Kung napansin mong nagdudugo ang gilagid mo, maaaring iniisip mong mayroon kang gingivitis o nagdudugo lang ang iyong gilagid. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kung paano gamutin ang dumudugong gilagid at gingivitis.
Ano ang Gingivitis?
Ang gingivitis ay isang mild at karaniwang uri ng sakit sa gilagid. Maaari itong maging sanhi ng pamamaga, pamumula at iritasyon sa iyong gilagid.
Bagamat ito ay mild pa lamang, mainam na gamutin kaagad ang gingivitis. Maaaring humantong sa periodontitis ang gingivitis, ito ay maaaring pagluwag ng mga ngipin at posibleng mauwi sa paglagas ng mga ito.
Minsan ay hindi kaagad napapansin ang gingivitis dahil wala itong sakit na naidudulot. Ang ilan ay maaaring pagdudugo ng gilagid lamang ang nararanasan.
Ano ang pagkakaiba ng Gingivitis at Pagdudugo ng Gilagid?
Sa madaling salita, sintomas ng gingivitis ang pagdurugo ng gilagid. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na kapag nagdudugo ang gilagid, ito ay dahil na sa gingivitis.
Makatutulong ang pagkonsulta sa dentista upang malaman kung mayroon kang gingivitis. Narito ang ilang maaaring sanhi ng gingivitis at pagdurugo ng gilagid.
Ano ang nagiging Sanhi ng Gingivitis?
Ang hindi pagiging malinis sa bibig ang pinakakaraniwang sanhi ng gingivitis. Magiging sanhi ng gingivitis ang naiipong plaque sa gilagid. Nangyayari ito lalo na kapag hindi regular na nagsisipilyo o nagpo-floss ng iyong ngipin.
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng gingivitis lalo na kapag hindi malinis sa bibig. Gayunpaman, maraming dahilan ang mas nagpapataas ng tyansa upang magkaroon ng gingivitis, kasama na rito ang:
- Medikal na kondisyon tulad ng fungal at viral infection
- Genetics
- Pagbabagong hormonal (pag-inom ng birth control pills, buwanang dalaw, pagbubuntis, at iba pa.)
- Ilang gamot tulad ng phenytoin
- Mga sakit na nagpapahina ng kalusugan tulad ng paggamot sa kanser at leukemia
- Baluktot na ngipin o hindi maayos ang pagkakabit na mahirap linisin
- Kakulangan sa bitamina C
- Panunuyo ng bibig
- Katandaan
- Ngumunguya at humihithit ng tabako
Ano ang Sanhi ng Nagdudugong Gilagid?
Katulad ng nabanggit kanina, ang nagdudugong gilagid ay maaaring sintomas ng sakit sa gilagid tulad ng gingivitis. Gayunpaman, narito ang ilang posibleng dahilan ng pagdurugo ng gilagid.
Pagkakaiba sa Flossing
Bagamat ang regular na pag-po-floss ang pinakaepektibong paraan kung paano gamutin ang dumudugong gilagid, ito rin minsan ang sanhi nito.
Kung nagsimula kang mag-floss ng higit sa karaniwan o nagsimulang lumaktaw ng ilang araw, maaari itong humantong sa pagdurugo ng gilagid. Gayunpaman, maaaring huminto ito pagkatapos mong mag-floss ng ilang araw. Kung hindi tumigil, pumunta sa dentista.
Gamot
Ang medikasyon na blood-thinning ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo. Maaari mong tanungin ang iyong dentista kung ang gamot na iniinom mo ay dahilan ng pagdurugo ng iyong gilagid.
Pagbubuntis
Tulad ng nasabi, ang pagbabagong hormonal tulad ng pagbubuntis ay posibleng sanhi ng gingivitis at hahantong sa pagdurugo ng gilagid. Ang pagtaas ng hormones ay magpapataas ng daloy ng dugo sa gilagid, na maaaring magresulta sa mas pagiging sensitibo nito sa bakterya at plaque.
Bagong Sipilyo
Kung madalas kang gumamit ng sipilyong may malambot na bristle at nagpasyang gumamit naman ng may matigas na bristle, maaari itong maging dahilan ng pagdugo ng gilagid. Maaaring mabawasan ang pagdurugo kung muling babalik sa malambot na bristle. Ang sobrang pwersa sa pagsisipilyo ay maaaring magdulot ng pinsala sa gilagid na humahantong sa traumatic ulcers at pagdurugo.
Sintomas ng Gingivitis
Ang malusog na gilagid ay madalas na mahigpit ang pagkakakapit sa paligid ng ngipin at mukhang maputlang rosas at matibay. Mga maaaring sintomas ng gingivitis:
- Malambot na gilagid
- Umuurong na gilagid
Mga Komplikasyon ng Gingivitis
Kung hindi agarang magamot ang gingivitis, maaaring magdulot ito ng mas maraming kaso. Tulad ng nabanggit kanina, ang pagsasawalang bahala sa gingivitis ay hahantong sa malubhang sakit sa gilagid tulad ng periodontitis.
Ang pagpapagamot ay hahantong din sa malubhang uri ng gingivitis na tinatawag na trench mouth o necrotizing ulcerative gingivitis. Maaari itong magresulta ng pagsusugat kasama ng pagdurugo, impeksyon, at masakit na gilagid.
Paano Gamutin ang Nagdudugong Gilagid?
Kung nagdudugo ang gilagid o may gingivitis, may ilang hakbang na maaari mong subukan:
- Magandang gawi sa kalinisan sa bibig
- Mag-floss kahit minsan sa isang araw
- Magsipilyo dalawang beses sa isang araw
- Gumamit ng sipilyong malambot ang bristle
- Magsipilyo ng marahan upang maiwasan ang trauma sa gilagid
- Banlawan ang iyong bibig gamit ang mouthwash
Paano ko Gagamutin ang Gingivitis?
Kung masuri ng dentista na mayroon kang gingivitis, magmumungkahi sila ng propesyonal na pangangalagang pang-gingivitis. Makatutulong ito upang mabawasan ang posibleng pinsala o maiwasan ang magiging pinsala nito. Ilan sa halimbawa nito ay propesyonal na paglilinis ng ngipin, dental restoration, at iba pa.
Maaari mo rin subukan ang ilang remedyong pambahay upang makatulong sa paggagamot ng gingivitis. Halimbawa nito ay ang paglalagay ng turmeric gel sa iyong gilagid pagkatapos ay iwanan ito sa loob ng 10 minuto at banlawan ng tubig.
Kailan ako Dapat Magpatingin sa Dentista?
Kung wala kang nakitang pagbabago sa loob ng 7-10 araw, mas mabuting kumonsulta na sa iyong dentista. Kahit na hindi ka nakararanas ng sakit, mainam na magpatingin sa dentista kung pinaghihinalaan mong mayroon kang gingivitis.
Ang maagap na paggamot ng gingivitis ay makatutulong upang maiwasan ang mas malubhang sakit sa gilagid, tulad ng periodontitis. Makatutulong din ito na mabawasan ang posibleng dulot ng gingivitis.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa mga Sakit ng Gilagid at Bibig dito.