backup og meta

Mantsa Sa Ngipin: Bakit Nagkakaroon Nito?

Mantsa Sa Ngipin: Bakit Nagkakaroon Nito?

Kadalasang iniisip ng mga tao na ang pagbabago sa kulay ng ngipin ay nangangahulugan ng hindi mabuting dental hygiene. Bagama’t marahil ay isa ito sa mga dahilan, marami itong iba’t ibang mga sanhi. Gayundin, may mga uri ng mantsa sa ngipin. Basahin ang artikulong ito upang malaman ang mga impormasyon tungkol dito, at kung ano-ano ang mga maaaring gawin dito.

Ano Ang Mantsa Sa Ngipin?

Hindi sikreto na karamihan sa mga tao ay nagnanais na magkaroon ng mga ngiping kasingputi ng mga perlas. Ito ay karaniwang senyales ng mabuting hygiene, at ito ay maganda sa paningin sa mga tao. Ito rin ang dahilan kung bakit may mga taong gumagastos ng malaking halaga ng pera para sa mga produktong nakapagpapaputi ng ngipin at sa mga prosesong dental.

Ang mantsa sa ngipin, tulad ng isinasaad ng pangalan nito, ay ang pagbabago ng kulay o pagkakaroon ng “mantsa” sa ngipin. Ang ngipin ng tao ay nagbabago ang kulay dahil sa maraming mga kadahilanan. At sa ibang mga kaso, ayos at normal lamang para sa sa isang tao na magkaroon ng pagbabago sa kulay ng ngipin.

Ngunit ano-ano ang mga tiyak na sanhi ng pagbabago ng kulay ng ngipin? Ano-ano ang mga uri ng mantsa sa ngipin?

Mga Uri Ng Mantsa Sa Ngipin At Ang Kani-Kanilang Mga Sanhi

May dalawang pangunahing uri ng mantsa sa ngipin, ang panlabas at panloob na mantsa. Ang mga ito ay nakaaapekto nang magkaiba sa ngipin ng isang tao. At ang mga sanhi at gamutan para sa mga uring ito ay magkakaiba rin.

Panlabas Na Mantsa

Ang panlabas na mantsa sa ngipin ay nangangahulugang ang labas ng ngipin o enamel ay apektado ng pagbabago ng kulay. Ibig sabihin, ang loob ng ngipin, o ang dentin, ay hindi direktang apektado nito. Ito ay maaaring makita bilang dilaw na kulay ng ngipin.

Ito ay kadalasang sanhi ng pagkain ng mga produkto o substances na sanhi ng pagbabago ng kulay ng enamel.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng maraming kape o tsaa
  • Pag-inom ng wine o cola
  • Paninigarilyo o pagnguya ng tabako
  • Pagkain ng mga pagkaing may maraming food coloring tulad ng mga kendi at popsicles
  • Pagkakaroon ng hindi mabuting dental hygiene
  • Ang pamumuo ng tartar ay maaaring maging sanhi ng pagiging kulay grayish ng ngipin.
  • Ang mga dental na materyales tulad ng amalgam ay maaaring makapagpabago sa kulay ng isang ngipin at maging ng katabi nitong ngipin.

Nangangahulugan din ito na ang pag-iwas sa mga nabanggit na produkto o substances ay nakatutulong sa pagpapababa ng tyansa na magkaroon ng pagbabago sa kulay ng ngipin. Dagdag pa, dahil ang apektado lamang ay ang labas na bahagi ng ngipin, ang mantsa sa labas ng ngipin ay maaari pang maayos.

Gayundin, ang panlabas na mantsa ay kadalasang cosmetic. Ibig sabihin, wala itong anomang panganib sa kalusugan. At ang pagtanggal sa bagong kulay ng ngipin ay kadalasang isinasagawa para sa kadahilanan ng pampaganda.

Panloob Na Mantsa

Ang panlabas na mantsa sa ngipin ay nangangahulugang ang dentin o ang loob n bahagi ng ngipin ay nagkaroon ng pagbabago sa kulay. Ito ay kadalasang kulay yellowish sa ngipin.

Narito ang ilan sa mga posibleng sanhi ng panloob na mantsa sa ngipin:

  • Pagkonsumo ng masyadong maraming fluoride habang bata pa
  • Pagkakaroon ng tapyas sa ngipin
  • Tiyak na uri ng gamot, tulad ng antibiotics
  • Natural na pagbabago ng kulay ng ngipin dulot ng pagtanda
  • Trauma na sanhi ng pagkamatay ng pulp kung saan matatagpuan ang nerves at ugat na daluyan ng dugo

Ang pagbibigay ng solusyon para sa panloob na mantsa sa ngipin ay maaaring mas komplikado kaysa sa panlabas na mantsa sa ngipin. Ito ay dahil ang pagbabago ng kulay ng ngipin ay hindi lamang nakaapekto sa labas, kundi maging sa loob ng ngipin.

Ang pagpapaputi ng loob na bahagi ng ngipin ay nangangailangan ng ibang mga proseso ay maaaring ito ay mas mahal.

Paano Matatanggal Ang Mantsa Sa Ngipin?

Ang pagtanggal ng mantsa sa ngipin ay karaniwang isinasagawa ng dentista.Gayunpaman, may ilang mga bagay na maaari mong gawin sa iyong bahay upang makatulong na mapaputi ang iyong ngipin.

Narito ang ilan sa mga posibleng paraan na maaaring gawin upang matanggal ang iba’t ibang uri ng mantsa sa ngipin:

  • Gumamit ng mga produktong mabibili nang walang reseta, tulad ng creams na pampaputi ng ngipin.
  • Iwasan ang mga tiyak na pagkaing nagiging sanhi ng pagbabago ng kulay ng ngipin.
  • Magsagawa ng wastong dental hygiene tulad ng regular na pagsisipilyo at paggamit ng floss.
  • Maaaring magsagawa ang dentista ng propesyonal na pagpapaputi ng ngipin na gumagamit ng mga espesyal na proseso upang mapaputi ang ngipin.
  • Ang dental crowns ay ginagamit upang takpan ang sirang ngipin at upang mapaputi ito.
  • Ang veneers ay gumagamit ng porcelain shells upang takpan ang ngipin. Subalit ito ay marupok at maaaring masira kung ikinagat sa mga matitigas na pagkain.

Pagdating sa pagpapapui ng iyong ngipin, ang pinakamainam na gawin ay ang kumonsulta sa iyong dentista. Sila ay maaaring makapagbigay ng mga mabubuting payo kung ano ang dapat gawin upang mapaputi ang iyong ngipin sa pinakaligtas na paraan.

Matuto pa tungkol sa Mga Dental Conditions dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Tooth Discoloration: Causes and Treatments, https://www.freshdentalcare.co.uk/post/tooth-discoloration-causes-and-treatments, Accessed February 08, 2021

What causes discolored teeth and is there any way to cure or prevent staining? | Tufts Now, https://now.tufts.edu/articles/what-causes-discolored-teeth-and-there-any-way-cure-or-prevent-staining, Accessed February 08, 2021

Tooth Discoloration: Causes, Treatment & Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10958-tooth-discoloration, Accessed February 08, 2021

Tooth Discoloration Management and Treatment | Cleveland Clinic, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10958-tooth-discoloration/management-and-treatment, Accessed February 08, 2021

Intrinsic vs. Extrinsic Tooth Stains – Boston, MA, https://www.bostonprosthodontics.com/blog/2018/07/17/intrinsic-vs-extrinsic-tooth-stains-192039#:~:text=Intrinsic%20stains%20are%20those%20that,are%20beyond%20cosmetic%20in%20nature., Accessed February 08, 2021

Kasalukuyang Version

10/19/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Heto Ang Ilang Mga Paraan Paano Makaiwas Sa Tooth Decay

Bulok na Ngipin: Ano ito, Saan Galing, at Paano ito Nabubuo?


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement