backup og meta

Benepisyo Ng Salabat Sa Buntis: Nakakatulong Ba Ito Sa Pagsusuka Ng Buntis?

Benepisyo Ng Salabat Sa Buntis: Nakakatulong Ba Ito Sa Pagsusuka Ng Buntis?

Ngayong ikaw ay nagbubuntis, maaaring nakakuha ka ng payo na uminom ng mga herbal tea tulad ng salabat. Maraming ina ang nagsasabi na nakakatulong ito sa mga sintomas ng pagbubuntis, tulad ng morning sickness o pagsusuka. Pero totoo nga na maraming benepisyo ang mga herbal na tea. Ngunit anu-ano nga ba ang benepisyo ng salabat sa buntis? 

Anu-Ano Ba Ang Benepisyo Ng Luya?

luyang dilaw

Luya ang halaman na ginagamit sa paggawa ng salabat. Bagama’t ginagamit ito nang sariwa, maaari rin itong gamitin bilang:

  • Pinatuyong mga ugat
  • Pinatuyong ugat na ginawang powder (na nilalagay rin sa capsules)
  • Liquid extract (nakahalo sa syrup o asukal, o kaya sa tsaa)

Ang karamihan sa mga epekto ng luya ay gumagana sa gastrointestinal tract, at nakakatulong rin sa digestion. Ito ang posibleng dahilan kung bakit ito ginagamit sa sakit ng tiyan, pati na rin sa pagsusuka.

Kaya marami ang benepisyo ng salabat sa buntis, hindi lamang sa pagsusuka, ngunit pati na rin sa digestion at iba pang mga problema sa tiyan.

Benepisyo Ng Salabat Sa buntis

Iba-iba ang nagiging epekto ng mga herbal teas sa buntis. Mayroong mga herbal tea na nakakatulong sa:

  • Pagtulog
  • Nakakatulong sa sakit ng tiyan
  • Nakakabawas ng anxiety

Mayroon pang ibang mga herbal tea na nakakatulong sa pre-eclampsia at inihahanda ang katawan para sa panganganak.

Sa mga tsaa na ito, ang salabat ay maraming benepisyo pagdating sa pagsusuka, pananakit ng tiyan, at pati na rin sa pain relief. 

1. Nakakatulong ito sa pagsusuka

benepisyo ng salabat sa buntis

Ang karaniwang gamit ng salabat ay para maibsan ang pagsusuka, lalo na sa mga buntis. 

Ayon sa isang pag-aaral noong 2015, bukod sa pagbubuntis ay nakakatulong rin itong kontrahin ang pagsusuka na dulot ng chemotherapy, pati na rin ng pagkahilo.

2. Nakakatulong ito sa pananakit ng tiyan

Ang sariwang luya ay mayroong kemikal na kung tawagin ay gingerol, na isang antioxidant at nakakabawas rin ng inflammation. Dahil dito, maaari itong magamit bilang gamot sa mga inflammatory diseases, pati na rin sa ilang kaso ng sakit ng tiyan.

Ayon pa sa isang pag-aaral, nakakatulong ito sa mabagal na paggalaw ng pagkain sa tiyan, o impaired gastric emptying.

3. Nakakatulong itong magpababa ng blood sugar

Ang gingerol rin ay nakakatulong upang mapababa at makontrol ang blood sugar levels, na mahalaga sa gestational diabetes, at pati na rin sa type 2 diabetes. 

Pinapabagal ng luya ang enzymes na nagbe-breakdown ng carbohydrates, kaya’t nakakatulong ito sa pagkontrol ng blood sugar.

4. Mainam ito sa sipon at masakit na lalamunan

Tulad ng ibang mainit na inumin, mainam ang pag-inom ng salabat sa masakit na lalamunan, at nakakatulong rin itong makabawas sa nasal congestion na dala ng sipon.

Gaano Kadalas Puwedeng Uminom Ng Salabat Ang Buntis?

Ang mga herbal tea tulad ng salabat ay gawa sa mga natural na ingredients. Ngunit hindi nito ibig sabihin na ligtas na uminom ng maraming herbal tea. Ito ay dahil pabago-bago ang dami ng chemical compounds sa mga ito, at minsan hindi nakasulat ang lahat ng ingredients sa label. Ibig sabihin, maaaring makasama ang mga ito sa mga mommy at kay baby kung sosobra ang pag-inom ng herbal tea.

Ano man ang herbal tea na iniinom mo, mainam na ang 1-2 baso nito kada araw.

Kung ikaw naman ay nagbe-breastfeed, siguraduhing alamin muna kung may kakaiba bang epekto ang mga partikular na herbal tea na ito sa iyong baby.

Key Takeaways

Maraming benepisyo ang luya para sa ating kalusugan. Bukod sa pagiging masarap nitong ingredient sa pagluluto, marami rin itong vitamin C, magnesium, at potassium. 
Ang pag-inom ng ginger tea habang nagbubuntis ay nakakapagbigay ng mga health benefits tulad ng pagbawas sa mga sakit na nararanasan ng mga nagbubuntis.

Alamin ang tungkol sa pagbubuntis dito.

Isinalin sa Filipino ni: Alwyn Batara

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ginger, https://mothertobaby.org/fact-sheets/ginger-pregnancy/, Accessed November 23, 2021

Herbal Tea and Pregnancy, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/is-it-safe/herbal-tea/, Accessed November 23, 2021

The Effectiveness of Ginger in the Prevention of Nausea and Vomiting during Pregnancy and Chemotherapy – Iñaki Lete and José Allué, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4818021/, Accessed November 23, 2021

Safety of Ginger Use in Pregnancy, https://cot.food.gov.uk/sites/default/files/2021-05/TOX-2021-26%20Safety%20of%20Ginger%20Use%20in%20Pregnancy.pdf, Accessed November 23, 2021

Herbal teas during pregnancy and breastfeeding, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/herbal-teas-during-pregnancy-and-breastfeeding, Accessed November 23, 2021

The Surprising Benefits of Ginger, https://health.clevelandclinic.org/ginger-health-benefits/, Accessed November 23, 2021

What are the benefits of drinking ginger tea?  https://opa.org.uk/what-are-the-benefits-of-drinking-ginger-tea/, Accessed November 23, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement