Kinakailangang malaman mo ang mga bawal sa arthritis na pagkain kung ayaw mong maging nakakairita ang iyong pang-araw-araw na gawain. Sa mga unang yugto ng arthritis, mararanasan mo ang paninigas ng iyong mga kasukasuan, Sa panahong ito, mahihirapan kang gawin ang mga pangkaraniwang gawain mo tulad ng paghawak at pagyuko.
Sa kalaunan, mararamdaman mo ang lubos na masakit at nakapanghihinang epekto ng arthritis. Bagama’t mayroong higit sa 100 partikular na uri ng arthritis na umaatake sa iba’t ibang bahagi ng katawan, lahat sila ay may iisang katangian – pamamaga.
Ang inflammatory arthritis ay isang grupo ng mga sakit na nailalarawan sa pamamagitan ng pamamaga ng kasukasuan at tissues. Makakaasa kang lalabas ang mga sintomas nito kapag kumain ka ng bawal sa arthritis. Ang mga sintomas nito ay:
- Sakit
- Pamamaga
- Init at panlalambot ng mg joints
- Paninigas sa umaga na tumatagal ng higit sa isang oras
Bagama’t ang paggamot ay maaaring iayon sa partikular na sakit at mga indibidwal na sintomas, maaaring bawa’t taong nakakaranas nito ay may iba’t-ibang pamamaraan upang makahanap ng lunas.
Pagkaing Sanhi Ng Pamamaga: Mga Bawal Sa Arthritis
Ipinakikita ng pananaliksik na ang ilang mga sintomas ng arthritis ay sanhi ng ilang partikular na pagkain. Maiiwasan mo ang mga nagiging sanhi ng mga sintomas nito kapag iniwasan mo ang mga pagkaing bawal sa arthritis.
Natuklasan ng ilang tao na ang mga pagbabago sa kanilang diet ay nagresulta sa pagpapabuti ng mga sintomas ng arthritis. Kabilang dito ang pag-iwas sa mga bawal sa arthritis na pagkain tulad ng:
1. Asukal
Maraming tao ang naniniwala na ang asukal ay masama para sa arthritis. Madalas sinasabi nila na ang trigger ng kanilang arthritis flares ay ang mga pagkaing matamis. Hindi lang ito haka-haka dahil pangkalahatang sinusuportahan ito ng pananaliksik. Kapag kumain ka ng labis na asukal, gumagawa ang iyong katawan ng mas marami pang mga cytokines, na kilala bilang mga inflammatory proteins.
Ang sobrang pagkonsumo ng mga bawal sa arthritis na pagkain tulad ng asukal ay nagpapataas ng pamamaga sa iyong katawan. Kailangan lang ang 40 grams, na katumbas ng isang lata ng soda, upang ma-trigger ito. Ang pag-iwas sa mga soft drink, kendi, at pastry ay maaaring makatulong na mapawi ang ilan sa mga sintomas ng arthritis
Kahit na wala kang Celiac Disease, ang kondisyon kung saan napinsala ng gluten ang iyong maliit na bituka, maaaring gusto mong isaalang-alang ang pag-alis ng gluten mula sa iyong diet. Maaari itong humantong sa joint inflammation. Upang gawin ito, iwasan ang mga pagkaing gawa sa wheat, barley, at rye.
3. Dairy
Maraming kapaki-pakinabang na nutrients ang dairy products tulad ng calcium at protina. Gayunpaman, mga bawal sa arthritis ang produktong ito dahil naglalaman din ito ng casein, na maaaring mag-ambag sa pamamaga. Ang paglilimita sa dami ng mga dairy products sa iyong diet ay maaaring makatulong na mabawasan ang pamamaga sa iyong mga kasukasuan.
4. Pagkaing Mataas Sa Purine
Para sa mga taong may gout, maaaring irekomenda ng doktor ang diet na may konti o walang purine kasabay ng tamang gamot. Ang mga purine ay mga sangkap sa mga pagkain na kino-convert ng katawan sa uric acid. Ang uric acid ay maaaring mag build-up sa daluyan ng iyong dugo, na nagiging sanhi ng pag-atake ng gout. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga sumusunod ay bawal sa arthritis na pagkain dahil mataas sa purine:
- pulang karne
- karne ng organ, tulad ng atay
- beer at iba pang alak
- cured meats tulad ng ham at bacon
- ilang pagkaing-dagat, tulad ng tahong at scallops
Gayunpaman, natukoy ng pagsusuri noong 2018 na ang ilang gulay na mayaman sa purine, tulad ng cauliflower, mushroom, at beans, ay walang kaugnayan sa panganib ng gout.
5. Nightshade
Ang nightshades ay isang grupo ng mga gulay na naglalaman ng compound solanine. Hind nakumpirma ng pag-aaral na ang nightshades ay maaaring mag-trigger ng sakit sa arthritis. Gayunpaman, nagpahiwaitg ang Physicians Committee for Responsible Medicine na ang pag-alis sa mga ito mula sa diet ay makakatulong na mapabuti ang mga sintomas ng arthritis sa ilang mga tao.
Ang mga nightshades ay mga bawal sa arthritis na pagkain. Kasama sa mga gulay sa nightshade ang sumusunod:
- Mga kamatis
- Bell Peppers
- Talong
- Chili
- Patatas
Ipinapayo ng Arthritis Foundation ang pagtanggal pansamantala sa diet ng nightshades. Kung nanghihinala kayo na maaaring lumala ang mga sintomas ng arthritis ninyo, huwag munang isama sa inyong diet ang nightshades sa loob ng ilang linggo, pagkatapos ay muling kainin ito nang paisa-isa.
Mangyaring gumawa ng listahan ng pagkain upang masubaybayan ang anumang mga reaksyon na mayroon ka sa isang partikular na pagkain.
Matuto pa tungkol sa Arthritis dito.