backup og meta

Ano Ang Root Canal? Talaga Bang Nakakatakot Ito?

Ano Ang Root Canal? Talaga Bang Nakakatakot Ito?

Ano ang root canal? Ito ang unang tanong mo matapos sabihin ng dentist na kailangan mo ito. Kung ganoon ay hindi ka nag-iisa. Mahigit sa 15 milyong ngipin ang ginagamot at inililigtas bawat taon gamit ang root canal, Kaninong mga tuhod ba ang hindi nanginginig sa pag-iisip na kailangan niya ang root canal?  Ang sakit at gastos ang unang papasok sa isip mo. Ngunit ilan talaga ang nakakaalam kung ano ang proseso na ito?

Isa itong paggamot sa ngipin upang maalis ang impeksyon sa loob. Ito ay kilala rin bilang endodontic therapy. Maaari rin nitong protektahan ang ngipin mula sa mga impeksyon sa hinaharap. Ito ay isinasagawa sa pulp ng ngipin, na siyang root canal.

Dapat ba katakutan ang root canal procedure?

Inaakalang napakasakit ng root canal ngunit ito ay isang paggamot na nakakapag pawala ng sakit. Ang “Endo” ay salitang Griyego na ibig sabihin ay “loob” at “odont” na ibig sabihin ay “ngipin.” Ginagamot ng endodontic treatment ang loob ng ngipin. Ang root canal treatment ay isang uri ng endodontic treatment. Isa itong dental procedure na nagpapagaan ng sakit na dulot ng infected o abscessed na ngipin. Sa proseso ng root canal, ang inflamed pulp ay tinatanggal. Ang mga ibabaw sa loob ng ngipin ay nililinis at dinidis-infect, at nilalagay ang isang filling upang mapunan ang espasyo.

Kinasasangkutan ng proseso na ito ang pagtanggal ng malambot na sentro ng ngipin, ang pulp. Ang pulp ay binubuo ng mga nerves, connective tissues, at mga daluyan ng dugo na tumutulong sa paglaki ng ngipin. Sa karamihan ng mga kaso, ang isang pangkalahatang dentista o endodontist ay magsasagawa ng root canal habang ikaw ay nasa ilalim ng local anesthesia.

Bakit kailangan ang root canal?

Ayon sa American Association of Endodontists, mahigit 41,000 root canal ang ginagawa sa United States araw-araw. Nangangahulugan iyon na higit sa 15 milyong root canal ang nakumpleto bawat taon.

Ang endodontic na paggamot ay kinakailangan kapag ang pulp ay namamaga o nahawahan. Bago ang proseso ay maglalagay ng kaunting gamot na pampamanhid sa iyong gilagid malapit sa apektadong ngipin. Kapag ito ay nagkaroon ng bisa, isang lokal na pampamanhid ang ituturok sa iyong gilagid. Maaari kang makaramdam ng isang matalim na kirot o isang nasusunog na sensasyon, ngunit ito ay mabilis na lilipas. Ikaw ay mananatiling gising sa buong proseso ngunit ang anesthetic ay pipigil sa iyo na makaramdam ng anumang sakit.

Mga sintomas na kailangan ng root canal

Sakit ng ngipin na hindi nawawala at pabalik-balik

Maraming problema sa ngipin ang maaaring magdulot ng pananakit nito. Kung masakit ang iyong ngipin, maaaring kailanganin mo ang root canal therapy. Ang kakulangan sa ginhawa ay maaari ring maramdaman sa iyong panga, mukha o iba pang ngipin.

Ngipin na sensitibo sa init at lamig

Sumasakit ba ang iyong ngipin kapag umiinom ka ng mainit na kape o kumain ng ice cream? Maaaring mangahulugan ito na kailangan mo ng paggamot sa root canal. Ito ay totoo lalo na kung ang sakit ay tumatagal ng higit sa ilang segundo.

Namamagang gilagid at pimple sa gums

Kapag ang ngipin ay nahawahan, maaaring magkaroon ito ng nana sa paligid. Ito ay maaaring humantong sa pamamaga o malambot na gilagid. Maaari kang magkaroon ng tagihawat o pigsa sa gilagid. Ang nana mula sa nahawaang ngipin ay maaaring umagos mula sa tagihawat. Nagdudulot ito ng hindi kanais-nais na lasa o amoy.

Pamamaga ng panga

Minsan hindi na maalis ang nana mula sa ngipin. Bilang resulta, ang iyong panga ay maaaring maging halata ang pamamaga ng iyong panga.

Pagbabago sa kulay ng ngipin

Kapag nahawa ang pulp ng ngipin, maaari itong maging sanhi ng pagbabago ng kulay o pangingitim ng iyong ngipin. Nangyayari ito dahil sa mahinang suplay ng dugo sa ngipin.

Pananakit kapag nilagyan ng pressure ang ngipin

Kung mayroong pananakit kapag kumain ka o hinawakan mo ang iyong ngipin, maaari itong mangahulugan na ang mga ugat sa paligid ng pulp ay nasira.

Nabasag na ngipin

May mga insidente na maaaring magresulta sa pagkabasag ng ngipin.Maaaring dahil sa sports o kahit na sa pamamagitan ng pagkagat sa isang matigas na bagay. Kapag nangyari ito, ang bakterya ay maaaring umabot hanggang sa pulp ng ngipin. Kapag maluwag ang ngipin, maaaring dahil ito sa mahina na ang buto na sumusuporta sa ngipin dahil sa nana sa nahawang pulp.

Huwag mag-atubiling kumunsulta sa inyong dentista kung sa tinging ninyo ay kailangan ninyo ng root cana procedure.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Root canal explained

https://www.aae.org/patients/root-canal-treatment/what-is-a-root-canal/root-canal-explained/#:~:text=A%20root%20canal%20is%20performed,it%20to%20its%20original%20function.

Root canal treatment

https://www.nhs.uk/conditions/root-canal-treatment/#:~:text=Root%20canal%20treatment%20(endodontics)%20is,have%20to%20be%20removed%20completely.

Root canal

https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/21759-root-canal#:~:text=Root%20canal%20therapy%20is%20necessary%20when%20oral%20bacteria%20invade%20the,or%20damaged%20due%20to%20trauma.

Root canal treatment

https://www.healthdirect.gov.au/root-canal-treatment

What to expect from root canal treatment

https://www.medicalnewstoday.com/articles/142780

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Ano Ang Ginagawa Sa Teeth Cleaning?

Kailangan Ba Talaga Ng Braces?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement