accessed July 2, 2022

Lack of significant morphological differences between human X and Y spermatozoa and their precursor cells (spermatids) exposed to different prehybridization treatments, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11191075/, Accessed July 2, 2022

Trying to choose the sex of your baby? Read this first!, https://blogs.unimelb.edu.au/sciencecommunication/2020/09/29/trying-to-choose-the-sex-of-your-baby-read-this-first/, Accessed July 2, 2022

Kasalukuyang Version

11/19/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Erika Rellora, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sperm Motility? Nakaaapekto Ba Ito Sa Fertility?

Magkamukha At Hindi Magkamukhang Kambal, Ano Ang Dahilan?


Narebyung medikal ni

Erika Rellora, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement