backup og meta

5 Pagkain Na Dapat Iwasan Kapag May Rayuma, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Kapag nakakaranas ng pamamaga at sakit sa kasukasuan ang isang tao, maaaring mayroon siyang arthritis o rayuma. Ang ating mga paa ay isa sa mga parte ng ating katawan na pwedeng sumakit sa oras na umatake ang rayuma. Kaugnay nito, ang pag-alam sa mga pagkain na dapat iwasan para sa kondisyon na ito ay isang mahusay na hakbang upang maiwasan ang rayuma sa paa.

5 Pagkain Na Dapat Iwasan Kapag May Rayuma, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Dahil dito, gumawa kami ng isang listahan ng mga pagkain na dapat mong iwasan kung ikaw ay may rayuma.

Mga Pagkain Na Dapat Iwasan Kapag May Rayuma Sa Paa

Isa sa mga mabisang paraan upang magkaroon pa rin nang maayos na pamumuhay sa kabila ng pagtataglay ng rayuma sa paa ay ang pagbabantay sa mga kinakain. Mahalaga na mapanatili natin na malusog ang ating buong pangangatawan dahil ang pagkain ng tama ay  makakatulong upang mapababa ang sakit ng mga sintomas na dala ng ating rayuma.

Ang pagkain na mababanggit sa artikulong ito ay hindi naman lubos na ipinagbabawal. Gayunpaman, ipinapayo ang hindi sobrang pagkonsumo nito upang maiwasan ang paglala ng pamamaga na dala ng rayuma sa paa.

Narito ang mga pagkain na dapat iwasan:

Processed Foods

Nagtataglay ng mataas na trans fats ang karamihan ng processed foods tulad ng pre-packaged meals na makikita sa convenience store. Malaki kasi ang naitutulong ng trans fats upang mapahaba ang shelf life ng mga produkto na ito. Gayunpaman, ang trans fats ay nakaka-trigger ng pamamaga. Maganda kung i-check ang label ng produktong binibili at suriin kung nagtataglay ba ito ng hydrogenated oils.

Fried Foods

Ang toxin na lumalabas sa mga pagkain na gini-grill, priniprito, at mga produkto na pinapadaan sa pasteurization ay tinatawag na advanced glycation end product (AGE). Sinisira ng AGE ang ilang proteins sa katawan. At bilang depense ng ating katawan maglalabas ito ng cytokines upang talunin ang AGEs. Bagamat ang cytokines ay tumutulong sa pagsugpo ng AGEs, maaaring magpalala ang cytokines ng inflammation sa taong may rayuma. Ipinapayo ng mga eksperto na iwasan ang mga pagkain na priniprito na may mataas na AGE at saturated fats gaya ng french fries.

White Foods

Ang mga pagkain na white flour-based gaya ng tinapay at white rice ay hindi rin nakakabuti para sa mga taong may rayuma. Nagtataglay ito ng refined carbohydrates na ginagawang sugar ng ating katawan. At ang sugar ay maaaring makapag-trigger ng inflammation.

Dairy Products

Ang pagkonsumo ng dairy products gaya ng gatas at keso ay pwedeng makasama sa mga taong may rayuma. Maaaring akalain ng ating katawan na ang milk proteins na taglay ng mga produktong ito ay isang banta sa’ting katawan. Kaya bilang tugon, ang ating katawan ay susubukan nitong puksain ito, dahilan para makaramdam ng pagsakit ng mga kasukasuan.

Sugar

Tandaan mo na ang anumang produkto na nagtataglay ng refine sugar tulad ng candy, soda, tsokolate, at fruit juices ay pwedeng maging dahilan ng paglalabas ng ating katawan ng cytokines, kung saan ito ang nagiging sanhi para magsimula ang inflammation.

Key Takeaways

Ang pag-alam ng mga pagkain na dapat mong iwasan ay makakatulong upang maiwasan ang pag-atake ng rayuma sa paa. Huwag mo ring kakalimutan na magpakonsulta sa doktor. Ito’y upang maiwasan ang anumang komplikasyon at magkaroon ng medikal na atensyon na angkop sa iyong pangangailangan. Makakatulong din ang pagpapakonsulta upang mas maunawaan ang mga dahilan kung bakit dapat iwasan ang mga bawal na pagkain. Lagi mo ring tatandaan na ang sobrang pagkonsumo ng mga pagkain na dapat mong iwasan ay maaaring makasama sa’yong kalusugan. At ito’y pwedeng maging sanhi ng iba’t ibang komplikasyon, lalo na kung mapapabayaan ito.

Matuto pa tungkol sa Rayuma dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

In the Kitchen with Arthritis: Foods to Avoid, https://www.arthritis-health.com/blog/kitchen-arthritis-foods-avoid Accessed August 24, 2022

These 8 Foods May Be The Most Likely to Trigger Arthritis Flares, https://www.rd.com/health/conditions/foods-bad-for-arthritis/ Accessed August 24, 2022

Arthritis, https://www.niams.nih.gov/health-topics/arthritis Accessed August 24, 2022

Arthritis Types, https://www.cdc.gov/arthritis/basics/types.html Accessed August 24, 2022

RA vs. OA: Which is Worse — Rheumatoid Arthritis or Osteoarthritis? https://www.rheumatoidarthritis.org/ra/ra-vs-oa/ Accessed August 24, 2022

An autumn tale: geriatric rheumatoid arthritis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5724645/ Accessed August 24, 2022

Osteoarthritis, https://www.niams.nih.gov/health-topics/osteoarthritis Accessed August 24, 2022

Osteoarthritis (OA), https://www.cdc.gov/arthritis/basics/osteoarthritis.htm Accessed August 24, 2022

Rheumatoid Arthritis, https://www.rheumatology.org/I-Am-A/Patient-Caregiver/Diseases-Conditions/Rheumatoid-Arthritis Accessed August 24, 2022

Rheumatoid Arthritis (RA), https://www.cdc.gov/arthritis/basics/rheumatoid-arthritis.html Accessed August 24, 2022

How Arthritis Hurts, https://www.arthritis.org/health-wellness/healthy-living/managing-pain/understanding-pain/sources-of-arthritis-pain Accessed August 24, 2022

 

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Gout? Alamin Dito Ang Sanhi, Sintomas, At Paggamot Dito

5 Pagkain Na Bawal Sa Mayroong Arthritis


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas