backup og meta

Heto Ang Ilang Mga Paraan Paano Makaiwas Sa Tooth Decay

Heto Ang Ilang Mga Paraan Paano Makaiwas Sa Tooth Decay

Ang pagkain ng iyong mga paborito ay isa sa mga tinatawag na greatest pleasure sa buhay. Gayunpaman, ang isang masakit na ngipin ay maaaring makasira sa kaligayahan na binibigay ng iyong paboritong ice cream o chocolate bar. Ang sakit ng ngipin ay karaniwang tanda ng pagkabulok ng ngipin, isang oral disease na nakakaapekto sa halos 44% ng populasyon ng mundo. Ngayon, paano makaiwas sa tooth decay?

Ano Ang Tooth Decay?

Ang tooth decay (pagkabulok ng ngipin), na kilala rin bilang mga cavities o dental caries, ay mga bahagi sa ibabaw ng ngipin na permanente ng nasira. Direktang nakadudulot ang pinsala sa enamel ng iyong ngipin, na siyang matigas na panlabas na bahagi ng iyong ngipin.

Maaari ring mangyari ang mga ito sa dentin (pangalawang layer ng ngipin) o sa cementum (panlabas na takip ng ugat na bahagi ng ngipin).

Ano Ang Sanhi Ng Tooth Decay? 

Ang pagkabulok ng ngipin ay sanhi ng malagkit na film ng bacteria na bumabalot sa ngipin na tinatawag na “plaque.” Kapag kumain ka, ginagawang acid ng bacteria sa plaque ang asukal mula sa pagkain na kinakain mo. Inaatake ng mga acid na ito ang enamel ng ngipin, na nagiging sanhi ng pinsala sa paglipas ng panahon. Ito ang nagiging sanhi ng pagkabulok ng ngipin o mga cavities.

Sa mga unang yugto ng pagkabulok ng ngipin, ang mga acid mula sa plaque ay nagdudulot ng maliliit na butas sa enamel. Ang bacteria pagkatapos ay pumapasok sa mas malalim na mga layer ng ngipin, na maaaring magdulot ng sakit at impeksyon. Sa mga huling yugto nito, ang mga ngipin ay maaaring magmukhang yellow-brown o maging itim.

Sino Ang Maaaring Magkaroon Ng Tooth Decay?

Kahit sino ay maaaring mayroong panganib na magkaroon ng tooth decay. Gayunpaman, ang mga bata at kabataan ay mas madaling magkaroon nito. Ipinapakita ng mga datos na 60%-90% ng mga mag-aaral at halos 100% ng mga nasa hustong gulang ay may bulok na ngipin. Gayunpaman, ang ilang mga kadahilanan ay maaaring magpataas ng iyong panganib na magkaroon ng mga cavities tulad ng:

1. Lokasyon Ng Apektadong Ngipin

Ang mga ngipin na matatagpuan sa likod ng bibig tulad ng mga molars ay mas madaling mabulok dahil mas mahirap itong abutin gamit ang isang sipilyo.

2. Hindi Nagsisipilyo Nang Sapat

Kung hindi mo nalilinis ang iyong mga ngipin tuwing kakain ka, maaari itong magbigay ng pagkakataong maipon ang plaque sa ibabaw ng mga ngipin.

3. Edad

Ang mga bata ay higit na nasa panganib ng bulok ng ngipin. Gayunpaman, ang mga matatanda ay madaling kapitan ng mga cavity dahil ang mga gilagid ay madalas na umuurong sa edad.

4. Partikular Na Mga Klase Ng Ngipin

Ang ilang mga uri ng pagkain ay kumakapit sa mga ngipin nang mas matagal at mas mahirap tanggalin ang mga ito. Ilang mga halimbawa ng pagkain na posibleng mag-ambag sa pamumuo ng plaque ay gatas, ice cream, soda, at iba pa.

5. Pagkakaroon Ng Dry Mouth

Nagagawa ng laway na hugasan ang ilang mga tira-tirang pagkain sa iyong bibig na maaaring magdulot ng pagkabulok ng ngipin. Ang pagkakaroon ng tuyong bibig ay nagiging mahirap para sa laway na natural na maiwasan ang pagbuo ng plaque. Ang mga salik tulad ng chemotherapy o gamot ay maaari ring maging sanhi ng dry mouth.

6. Mga Infants Bago Matulog

Ang mga tira-tirang gatas, juice, at iba pang likido ay nagdudulot ng pagkabulok ng ngipin sa mga sanggol. Ito ay madalas na tinutukoy bilang “baby bottle tooth decay.”

7. Madalas Na Pagkain o Pag-Inom

Kung mahilig kang kumain o marami ka uminom, mas malaki ang tsansa ng bacteria na gawing mga acid ang pagkain na maaaring magdulot ng mga cavities.

8. Eating Disorders

Ang mga eating disorders na may kinalaman sa “purging” o sapilitang pagsusuka ay maaaring magdulot ng tooth decay. Ito’y dahil ang acid sa tiyan na pumapasok sa bibig ay maaaring makapinsala sa enamel ng ngipin.

paano makaiwas sa tooth decay

Mga Senyales At Sintomas Ng Tooth Decay

Minsan ay maaaring wala kang maramdaman kapag ang tooth decay ay nasa maagang yugto pa lamang. Ibig sabihin, ang isang cavity ay hindi pa nabubuo sa isa sa iyong mga ngipin. Gayunpaman, habang lumalaki ang pinsala, maaari mong maramdaman ang mga sumusunod na sintomas:

  • Pananakit ng ngipin na lumilitaw nang bigla-bigla, o walang direktang dahilan
  • Pannakit ng ngipin sa tuwing kumakain ka ng matamis o umiinom ng mainit o malamig
  • Sensitibong ngipin
  • Mga butas (cavities) na nabubuo sa iyong mga ngipin
  • Pagkakaroon ng puti, kayumanggi, o itim na mantsa sa iyong mga ngipin
  • Mabahong hininga

Kung nagsimula kang makaramdam ng anumang sakit o sensitivity sa iyong mga ngipin, mainam na magpatingin sa iyong dentista sa lalong madaling panahon. Ang paggamot sa tooth decay sa mga maagang yugto nito ay ang pinakamahusay na paraan upang mahinto ang anumang karagdagang pinsala na mangyari sa iyong mga ngipin.

Mga Komplikasyon Ng Tooth Decay

Ang isang cavity ay maaaring hindi ganung kalala ngunit ang hindi paggamot nito ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa iyong kalusugan. Ilan lamang ang mga problema sa pananakit at pagnguya sa mga bagay na kailangan mong harapin kung hindi mo pa ito napasuri sa iyong dentista. 

Maaari ka ring magkaroon ng mga sumusunod na sakit:

Gingivitis o Periodontitis

Ang gingivitis ay isang sakit sa gilagid na nagdudulot ng pamamaga at pamamaga sa gingiva, na bahagi ng gilagid na pumapalibot sa base ng ngipin. Ang mild effects ng gingivitis ay ang pagdurugo ng gilagid kapag nagsisipilyo, habang ang mas malubhang epekto ay ang pagkawla ng ngipin.

Ito ay maaari ring maging sanhi ng periodontitis, na isang mas malala at malawakang pamamaga na nakakaapekto sa gilagid, maging sa mga buto sa panga.

Dental Abscesses

Kung minsan, ang mga malubhang kaso ng tooth decay ay maaaring humantong sa pagbuo ng mga dental abscesses, na mga growths kung tawagin, kung saan kinokolekta ang nana at maaaring matagpuan sa gilagid, sa ngipin, o kahit sa buto na nagpapanatili ng mga ngipin sa lugar. Ang mga abscess ng ngipin ay kadalasang masakit at nangangailangan ng agarang paggamot.

Paano Makaiwas Sa Tooth Decay

Sa halip na maghanda para sa pinakamasamang epekto ng tooth decay tulad ng impeksyon o isang nasirang ngiti, pinakamahusay na isaalang-alang ng mga gawi na maaaring kapaki-pakinabang sa kalusugan ng iyong ngipin at gilagid. Ang ilang mga paraan kung paano makaiwas sa tooth decay ay ang mga sumusunod:

  • Magsipilyo at mag-floss ng iyong ngipin pagkatapos ng bawat pagkain o hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw.
  • Mag-iskedyul ng appointment sa iyong dentista tuwing 6 na buwan. Ang mga dentista ay makapagbibigay ng mga serbisyo tulad ng paglilinis ng ngipin na siyang mahalagang paraan paano makaiwas sa tooth decay.
  • Subukang iwasan ang pagkain ng snacks o labis na pag-inom.
  • Siguraduhin na talagang nalilinis ang iyong mga ngipin.

Sa tuwing nagsisipilyo ka, subukang huwag mag-zone out at tandaan na gawin ang sumusunod:

  1. Isipilyo ang bawat ibabaw ng ngipin sa circular motion.
  2. Isipilyo ang gilid ng gilagid, at kung saan nagtatagpo ang iyong mga ngipin sa iyong mga gilagid.
  3. Huwag kalimutang sipilyuhin ang iyong dila.
  4. Bigyang-pansin ang mga biting surfaces ng ngipin.
  5. Huwag kalimutang isipilyo rin ang inner surfaces ng iyong mga ngipin. 

Key Takeaways

Paano makaiwas sa tooth decay nang mabisa? Ang pagkabulok ng ngipin ay sanhi ng bacteria na nagdudulot ng pinsala sa enamel ng ngipin, na kadalasang matatagpuan sa plaque. Sa talakayan tungkol sa kung paano makaiwas sa tooth decay, nararapat na panatilihing malinis ang iyong bibig at isagawa ang good dental hygiene practices. Nakatutulong din ang regular na pagpapacheck-up sa iyong dentista. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Oral Disease: 10 Facts, https://www.fdiworlddental.org/oral-health/ask-the-dentist/facts-figures-and-stats, Accessed Dec 20, 2020

Cavities, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cavities/symptoms-causes/syc-20352892, Accessed Dec 20, 2020

Plaque, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/p/plaque, Accessed Dec 20, 2020

Complications of Tooth Decay, https://www.hse.ie/eng/health/az/d/dental-caries/complications-of-tooth-decay.html, Accessed Dec 20, 2020

Kasalukuyang Version

09/30/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pangingilo Ng Ngipin: Sanhi, Sintomas, At Paggamot

Paano Alagaan ang Ngipin at Gilagid? Heto ang Ilang mga Payo


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement