Paglaki ng Sanggol
Sa pagtatapos ng iyong ikalawang trimester at bago magsimula ang mga bagay para sa iyong pangatlong trimester, may malalaking pagbabago ngayong ika-26 linggo ng pagbubuntis. Asahan ang mas mabilis na paglaki ng iyong sanggol sa mga darating na linggo. Magbasa para malaman ang kanyang paglaki. Kasama dito ang mga posibleng sintomas na dapat mong asahan, at sa mga darating na araw.
Sa ika-26 linggo ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay nasa pagitan ng 13 hanggang 14 inches ang haba. Ito ay mapapabilis, at siya ay inaasahang lalaki ng hindi bababa sa kalahating inch bawat linggo.
Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay
Paano nagbabago ang aking katawan?
Sa ika-26 linggo ng pagbubuntis, asahan na magmukhang “mas buntis,” habang ang iyong baby bump ay nagiging mas halata. Ito ang tamang oras para simulan ang pamimili para sa isang maternity wardrobe. Sa linggong ito, tataba ka na rin, at bibigat ng 16 hanggang 22 pounds.
Kung nagsimula kang makapansin ng mga stretch mark sa nakalipas na ilang araw, huwag mag-alala! Ito ay ganap na normal sa ika-26 linggo ng pagbubuntis. Gayunpaman, unawain na walang pagbubuntis ang magkakapareho, kaya ang hitsura ng physical indicators ay lubhang nag-iiba sa bawat babae.
Malinaw, na habang lumalaki ang iyong sanggol, lumalaki rin ang iyong tiyan. Sa ika-26 linggo ng pagbubuntis, ang iyong matris ay itinutulak pataas sa iyong tiyan. Ito ay normal, at ang iyong baby bump ay tataas habang ang iyong pagbubuntis ay nagpapatuloy. Maaari rin itong magdulot ng bagong “outie” na pusod. Dito, itinutulak ng sanggol ang fold ng iyong pusod palabas. Ang iyong “outie” na pusod ay mananatili sa natitirang bahagi ng iyong pagbubuntis, ngunit babalik sa normal pagkatapos ng panganganak.
Tulad noong nakaraang linggo, ang ika-26 linggo ng pagbubuntis ay magiging isa sa mga pinaka aktibong panahon. Ngayon, ang iyong bundle of joy ay maaaring magbigay sa ‘yo ng inconvenience. May mga sipa dito at doon habang siya ay ganap na nabubuo sa iyong matris. Ang iyong sanggol ay madalas ang paglipat ng posisyon, kaya maaari mong maramdaman na hinuhukay niya ang iyong mga tadyang o pelvis.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Sa ika-26 linggo ng pagbubuntis at paglaki ng sanggol, normal na may pakiramdam na bloated at gassy, dahil ang iyong matris ay itinutulak pataas at lumalaki ang iyong tiyan.
Bilang karagdagan sa bloating at pangkalahatang pagkapagod, maaari mo ring mapansin ang pagbaba ng memorya o kahirapan sa pagproseso ng impormasyon dahil sa tinatawag na “utak ng pagbubuntis.” Maaari ka ring makaranas ng migraines, morning sickness, at clumsiness dahil sa isang shifted center of gravity.
Karamihan sa mga sintomas para sa ikatlong trimester ay maaaring magsimula sa ngayon. Ang isang karaniwang sintomas ay ang ilang pananakit sa pelvis, dahil sa lumuwag ang iyong mga buto at ligament. Dahil sa pagbabago sa weight distribution, ito ay malamang na maka-strain ng iyong likod. Sa pangkalahatan, asahan ang growing pains para sa natitirang bahagi ng iyong pagbubuntis.
Ang mga sintomas na maaaring mangyari sa linggong ito ay ang mga contraction ng Braxton Hicks, o mga contraction ng “pagsasanay”, na kadalasang nangyayari sa huli sa ikalawang trimester o sa sandaling pumasok ka sa iyong ikatlong trimester.
Pagbisita sa Iyong Doktor
Sa ika-26 linggo ng pagbubuntis, normal ang pakiramdam ng stress at pagkabalisa. Ang pakikipag-usap sa iyong partner, doktor, at support system ay nakakatulong sa mga panahong tulad nito.
Dahil ang iyong katawan ay sobrang sensitibo at mas madaling kapitan ng bacteria, maging maingat sa pagkakaroon ng impeksyon sa ihi. Kung may nararamdamang sakit habang umiihi, kumunsulta agad sa iyong doktor.
Kalusugan at Kaligtasan
Ito ay maaaring isang nakakabahalang oras, ngunit mag-iskedyul ng isang prenatal appointment sa iyong doktor upang talakayin ang iyong mga plano para sa panganganak.
Ito rin ang pinakamahusay na oras para tanungin ang iyong doktor tungkol sa kung anong mga pagbabago ang dapat mong paghandaan dahil inaasahang bibilis ang paglaki ng iyong sanggol sa mga darating na linggo.
Upang makatulong na maibsan ang ilan sa mga sintomas tulad ng bloating at gas, maaari mong subukan ang magaan na ehersisyo. Kumunsulta sa iyong doktor para sa kung ano ang ligtas para sa iyong pagbubuntis.
Para sa mga contraction ng Braxton Hicks na maaari mong maranasan sa ngayon, masusing subaybayan kung gaano kadalas ito nangyayari at manatiling hydrated. Ang mga contraction na ito ay malamang na mangyari pagkatapos ng pisikal na aktibidad at kadalasang pinalalala ng kakulangan ng hydration. Siguraduhing uminom ng sapat na fluids at pansinin ang iyong nararamdaman sa tuwing gagawa ng mga magaan na ehersisyo.
Ang ika-26 linggo ng pagbubuntis ay mga kapanapanabik at makabuluhang mga pisikal na pagbabago, na maaaring mag-bigay sa iyo ng overwhelming na pakiramdam. Ngunit huwag mag-alala at manatiling kalmado. Maging excited na makita at maramdaman ang hindi pangkaraniwang pagbabago ng iyong pagbubuntis.
[embed-health-tool-due-date]