backup og meta

Ika-41 linggo ng pagbubuntis: Lahat ng dapat mong malaman

Ika-41 linggo ng pagbubuntis: Lahat ng dapat mong malaman

Paglaki ng sanggol

Paano lumalaki ang aking sanggol?

Sa puntong ito, siyam na buwan na ng iyong pagbubuntis. Dahil lumipas na ang iyong due date, natapos na ng iyong sanggol ang kaniyang mabilis na panahon ng paglaki. Ang ika-41 linggo ng pagbubuntis ay kumpleto na ang pagbuo ng sanggol. Sa 41 na linggo, ang iyong sanggol ay maaaring tumimbang ng humigit-kumulang 3 hanggang 4 kg at kasing laki ng isang maliit na kalabasa o pakwan.

Bilang resulta ng mga hormone sa katawan ng kababaihan, ang mga genitals ng iyong sanggol ay maaaring mukhang namamaga pagkatapos ng kapanganakan ngunit babalik sila sa kanilang normal na laki pagkatapos nito.

Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay

Paano nagbabago ang aking katawan?

Naabot mo na ang ika-41 linggo ng pagbubuntis, dulo sa ikatlong trimester. Sa panahong ito, maaari kang patuloy na makaranas ng mga sintomas gaya ng simula ng  iyong pagbubuntis. Ito ay tulad ng cravings sa pagkain, pagbabago ng mood, at pagtagas ng mga suso.

Sa ika-41 linggo ng pagbubuntis, narito ang patuloy na mga palatandaan ng pagbubuntis: 

  • Braxton Hicks contractions o false labor
  • Masakit sa tagiliran ang iyong tiyan dahil sa iyong lumalawak na sinapupunan
  • Ang pelvic discomfort
  • Mga stretch mark
  • Namamagang gilagid
  • Mga pulikat sa binti
  • Namamaga ang mga kamay at paa
  • Bloating at constipation
  • Indigestion
  • Sakit ng ulo
  • Sakit Sa likod
  • Pagkahilo
  • Urine infection
  • Vaginal infection
  • Mga pile o almoranas
  • Chloasma, o darkened skin patches
  • Greasier skin than normal
  • Mas makapal, makintab na buhok

Ano ang dapat kong alalahanin?

Karaniwan, ang paglampas sa 40 linggo ay walang dapat ikabahala dahil kadalasan, ang due date ay isang pagtatantya. Kaya hindi palaging nangangahulugan na ikaw ay overdue kung nasa ika-41 linggo ng pagbubuntis.

Mas malamang na makaranas ka ng post-term na pagbubuntis kung:

  • Ito ang iyong unang pagbubuntis.
  • Ang sanggol ay isang lalaki.
  • Ikaw ay obese.
  • Mayroon kang history ng mga overdue na pagbubuntis.

Gayunpaman, ang post-term na pagbubuntis ay maaaring magpakita ng mga problema sa inunan, o sa sanggol.

Ang paglampas ng 10 o 12 araw sa takdang petsa ay maaaring magpataas ang tyansa ng stillbirth. Ito ay dahil ang inunan ay hindi na gaanong gumagana. Ang placental aging ay maaaring magresulta sa mga sumusunod:

  • Ang sanggol ay dumaranas ng ilang pagbaba ng timbang dahil sa mas kaunting amniotic fluid.
  • Mahina ang supply ng oxygen para sa sanggol.
  • Ang sanggol na humihinga sa meconium.
  • Low blood sugar dahil naubos na ng sanggol ang kanilang glucose stores

Pagsapit sa ika- 42 linggo ng pagbubuntis at higit pa, may risk ng mga sumusunod:

  • Ang sanggol ay mas malaki kaysa karaniwan, na nangangailangan ng isang C-section.
  • Mababang amniotic fluid, na maaaring makaapekto sa tibok ng puso ng sanggol
  • Mas matinding vaginal tears sa oras ng panganganak
  • Postpartum infection at pagdurugo

Ang sanggol ay maaari ding magkaroon ng post-maturity syndrome, kapag sila ay ipinanganak na may:

  • Tuyo, loose, nagbabalat na balat,
  • Tumubo na mga kuko
  • Maraming buhok sa ulo
  • Mas kaunti ang taba sa katawan
  • Berde, kayumanggi, o dilaw na kulay ng balat

Ang Pagbisita mo sa Doktor

Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?

Sa ika-41 linggo ng pagbubuntis, maaaring suriin ng iyong doktor ang laki, tibok ng puso, posisyon, at paggalaw ng sanggol. 

Ikaw at ang iyong doktor ay maaari ring magpasya sa labor induction. Ang labor induction ay naiulat na nauugnay sa isang 67% mas mababang risk ng pagkamatay ng sanggol. Sa mga ospital na may mga patakaran sa labor induction, ang mga sanggol ay 12% na mas malamang na mapunta sa neonatal intensive care.

Upang pahinugin o i-dilate ang cervix para sa induced labor, maaari kang resetahan ng gamot. Ang iyong cervix ay maaari ding manu-manong i-dilate. Ito ay sa pamamagitan ng isang aparato na katulad ng isang tubo na may lobo sa dulo, na nasa loob ng cervix. Maaari ka ring bigyan ng hormonal na gamot upang mag-contract ang iyong matris, at ikaw ay mag-labor. Maaaring buksan din ng iyong doktor ang amniotic sac gamit ang isang manipis na plastic hook.

Anong mga test ang dapat kong malaman?

Ang membrane sweep sa pamamagitan ng isang vaginal examination ay isang bagay na maaaring gawin sa ika-41 linggo ng pagbubuntis.

Ang doktor ay ipapasok ang kanyang daliri sa loob mo upang paghiwalayin ang cervix mula sa mga membrane na nakapalibot sa iyong sanggol. Ini-stimulate nito ang mga hormones na nag-i-induce ng labor. Bagama’t ito ay gumagana kaagad para sa ilang kababaihan, ang iba ay kailangan ng ilang higit pang sweep bago ang aktwal na panganganak.

Maaari ka ring bigyan ng:

  • Fetal heart rate monitoring (nonstress test)
  • Amniotic fluid volume assessment
  • Biophysical profile (isang kumbinasyon ng nonstress test at fetal ultrasound) 

Kalusugan at kaligtasan

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?

Matatapos na ang ika-41 linggo ng pagbubuntis. Obserbahan ang iyong pagbubuntis at patuloy na komunsulta sa iyong medical provider. Ang iyong doktor ay maaaring magsuggest na maghintay para sa sanggol na kusang lumabas o mag- induce ng labor. Sa alinmang paraan, malapit nang matapos ang paghihintay, at hindi magtatagal hanggang sa makaharap mo ang iyong baby.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/41-weeks-pregnant/ (Accessed: April 25, 2020)

https://www.nhs.uk/start4life/pregnancy/week-by-week/3rd-trimester/week-41/ (Accessed: April 25, 2020)

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=postmaturity-in-the-newborn-90-P02399 (Accessed: May 8, 2020)

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/overdue-pregnancy/art-20048287 (Accessed: May 8, 2020)

https://utswmed.org/medblog/cervical-ripening-techniques/ (Accessed: May 8, 2020)

https://www.reuters.com/article/us-pregnancy-induced-labor/inducing-labor-after-41-week-pregnancy-can-save-babies-lives-idUSKCN1J32CW (Accessed: May 8, 2020)

 

Kasalukuyang Version

03/16/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement