backup og meta

Gingivitis: Ano ang sanhi nito, at ano ang dapat gawin?

Gingivitis: Ano ang sanhi nito, at ano ang dapat gawin?

Ang gingivitis ay isang mild gum disease. Ito ay nagiging sanhi ng pamamaga, irritation, at pamumula ng mga gilagid sa paligid ng ating mga ngipin. Bagama’t ito ay isang karaniwang gum infection, ang gingivitis ay kailangang gamutin kaagad dahil maaari itong maging periodontitis. Isang mas matinding sakit sa gilagid ang periodontitis, na humahantong sa tuluyang pagkawala ng ngipin. Ano ang sanhi ng gingivitis? 

Sanhi ng Gingivitis

Ang karaniwang sanhi ng gingivitis ay ang pagdami ng plaque dahil sa hindi magandang oral hygiene. Ang plaque ay malagkit na nabuong bacteria na tumatakip sa mga ngipin mo na hindi nakikita ng mata. Nagkakaroon nito kapag ang bacteria ng bibig mo ay nadikit sa starch at asukal na mula sa mga kinain mo.

Nagiging tartar ang plaque kapag hindi nilinis at napabayaan. Ang plaque ay dapat maalis nang madalas. Kapag nagtagal sa ngipin, ito ay titigas pagtagal maninilaw at magiging tartar. Pinapahirapan ng Tartar na alisin ang naipong plaque mula sa mga ngipin dahil pinoprotektahan nito ang bakterya.       

Magagamot ang gingivitis sa pamamagitan ng tamang pangangalaga sa bibig. Kung mapapabayaan, ang gingivitis ay nagiging sanhi ng gingiva, ang mga gilagid na nakapalibot sa mga ngipin, na lumuwag at naglalantad ng tissue ng buto sa bakterya at plaque.

Sintomas ng Gingivitis

Ang matibay na pinkish gums ay nagpapakita ng healthy gums. Narito ang mga sintomas ng periodontal disease:

Mapupula, namamagang gilagid

Dahil sa gingivitis nagiging mapula o dark purple ang mga gilagid. Ito ay isang senyales ng mahinang gilagid.

Mga gilagid na dumudugo dahil lamang sa pagsipilyo o flossing

Mapupunit at dumudugo ang mahinang gilagid. Ito ay magdudulot ng pananakit kapag nagsipilyo o nag-floss.

Bad breath

Ang hindi kanais-nais na amoy na hindi nawawala kahit pagkatapos mag-toothbrush ay maaaring senyales ng gum disease o underlying gastrointestinal problem.

Pananakit o discomfort kapag ngumunguya, kumakain, o nagsasalita

Nagpapahirap sa mga pang araw-araw na mga gawain tulad ng pagkain o pagsasalita ang mahinang mga ngipin dahil sa tartar.

Maluwag na ngipin

Ang hindi ginagamot na gingivitis ay nagdudulot ng maluluwag na mga ngipin dahil sa bacteria na nasa plaque at tartar. Ang naipong bacteria ay nagpapahina sa mga gilagid, pagtagal ay hinahayaan ang mga ngipin na kumalas at lumuwag mula sa kanilang mga socket.

Risk Factors

Narito ang mga dahilan na nagpapalala sa pinsala at panganib ng sakit sa gilagid:

Edad. Ang mga tao, karaniwan na mga adult, ay may mas maraming kaso ng gingivitis. Ito ay dahil sa tuyong bibig at patuloy na pagdami ng plaque dahil sa hindi mabuting pangangalaga sa ngipin.

Poor oral hygiene. Ang pagsisipilyo at pag-flossing na ginawa nang hindi regular ay hindi epektibong nag-aalis ng plaque, na nagpaparami sa bacteria sa bibig mo.

Paninigarilyo. Ang mga produktong tabako ay nakakaapekto sa tibay ng malambot na tissue sa bibig mo, na nakakagambala sa mga function ng cell.

Hormonal changes. Nagdudulot ng pagtaas ng daloy ng dugo sa gilagid ang female hormones, lalo na sa mga buntis. Kaya naman mas nagiging sensitibo at madaling ma-irritate at mamaga ang gums.

Pag-inom ng gamot na nakakabawas sa pagdaloy ng laway. Ang laway ang nagpapanatili sa ating bibig na malinis, kaya ang pag-inom ng gamot na nakakabawas ng laway sa iyong bibig ay nagiging sanhi ng gingivitis.

Genetics. Isa pang sanhi ng gingivitis ay kung ang isang tao na may family history ng sakit sa gilagid. Sila ay mas malamang na magkaroon ng gingivitis mismo.

Diagnosis

Kapag nagpacheck up sa dentista, ang mga sumusunod na diagnosis ay maaaring mangyari:

  • Pagsusuri ng gilagid para sa posibleng pamamaga.
  • Testing para sa “pocket depth.” Ito ay ang pagsuri at pagsukat ng anumang pockets o sockets sa paligid ng mga ngipin mo, tinitingnan kung nasa tamang lalim ang mga ito na 1 hanggang 3 milimetro.
  • Pagtukoy sa mga dahilan na magkaroon ng gum disease, kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa medical history mo.

Pag-iwas at Paggamot ng Gingivitis

Depende sa kung ano ang inirerekomenda ng iyong dentista, ang pagsipilyo ng iyong ngipin araw-araw sa loob ng dalawang minuto dalawang beses sa isang araw, na sinamahan ng flossing ay lubos na makakabawas sa panganib ng gingivitis. Ang pagkakaroon ng healthy dental habits at pangangalaga sa ngipin ay susi upang maiwasan ang anumang karagdagang build-up ng bacteria at epekto at sanhi ng gingivitis.

Bukod dito, ang pagkakaroon ng regular na appointment sa dentista ay kinakailangan para sa paglilinis ng bibig (karaniwang nangyayari tuwing ika-anim hanggang 12 buwan), sinusuri ang lagay ng iyong mga gilagid at posibleng mga sanhi ng gingivitis.

Mga Maling Paniniwala at Myths

Sa kabila ng pagiging isang karaniwang sakit sa gilagid, humigit-kumulang tatlong porsyento lamang ng mga taong may kumpirmadong kaso ang humihingi ng medikal na tulong. Isang dahilan kung bakit hindi nagagamot ang mga pasyente ay maaaring konektado sa kawalan ng tamang pag-unawa sa oral hygiene habits at mahahalagang kalusugan sa bibig.

Narito ang mga maling paniniwala at myths ng mga tao tungkol sa oral health:

1. Ang gingivitis ay maaari lamang sanhi ng hindi magandang oral hygiene

Maraming mga kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa gilagid at hindi lamang dahil sa poor dental hygiene. Maaaring kabilang dito ang paggamit ng tabako, genetics, at kalusugan ng gilagid.

2. Ang matinding pagsipilyo ay dapat gawin sa masakit, dumudugong bahagi

Ang sobrang pagsisipilyo ay nakakasira sa enamel, ang panlabas na takip ng ngipin, at nakakapinsala sa gilagid. Sapat na ang mga kaunting pag-brush at mga galaw, na may tamang pressure para maramdaman ang mga bristles sa iyong gilagid.

Inirerekomenda din na gumamit ng mas malambot na toothbrush bristles upang hindi masira ang enamel ng ngipin

3. Hindi big deal ang pagdurugo ng gilagid.

Ang mapula-pula, namamagang gilagid na madaling dumugo ay malinaw na senyales ng sakit sa gilagid. Kailangan ang pagbisita sa isang dentista para masuri ang iyong pangkalahatang kalusugan ng gilagid.

Key Takeaways

Ang gingivitis ay medyo karaniwan sa mga matatanda at maaaring magkaroon sa pamamagitan ng pagdami ng plaque. Maraming mga sanhi ng gingivitis, ngunit madali itong malutas sa pamamagitan ng wastong kalinisan sa bibig, pati na rin ang pagkakaroon ng regular na check up sa dentista. Ang pag-unawa sa wastong pangangalaga sa ngipin sa pamamagitan ng pagwawasto ng mga maling akala ay makakatulong din sa pag-iwas nito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gingivitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gingivitis/symptoms-causes/syc-20354453, Accessed January 27, 2021

Gingivitis, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10950-gingivitis-and-periodontal-disease-gum-disease, Accessed January 27, 2021

Periodontal (Gum) Disease, https://www.nidcr.nih.gov/health-info/gum-disease/more-info, Accessed January 27, 2021

Gum Disease Summary, https://medlineplus.gov/gumdisease.html, Accessed January 27, 2021

Gum Disease Symptoms, https://www.perio.org/consumer/gum-disease-symptoms.htm, Accessed January 27, 2021

 Gum Concerns, https://www.mouthhealthy.org/en/adults-over-60/concerns#:~:text=Many%20older%20adults%20have%20gum,condition%20until%20the%20advanced%20stage, Accessed January 27, 2021

Hormones and Dental Health: What Every Woman Needs to Know, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/h/hormones#:~:text=You%20may%20be%20surprised%20to,anything%20that%20may%20irritate%20them, Accessed January 27, 2021

Gum Disease Myths, https://www.perio.org/consumer/gum-disease-myths, Accessed January 27, 2021

 

Kasalukuyang Version

09/01/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Pambihirang Sakit Sa Dila

Bulok na Ngipin: Ano ito, Saan Galing, at Paano ito Nabubuo?


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement