backup og meta

Kambal Na Magkaiba Ang Ama, Posible Nga Ba Ito Mangyari?

Ang pagbubuntis ng kambal ay posibleng maganap at isa ito sa mga karaniwang kaso ng pagdadalang-tao ng isang babae. Sa ganitong kaso, maaaring maging identical at fraternal twins ang mga sanggol na ipapanganak. Dagdag pa rito, kadalasan sa mga kaso ng pagkakaroon ng kambal na anak ay nagtataglay lamang sila ng iisang ama. Ang tanong ng marami ay posible bang magkaroon ng anak ang isang babae ng kambal na magkaiba ang ama?

Kambal Na Magkaiba Ang Ama, Posible Nga Ba Ito Mangyari?

Basahin mo ang artikulong ito para malaman ang kasagutan sa katanungan na ito.

Posible Nga Bang Magkaroon Ng Kambal Na Magkaiba Ang Ama?

Bagamat bihira lamang maganap ang pagkakaroon ng magkaibang ama ng kambal — posible pa rin ito mangyari. 

Ang tawag sa kambal na magkaiba ang ama ay “heteropaternal superfecundation,” itinuturing itong bihira ng kaso ng pagbubuntis kung saan ang isang babae ay buntis sa dalawang magkaibang lalaki sa parehong oras.

Kadalasan ng mga kasong naitala sa pagkakaroon ng isang babae ng kambal na anak na magkaiba ang tatay ay nagkaroon ng “one night stand” o “affair” sa isang lalaki. Posible ito kung ang babae ay nakipag-sex sa dalawang lalaki sa magkaibang panahon pero hindi nalalayo ang pagitan ng oras ng kanyang pakikipagtalik sa bawat isa.

Sinasabi na ang mga kambal na ipinapanganak na mayroong magkaibang tatay ay karaniwang hindi magkamuka. Ngunit pwedeng magkaroon sila ng mga kaparehong katangian na mula sa kanilang ina. 

Paano Nagaganap Ang Heteropaternal Superfecundation?

Nagaganap ang pagkakaroon ng kambal na magkaiba ang ama kapag ang isang babae ay nakipagtalik sa 2 magkaibang lalaki sa loob ng maikling panahon habang nag-o-ovulate. Nagiging posible para sa 2 lalaki na mabuntis ang isang babae nang hiwalay kapag ang 2 itlog ay na-fertilized habang nasa iisang siklo o cycle ito. Ang ganitong pangyayari ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng 2 magkaibang sperm para sa 2 magkaibang itlog ng babae.

Mga Kaso Ng Kambal Na Magkaiba Ang Ama

Ang heteropaternal superfecundation ay karaniwan sa mga aso, puso, at kalabaw. Ngunit ito ay napakabihira naman sa tao. 

Ayon sa artikulong “Explainer: How Can Twins Have Different Fathers?” hindi eksaktong nalalaman at naitatala ang mga kaso nito maliban na lamang kung magre-request ng DNA testing ang mga miyembro ng isang pamilya. 

Gayunpaman may mga ilang reported case tungkol sa kambal na mayroong magkaibang ama, gaya ng ulat mula sa Xiamen China. Ito’y naging dahilan ng pagkagimbal nang mag-asawa sa DNA test ng kanilang kambal na anak.

Ang Kwento Sa Likod Ng Heteropaternal Superfecundation Sa Xiamen, China

Humingi ng isang paternity test ang ina ng kambal sa kanyang partner upang pormal nang mairehistro sa kanilang siyudad ang mga anak. Subalit laking gulat nila noong lumabas ang resulta ng DNA test at sinabing magkaiba ang ama ng kambal.

Batay sa mga naging report, matagal na mayroong pagdududa ang ama ng mga bata sapagkat parang hindi naman daw ito magkahawig. Magkaiba raw ang kanilang mga bibig, mata, at ilong sa isa’t isa. At higit sa lahat hindi niya kamuka ang mga anak. Pero hindi naman daw niya naisip bilang ama na maaaring hindi siya ang tunay na tatay ng mga anak.

Gayunpaman dahil sa resulta ng DNA nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa. Nakabuo pa ng hinala ang babae na ang may kagagawan ng resulta ay ang kanyang asawa, sapagkat dinaya raw ang DNA results.

Hindi rin naman nagtagal ay inamin din ng babae na nagkaroon siya ng “one-night-stand” sa ibang lalaki. Maaaring pagkatapos daw nilang mag-sex ng kanyang asawa ay nakipagtalik rin siya sa ibang lalaki matapos ang ilang oras.

Key Takeaways

Posible ang pagkakaroon ng kambal na magkaiba ang tatay. Subalit, bihira lamang itong maganap at maaaring maiwasan ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik lamang sa isang lalaki. Hindi naitatala ang lahat ng kaso ng heteropaternal superfecundation dahil hindi naman lahat ng kambal ay dumaranas ng DNA test.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Twins from different fathers: A heteropaternal superfecundation case report in Colombia, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7808779/, Accessed September 12, 2022

Is the probability of having twins determined by genetics? https://medlineplus.gov/genetics/understanding/traits/twins/, Accessed September 12, 2022

How Frequent Is Heteropaternal Superfecundation, https://www.cambridge.org/core/journals/amg-acta-geneticae-medicae-et-gemellologiae-twin-research/article/how-frequent-is-heteropaternal-superfecundation/2104D8BEF2AAEBC2A6052D25CF6B796A, Accessed September 12, 2022

Challenge the assumed rarity of heteropaternal superfecundation: findings from a case report, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/00450618.2019.1616821?journalCode=tajf20, Accessed September 12, 2022

Can twins have different fathers?https://www.babycenter.com/pregnancy/your-baby/strange-but-true-twins-can-have-different-fathers_10364945, Accessed September 12, 2022

The world’s least alike twins, https://www.nbcnews.com/id/wbna9438648#.XxjJPWpKg_V, Accessed September 12, 2022

Noninvasive prenatal paternity testing by means of SNP-based targeted sequencing, https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1002/pd.5595, Accessed September 12, 2022

Risk of miscarriage following amniocentesus or chorionic villus sampling: systematic review of literature and updated meta-analysis, https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1002/uog.20353, Accessed September 12, 2022

Shocking Story Of Man Who Found Out That His Twins Babies Two Fathers, https://tribuneonlineng.com/shocking-story-of-man-who-found-out-that-his-twins-babies-have-two-fathers/, Accessed September 12, 2022

A Case Of Heteropaternal Superfecundation In A Pair Of Chinese Twins, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/00450618.2016.1236291, Accessed September 12, 2022

Explainer: how can twins have different fathers?https://theconversation.com/explainer-how-can-twins-have-different-fathers-56164#:~:text=This%20is%20an%20extremely%20rare,twin%20births%20in%20the%20US, Accessed September 12, 2022

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Maselang Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?

Ano ang pakiramdam na manganak ng kambal?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas