Nagbibigay sa iyo ito ng komportableng posisyon at madaling maaabot ang iyong asawa. PAANO: Umupo sa dulo ng higaan o mesa, gumamit ng mga unan habang ipinapasok sa iyo ng iyong asawa ang kanyang ari. Pakikipagtalik habang buntis: Ano ang hindi mo dapat gawin
Kapag ginagawa ang pakikipagtalik habang buntis, may ilang mga bagay na hindi mo dapat gawin, anuman ang iyong risk level:
- Paghiga o pagtagilid sa iyong kanan: Ayon sa mga ulat, inirerekomenda ng mga ekspertong huwag makipagtalik sa ganitong mga posisyon dahil maaaring maipit ang mahahalagang veins at arteries.
- Pakikipagtalik sa asawa nang hindi nalalaman ang kanyang nakaraan sa pakikipagtalik: Hindi ka ligtas sa sexually transmitted infections kahit buntis ka. Maaari pa itong makasama sa iyo at sa iyong baby.
- Hipan ng hangin ang ari: Maaari itong magdulot ng air embolism. Ito ay nangyayari kapag nabarhan ang blood vessel ng air bubble. Bihira itong mangyari, ngunit nakamamatay.
Key Takeaways
Kapana-panabik ang pagsisimula ng pamilya. Pinagbubuklod dapat tayo ng pagbubuntis bilang mahalagang yugto ng buhay. At isa sa paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Bagaman maaaring mahirap o mapaghamon na gawin ito habang buntis,maraming pakikipagtalik positions ang puwede ninyong gawin ng iyong asawa. Malay mo, magamit mo pa rin ito upang lalong pagliyabin ang inyong buhay sekswal kahit tapos ka nang mabuntis.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap