Ang vasculitis ay collective term para sa ilang mga kondisyon na nagdudulot ng pamamaga ng mga daluyan ng dugo. Ang iba pang mga termino ay angiitis at arteritis. Ano ang vasculitis? Bukod sa pamamaga ng mga daluyan ng dugo, maaari rin itong humantong sa iba pang mga kondisyon.
Ano ang Vasculitis?
Ang Vasculitis ay isang kondisyon kung saan ang mga daluyan ng dugo ay namamaga. Ang pamamaga ay nagiging sanhi ng paglaki ng blood vessels. Nagreresulta ito sa paghihigpit ng daloy ng dugo. Ang paghihigpit sa daloy ng dugo ay maaaring magresulta sa pinsala sa mga apektadong organs.
Maraming mga uri ng vasculitis. Maaari itong makaapekto sa isang organ o i-target ang maraming bahagi ng katawan. Ang kondisyon ay maaaring panandalian o pangmatagalan.
Tatlong uri ang klasipikasyon ng mga doktor sa vasculitis. Ang mga ito ay batay sa mga sukat ng mga apektadong daluyan ng dugo:
- Malaking vasculitis. Ang Takayasu’s arteritis at temporal arteritis ay nabibilang sa ganitong uri.
- Katamtamang vasculitis. Isang halimbawa nito ang Buerger’s disease.
- Maliit na vasculitis. Ang Behcet’s syndrome at cutaneous vasculitis ay nasa ganitong uri.
Ano ang mga sanhi ng Vasculitis?
Hindi tiyak ang eksaktong mekanismo na nangyayari sa mga sakit na ito.
May posibilidad na maaari itong isang uri ng allergic reaction, o maaaring dala ng ilang uri ng gamot. Posible rin na ang impeksyon ay nag-trigger ng abnormal response mula sa immune system, na humahantong sa pinsala sa blood vessels.
Ang kondisyon ay maaari ding konektado sa mga sakit ng immune system tulad ng lupus o rheumatoid arthritis.
Mga Sintomas ng Vasculitis
Kasama sa mga pangkalahatang sintomas ang:
- Sakit ng ulo
- Lagnat
- Pakiramdam na pagod
- Pagbaba ng timbang
Ang iba pang sintomas ay depende kung aling bahagi ng katawan ang apektado:
Digestive System
Kung apektado ang digestive system mo, maaari kang makaranas ng pananakit pagkatapos mong kumain. Posibleng magkaroon ka ng ulcers, na magreresulta sa dugo sa dumi.
Tainga
Ang mga apektadong tainga ay maaaring magdulot ng pagkahilo at maging ang pagkawala ng pandinig.
Mata
Maaaring magmukhang pula at makati ang iyong mga mata sa kondisyong ito. Sa mas malalang kaso, ang mga apektado ay maaaring makaranas ng pansamantala o permanenteng pagkabulag sa isa o magkabilang mata.
Kamay at paa
Ang ilang uri ng vasculitis ay maaaring magdulot ng pamamanhid o panghihina sa isang kamay o paa. Ang kondisyon ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng palad o talampakan.
Baga
Ang apektadong mga baga ay maaaring magdulot ng kakapusan sa paghinga. Sa mas malubhang kaso, maaari pang umubo ng dugo ang mga pasyente.
Balat
Ang vasculitis ay maaaring magdulot ng pagdurugo sa ilalim ng balat, na lumilitaw na mga pulang batik.
Ano ang mga Komplikasyon ng Vasculitis?
Ang vasculitis ay maaaring mauwi sa ilang napakaseryosong mga komplikasyon. Maaaring maging sanhi ng aneurysm ang mahihinang mga daluyan ng dugo. Pwede ring pumutok ang mga blood vessel, na humahantong sa pagdurugo.
Ang makitid at namamagang blood vessels ay maaaring makabara sa daloy ng dugo. Kung ang apektadong lugar ay walang ibang mga daluyan ng dugo sa lugar, ang mga tisyu doon ay mamamatay. Ito ay maaaring mangyari sa anumang bahagi ng katawan.
Pag-diagnose ng Vasculitis
Magtatanong ang iyong doktor sa iyong medical history at magsasagawa ng medical exam. Ang mga pagsusuri ay naghahanap ng pamamaga. Inaalis din nila ang posibilidad na ang ibang mga kondisyon ay nagdudulot ng mga sintomas.
Ang mga test sa pag-diagnose kung ano ang vasculitis ay:
- Blood test na naghahanap ng ilang blood cells at antibodies na nagpapahiwatig ng karamdaman.
- Urine test upang suriin kung may pinsala sa bato
- Imaging tests tulad ng X-rays, MRI scans, angiograms, o doppler ultrasounds upang makita ang mga pamamaga sa mga daluyan ng dugo.
- Echocardiogram tests upang matukoy kung gaano kahusay ang paggana ng iyong puso.
- Biopsies, kasama ang pagkuha ng sample ng tissue mula sa organs at mga daluyan ng dugo upang maghanap ng mga senyales ng pinsala.
Ang test na irerekomenda ng iyong doktor ay depende sa mga sintomas mo.
Vasculitis Treatment
Ang mga doktor ay magmumungkahi ng paggamot depende sa apektadong organ. Kung minsan, ang karamdaman ay nawawala ng kusa, bagaman ang mga doktor ay maaaring magbigay ng mga gamot upang mapawi ang mga sintomas.
Kakailanganin ng ilang mga pasyente ang treatment. Ito ay lalo na kung naaapektuhan ng vasculitis ang mahahalagang organs tulad ng mga bato, puso, o baga.
Maaari kang bigyan ng iyong doktor ng steroids para labanan ang pamamaga. Imo-monitor ka nila para sa side effects sa panahon ng paggamot. Maaaring pabagalin ng ibang mga gamot ang immune system, o maaaring hadlangan ang protina na nagdudulot ng pamamaga.
Key Takeaway
Ang vasculitis ay maaaring maging seryosong kondisyon. Naaapektuhan nito ang iyong mga daluyan ng dugo, na may napakahalagang papel sa pagpapanatiling malusog ang katawan. Humingi kaagad ng tulong medikal kung naramdaman mo ang alinman sa mga sintomas.
Alamin ang tungkol sa Iba pang mga Karamdaman sa Dugo dito.
[embed-health-tool-bmr]