backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Osteoporosis?

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Osteoporosis?

Tinatawag na osteoporosis ang isang kondisyon na nangyayari kapag rumurupok ang buto sa paglipas ng panahon. Karaniwang nagsisimula ito sa edad na 30 at mas madalas sa kababaihan, lalo na tuwing menopause. Bagaman hindi nagbabanta sa buhay ang osteoporosis, sinasabing seryoso at “silent disease” pa rin ito. Ito’y dahil hindi madaling makita ang mga sintomas ng osteoporosis hanggang sa mabalian ka ng buto – karaniwan sa balakang, spine, o pulso.

Gusto mo ba malaman kung ano ang dapat mong bantayan kung sa tingin mo mayroon ka ng sakit na ito? Magbasa pa para malaman ang apat na pangunahing sintomas ng osteoporosis, pati mga paraan na maaari mong pagbutihin at pangangasiwa sa kondisyong ito.

Apat Na Pangunahing Sintomas Ng Osteoporosis

Ano ang ilan sa mga karaniwang palatandaan at sintomas ng osteoporosis?

1. Mga Bali Dahil Sa Mga Minor Injury

Nasa tuloy-tuloy na proseso ng pagsira at paggawa ng panibagong bone tissue ang katawan. Ngunit habang tumatanda, kumokonti ang sustansyang nakukuha ng katawan, tulad ng vitamin D at calcium na tumutulong sa bone density. Dahil dito kaya bumabagal ang bone tissue regeneration na nagreresulta sa panghihina ng mga buto.

Kung mapansin na madali kang mabalian sa mahinang pagbagsak o aksidente, lalo na sa balakang, spine, o pulso, maaaring dahil nagsimula na maging marupok ang iyong buto. Makatutulong sa pagpapalakas ng buto ang pagkain ng maraming sustansya na mabuti para sa buto.

2. Pananakit Ng Likod

Posibleng mauwi sa pananakit ng likod ang mahinang buto, na isang sintomas ng osteoporosis na kadalasang hindi napapansin dahil maaaring sanhi ito ng iba pang dahilan. Maaaring makaramdam ng panghihina, o nagging (hindi masyadong maganda sa pakiramdam), o tumutusok, sumasakit kapag nagagalaw, bumubuti lang ang pakiramdam kapag humihiga, atbp.

Kahit pangkaraniwan ang pananakit ng likod, dapat pa rin bigyan agad ng pansin ang masakit na spine dahil sa pagbaba ng bone density bago ito lumala at mauwi sa pagiging abnormal curvature ng vertebrae o spine.

Dahil sa deformity na ito kaya maaaring masira ang iyong posture at tumaas ang panganib mo mula sa mga injury sa likod, kaya siguraduhing magpatingin sa doktor para sa anumang hindi pangkaraniwang masamang nararamdaman.

3. Deformed Spine

Kapag may osteoporosis, may posibilidad na maapektuhan ang iyong posture hindi kalaunan dahil sa marupok na vertebrae na sinabayan pa ng pananakit ng likod.

Tinatawag na kyphosis ang isang sakit na nagdudulot sa spine para bumaluktot na nagsasanhi para maging kuba. Karaniwang resulta ito ng humina o nasirang vertebrae. Hyperkyphosis– mas malubhang uri ng Kyphosis– maaaring may mga baling buto sa spinal column. Posible rin ito magresulta ng kahirapan sa paghinga dahil nagbibigay ito ng pressure sa mga baga.

Makatutulong ang pagsasanay ng tamang posture para malabanan ang epekto ng osteoporosis sa vertebrae. Inirerekomenda ng mga doktor na dapat laging tumayo, umupo nang tuwid, at iwasan ang yumuko.

4. Malaking Pagliit Sa Height

Habang kumukuba ang spine, maaari mo rin mapansin na unti-unting bumababa ang haba ng iyong katawan. Bagaman normal ang bahagyang pagliit habang tumatanda, maaaring sintomas ng osteoporosis ang malaking pagbaba ng height, na malaking posibilidad na resulta ng baling vertebrae dahil sa mahinang buto.

Bukod sa pagkakaroon ng magadang posture, makatutulong sa pagpapaganda ng iyong pangangatawan at makakaiwas sa pagkuba ng spine ang mga pisikal na aktibidad tulad ng katamtamang ehersisyo at stretching. Dahil dito maaari mong iwasan ang pagliit ng iyong height.

Anong Ang Dapat Gawin Kapag May Osteoporosis?

Upang maiwasan, mapamahalaan o mabalik ang mga negatibong epekto ng osteoporosis, ipinapayo na:

  • Kumain ng mga pagkain na naglalaman ng mga sustansya tulad ng vitamin D at calcium. Tumutulong ang mga ito para magpalakas ng mga buto.
  • Ayusin ang posture sa pamamagitan ng pagtayo at pag-upo nang tuwid.
  • Regular na mag-ehersisyo at magkaroon ng aktibong lifestyle para lumakas ang mga buto at mga muslce sa palibot nila. Higit sa lahat, lubhang nakatutulong sa pagpapalakas ng buto ang mga ehersisyong may pagbubuhat.
  • Bisitahin ang iyong doktor kung nakararanas ng anumang hindi pangkaraniwang sakit sa pelvic, spinal o carpal region.

Key Takeaways

Hindi madaling makita ang mga sintomas ng osteoporosis. Mas madalas kaysa sa hindi, malalaman lamang ng mga tao na mayroon silang “silent disease” kapag nabali na ang kanilang balakang, spine, o pulso.
Kung pinaghihinalaan na mayroon kang osteoporosis, isaisip ang apat na pangunahing sintomas. Kabilang dito ang mahinang buto, pananakit ng likod, deformed spine, malaking pagliit ng height, o kombinasyon ng mga sintomas na ito. Kung mayroon ng isa o lahat ng mga sintomas na ito, kumonsulta sa iyong doktor. Magpacheck-up at diagnostic test upang malaman kung mayroong osteoporosis.

Matuto pa tungkol sa Osteoporosis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Osteoporosis, https://www.mountsinai.org/health-library/condition/osteoporosis, Accessed January 31, 2021

Osteoporosis: Symptoms and Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/osteoporosis/symptoms-causes/syc-20351968, Accessed January 31, 2021

What is Osteoporosis, https://www.osteoporosis.org.au/what-it, Accessed January 31, 2021

Osteoporosis symptoms, https://www.healthdirect.gov.au/osteoporosis#symptoms, Accessed January 31, 2021

Osteoporosis, https://www.nia.nih.gov/health/osteoporosis, Accessed January 31, 2021

Kasalukuyang Version

08/17/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni January Velasco, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ehersisyo Para sa Scoliosis, Paano Nakatutulong sa Kondisyong Ito?

Diet Para Sa Matanda: Ito Ang Mga Dapat Kainin


Narebyung medikal ni

January Velasco, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement