Ang arkitektura at disenyong panloob ng iyong opisina ay direktang nakakaapekto sa iyong kalusugan. Maaari ding makaapekto ang mga espasyo sa paligid mo sa kung paano ka magtrabaho, gumalaw, at kumilos. Ang iba pang salik tulad ng comfort, kaligtasan, at seguridad ay nakapagpapataas o nakapagpapababa rin ng iyong pagiging produktibo sa trabaho. Tamang ergonomics sa pinagtatrabahuhan ay lubos na ipinapayo. Ano ang ergonomics?
Bilang empleyado, kailangan mong makapagtrabaho sa lugar na prayoridad ang iyong comfort at kaligtasan. Maaari mong ikapahamak ang minadali at pangit na disenyo ng lugar kung saan ka nagtatrabaho. Pwede ring maapektuhan ang kakayahan mong magtrabaho ng dahil sa pinsalang dulot ng hindi maayos na lugar kung saan ka nagtatrabaho. Mahalaga ang tamang ergonomics sa lugar kung saan ka nagtatrabaho dahil may epekto ito sa pisikal mong kalagayan. Ano ang ergonomics?
Tinatawag na ergonomics ang dulog sa pagdidisenyo ng ligtas na espasyo ng trabaho upang mapataas ang kahusayan at pagiging produktibo nito. Magbasa pa upang malaman ang tamang ergonomics sa lugar kung saan nagtatrabaho at kung paano ito nakakaapekto sa kabuoang kalusugan ng mga tao.
Ano ang Ergonomics?
Ang ergonomics ay agham ng pagdidisenyo ng lugar na pinagtatrabahuhan na nagpapababa ng tsansang mapahamak ang mga empleyado at nagpapataas ng kahusayan sa pagtatrabaho. Hinahangad ng mga ergonomist na makapagdisenyo ng lugar na isinasaalang-alang ang mga manggagawa. Masinsinan nilang sinusuri ang pisikal (at minsan mental) na kalagayan ng mga empleyado upang makalikha ng magandang workspace para sa kanila.
Halimbawa, ang matatangkad na empleyado ay nahihirapang magtrabaho sa masisikip at maliliit na espasyo. Maaari namang hindi makapagtrabaho ang mga maliliit na empleyado sa matataas na mesa at monitor. Trabaho ng isang ergonomist na tiyaking tama ang ergonomics sa lugar kung saan nagtatrabaho ang mga empleyado at mabawasan ang mga hadlang sa pagkakaroon ng magandang lugar para sa lahat.
Isinasaalang-alang ng ergonomist ang mga sumusunod na salik sa pagbuo ng maayos at para sa lahat ng lugar na pinagtatrabahuhan. Ito ang mga:
- Edad ng empleyado
- Sukat ng katawan
- Personal na lakas
- Unang karanasan
- Cognitive abilities
- Trabaho, tunguhin, at inaasahan sa trabaho
Paano naaapektuhan ng Ergonomics sa trabaho ang ating katawan?
Isipin mo ito: Nagtatrabaho ka sa mesang masyadong mataas at upuang masyadong mababa. Isiping ginagawa mo ito araw-araw sa loob ng diretso walong oras, limang araw sa isang linggo. Ang ganitong kapangit at hindi maayos na lugar na pinagtatrabahuhan ay maaaring magresulta sa pananakit ng mga mata, kalamnan, at pamamanhid ng mga kamay at daliri.
Maaaring magresulta sa musculoskeletal disorders (MSDs) ang hindi maayos at delikadong lugar o espasyo ng trabaho. Nakakaapekto ito sa ating mga kalamnan, tendons, kasukasuan, at mga litid. Idinudulot ito ng palagiang physical exertion, stress, at improper posture.
Ayon sa pananaliksik, nasa 34% ang pinsala sa trabahong may kinalaman sa MSDs. Pinatutunayan ng bilang na ito na ang pangit na disenyo ng espasyong pinagkikilusan sa trabaho at mga kagamitan ay direktang nakakaapekto sa ating pisikal na kalagayan. Halimbawa, kapag hindi tama ang pagkakapuwesto ng laptop, maaari itong mauwi sa pangit na posture at pinsala dahil sa pagyuko at pagkapuwersa ng kalamnan.
Ang hindi maayos na egonomics ay sanhi rin ng physical pain, na maaaring mauwi sa pangit na kakayahan at resulta ng pagtatrabaho.
Sa kabilang banda, ang maayos na ergonomics sa trabaho ay magreresulta sa mas magandang performance ng mga empleyado. Ang pangunahing kaugalian sa ergonomics ay ang paglalagay ng tamang ilaw upang makatulong sa mata, sapat na bentilasyon, at pagpapanatili ng tahimik na lugar.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang pinakatunguhin ng ergonomics ay mabawasan ang pisikal na pagkakapuwersang katawan dahil sa trabaho. Ang opisina dapat ang binabago para sa mga nagtatrabaho, at hindi ang kabaligtaran.
Paano magkakaroon ng maganda at tamang ergonomics?
Pagdating sa tamang ergonomics sa trabaho, kailangan mong ikonsidera ang magkakaibang kasangkapan at kagamitang nakikita mo. Nakakaapekto ito sa pagiging produktibo mo at kung paano ka gagalaw sa loob ng iyong espasyo.
Mga mesa
Kailangang malawak ang mga mesa at may sapat na espasyo upang makagalaw ang iyong mga binti sa ilalim. Iwasang maglagay ng ibang mga bagay, tulad ng mga gamit sa ilalim ng mesa. Kailangan ding sapat ang lawak ng mesa upang makagalaw ka nang maayos. Kailangang pabilog ang mga gilid ng mesa upang makaiwas sa gasgas at sugat.
Mga upuan
Hindi maitatangging ang mga upuan ang pinakaimportanteng gamit pagdating sa tamang ergonomics sa trabaho. Hangga’t maaari, kailangang mayroon itong sandalan at patungan ng braso. Maganda ring naa-adjust ito, tulad sa height. Makatutulong din kung pwede itong i-recline upang magamit sa iba’t ibang posisyon sa buong araw.
Mga computer at keyboard
Inirerekomenda ng mga doktor na ipuwesto ang mga computer ng 20 pulgada ang layo sa mata. Ka-level din ang gma monitor ng iyong mga mata. Kung masyadong mataas o mababa, maaari itong magdulot ng parehong eye at neck strain. Kailangan ding rounded ang mga keyboard na nasa tamang distansya upang maiwasan ang carpal tunnel syndrome.
Ano ang mga paraan upang mapaganda ang personal ergonomics?
Kung hindi gaanong maayos ang espasyo ng inyong trabaho, maaari mong simulan ang pag-aayos ng ergonomics ng iyong mesa at palakasin ang iyong kalusugan. Narito ang mga tip kung paano mapagaganda ang iyong kalusugan at maiwasan ang pangit na ergonomics.
Adopt Proper Posture
Ang pagyuko at pagpaling ng iyong ulo nang masyadong mababa o mataas ay maaaring makapinsala sa iyong katawan sa katagalan. Panatilihin ang tuwid na likod hangga’t maaari. Tiyaking nakataas ang iyong ulo at nasa tamang level ang iyong mga mata.
Gumalaw nang mas madalas habang nasa trabaho
Ang pag-eehersisyo ay magandang paraan upang mapanatiling fit at malusog ang ating katawan. Magpahinga at tumayo mula sa iyong mesa sa kada 30 minuto o higit pa. Maaari mong unatin ang iyong mga kalamnan, mag-push up, o jog in place.
Ilagay ang mga personal mong gamit malapit sa maaabot mo
Kung masyadong malayo ang mga gamit mo, nagdudulot ito ng dagdag na hirap sa iyong mga kasukasuan at kalamnan.
Ipahinga ang iyong mga mata
Ang eye strain ay totoong problema. Maaaring magresulta sa eye fatigue at maging pagkabulag ang matagal na paggamit ng computer. Tandaang ipahinga ang mga mata nang sandali kada 30 minuto.
I-personalize ang iyong paligid
Kung sa tingin mo ay pwede mong ayusin pa ang ergonomics sa iyong pinagtatrabahuhang lugar, gawin mo ito. Magdala ng pansuporta sa likod upang matulungan kang mapaganda ang iyong tindig. Makatutulong ito upang mas maging komportable ka sa iyong mesa.
Alamin ang limitasyon ng iyong katawan
Tandaang huwag puwersahin ang sarili. Alamin ang kakayahan ng iyong katawan at iwasan ang paulit-ulit na paggawa ng mga bagay na magdudulot ng pinsala sa iyo.
Konklusyon
Ang tamang ergonomics ay ikinokonsidera ang kalagayan ng mga empleyado at kung paano nakakaapekto ang kapaligiran sa pagiging produktibo ng mga manggagawa. Ang higit na komportable at propesyonal na kapaligiran ay nagreresulta sa mas masaya at mas produktibong manggagawa. Nakapagpapahusay din ng trabaho ang tamang ergonomics. Dahil dyan, mag-invest sa kabuoang kalusugan at kaligtasan ng iyong mga empleyado. Kayo rin ang magbebenepisyo nito sa katagalan.