backup og meta

First Aid Sa Pilay o Sprain: Heto Ang Dapat Tandaan

Ang pagkadapa at pagkahulog sa hagdan ay ilan sa mga aksidente na kung minsan ay hindi maiiwasan. Dahil dito mahalaga para sa atin na malaman ang mga first aid sa pilay o sprain na pwede nating gawin sa oras na tayo ay maaksidente. Gayunpaman ang pagsasagawa ng first aid ay hindi dapat gawin ng walang pag-iingat at kaalaman. Mahalaga na dapat ay may sapat na kakayahan ang isang tao upang magsagawa ng paunang lunas sa mga bahagi ng katawan na may pilay o sprain. Dahil sa oras na mali ang naging paraan ng pagbibigay ng paunang lunas maaari itong mauwi sa kapahamakan ng buhay ng isang tao.

First Aid Sa Pilay o Sprain: Heto Ang Dapat Tandaan

Ano Ang Dapat Tandaan Sa First Aid Sa Pilay o Sprain?

Kapag nagkaroon ng pilay ang isang tao mahalaga na matukoy muna nila kung anong uri ng pilay ang kanilang tinataglay. Mayroon kasing paniniwala ang ilang mga Pilipino na maaaring lagnatin ang isang tao kapag sila ay nagkapilay. Kaya naman may mga pagkakataon na dinadala ang isang indibidwal sa manghihilot upang sila ay hilutin. Bagamat may ganitong paniniwala ang mga Pilipino hindi pa rin ito dapat tinatangkilik o prinapraktis. Mas maganda pa rin kung magpapakonsulta muna sa doktor ang isang tao upang malaman at makumpirma kung mayroon nga bang pilay o fracture ang isang indibidwal, nang sagayon ay mabigyan sila ng wastong paggamot.

Dagdag pa rito, may tendency kasi na mas lumala ang pilay o fracture ng isang tao kapag hinilot ito. Pwede kasing ma-displace ang fracture ng pasyente at maging mas malubha kapag ito ay hinilot.

First Aid Sa Pilay o Sprain

Ang pagbibigay ng paunang lunas sa isang taong nangangailangan ay maaaring maging dahilan ng kanilang pagkakaligtas o pagkamatay. Napakahalaga na mayroon kang sapat na kaalaman at training sa pagbibigay ng first aid bago mo ito isagawa sa ibang tao o sa iyong sarili.

Narito ang ilang mga hakbang na pwede mong gawin sa isang taong may malubhang pilay o sprain:

  1. Huwag munang galawin, buhatin, at alisin ang isang tao sa kanilang puwesto para maiwasan na ma-dislocate ang mga buto. Mas maganda na tingnan muna ang mga bahagi ng katawan na tinamaan o napinsala ng anumang aksidente na kinasangkutan.
  2. Kapag may pilay ang isang tao at nakakaramdam sila ng sakit sa bahagi ng kanilang katawan na may pilay, tiyakin mo na hindi ito magagalaw ng sobra.
  3. Tumawag ng doktor o rescuer at ilahad sa kanila ng maayos ang mga detalye tungkol sa lagay ng pasyente. Huwag mo ring kakalimutan na hintayin ang tulong na magmumula sa ospital o rescuer. Sa mga malalang kaso, sinusundo ng ambulansya ang mga pasyente para madala sa pinakamalapit na ospital.

Narito naman ang ilang mga hakbang na maaari mong gawin sa isang taong nagtataglay ng mga hindi gaanong kalulubhang pilay o sprain:

  1. Siguraduhin na patigilan muna ang isang tao sa kanilang isinasagawang aktibidad.
  2. Gawin ang R.I.C.E para sa unang 48 na oras pagkatapos makuha ang injury.
  • R-est

Pagpahigahin muna ang bahagi ng katawan na nagtataglay ng injury upang mabawasan ang papanakit nito.

  • I-ce

Magbalot ng ice pack o cold compress na nasa towel upang ilagay sa parte ng katawan na mayroong injury.

  • C-ompression

Bigyan ng suporta ang bahagi ng katawan na may injury sa pamamagitan ng paggamit ng elastic compression bandage ng hindi bababa sa 2 araw.

  • E-levation

Itaas ang napinsalang bahagi (above heart level) para mabawasan ang pamamaga.

https://hellodoctor.com.ph/fil/healthy-habits-fil/pangunang-lunas/first-aid-tips/

Kailan Dapat Magpakonsulta Sa Doktor?

Narito ang mga dapat mong tandaan kung kailan mo dapat dalhin o ipadala sa ospital ang isang taong may pilay o sprain:

  • Matinding pananakit kapag hinawakan o ginagalaw ang napilay na bahagi ng katawan
  • Patuloy na problema sa pagdadala ng sariling timbang
  • Pagkakaroon ng mas maraming pasa
  • Pamamanhid o pakiramdam ng pagkakaroon ng “mga pin at karayom” sa napinsalang bahagi
  • Mga palatandaan ng impeksyon (pagkakaroon ng karagdagang init, pamumula, mga guhit, pamamaga, at pananakit)
  • Strain o sprain na parang hindi bumubuti o gumagaling pagkatapos ng 5 hanggang 7 araw

Key Takeaways

Sa kasalukuyan maraming mga programa ang nagbibigay ng training para matutunan ng isang tao ang pagbibigay ng first aid. Kung nais mong magkaroon ng kasanayan sa pagbibigay ng paunang lunas, isang mahusay na hakbang ang pagkuha ng mga training. Dagdag pa rito, napakahalaga ang pagpapakonsulta sa doktor para sa mga malulubhang kaso ng pilay o sprain dahil maaari itong mauwi sa medikal na komplikasyon kapag naging mali ang paraan ng paggamot nito.

Matuto pa tungkol sa Orthopedics dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sprain: First Aid, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-sprain/basics/art-20056622, Accessed August 31, 2022

First Aid: Strains and Sprains, https://kidshealth.org/en/parents/strains-sprains-sheet.html, Accessed August 31, 2022

Wrist and Hand Sprains, https://www.nationwidechildrens.org/conditions/wrist-and-hand-sprains, Accessed August 31, 2022

Learn first aid for someone who has strain or a sprain, https://www.redcross.org.uk/first-aid/learn-first-aid/strains-and-sprains, Accessed August 31, 2022

First Aid: Strains and Sprains, https://www.connecticutchildrens.org/health-library/en/parents/strains-sprains-sheet/, Accessed August 31, 2022

Fractures (Broken Bones) – OrthoInfo – AAOS, https://orthoinfo.aaos.org/en/diseases–conditions/fractures-broken-bones/, Accessed August 31, 2022

Bone Fractures: Types, Treatment & Symptoms, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15241-bone-fractures, Accessed August 31, 2022

Complications from Fractures. Information and treatment | Patient, https://patient.info/doctor/complications-from-fractures, Accessed August 31, 2022

First Aid – Fractures, https://www.moh.gov.sa/en/HealthAwareness/EducationalContent/Firstaid/Pages/007.aspx, Accessed August 31, 2022

First Aid for Fractures – Geriatric Fracture Center – Highland Hospital – University of Rochester Medical Center, https://www.urmc.rochester.edu/highland/departments-centers/geriatric-fracture/patient-education/first-aid.aspx, Accessed August 31, 2022

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Benepisyo Ng Hilot: Ito Ang Masasabi Ng Medisina

Dyeta o Ehersisyo: Ang 80 Diet 20 Exercise Theory ng Pagpayat


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas