Maraming tao ang nahihiya sa kanilang sariling ngipin. Sino bang hindi? Maaaring ipakita ng mga ngiti ang tingin ng isang tao sa iyo, at ito ang karaniwang unang impresyon na nagtatagal. Kaya naman, paano tanggalin ang mantsa sa ngipin?
Nang tanungin ng American Academy of Cosmetic Dentistry ang mga tao kung ano ang gusto nilang baguhin sa kanilang ngipin, marami ang sumagot na gusto nila itong patingkarin at paputiin. Matuto pa dito tungkol sa pagpapaputi ng ngipin, kung paano ito gawin, at kung ano ang dapat mong malaman bago kumuha ng appointment para dito.
Ano ang Teeth Whitening?
Tinatawag na teeth whitening ang procedure na nakakapagpaputi ng iyong ngipin. Dentista o dental professional lamang ang gumagawa nito sa ilalim ng reseta ng isang dentista. Maaaring gawin ang teeth whitening sa tulong ng dalawang uri ng bleach:
- Hydrogen Peroxide
- Carbamide Peroxide
Gumagana ang mga bleach na ito sa pamamagitan ng pagsira sa mga mantsa sa ngipin, at pagtago sa kanila.
Mga Sanhi ng Mantsa sa Ngipin
Karaniwang may mantsa na gustong tanggalin sa ngipin ang mga taong gustong magpaputi ng ngipin. Narito ang mga bagay na posibleng nagsasanhi mantsa sa ngipin:
Tobacco
Isa sa mga pangunahing hindi magandang dulot ng paninigarilyo ang pagpapaitim ng iyong ngipin. Nagmamantsa sa ngipin ang masasamang kemikal na nasa sigarilyo, gaya ng tar at nicotine, kaya nagmumukha itong dilaw.
Ilang pagkain at inumin
Nagmamantsa sa ngipin ang mga inumin tulad ng kape, tsaa, soda, at wine. Mas madali rin magbago ang kulay ng iyong ngipin dahil sa mga pagkaing maraming starch tulad ng patatas.
Hindi maayos na oral hygiene
Maaaring magbago ang kulay ng iyong ngipin, at magsanhi ng sakit sa gilagid ang mga plaque o tartar na naiipon.
Mga gamot
Kilalang nagpapaitim ng ngipin ang mga antihistamine, antipsychotics, at mga gamot para sa hypertension. Pati rin ang tetracycline at mga iron supplement, kilala ring nagmamantsa ang mga gamot na ito.
Bukod dito, maaari ding magkaroon ng epekto ang chemotherapy sa kulay ng iyong ngipin.
Trauma
Tinatawag na dentin ang light-yellow na layer ng tissue na makikita sa ilalim ng enamel. Nagkakaroon ng dentin dahil sa trauma na nangyayari sa bibig. Kaya kapag may bumangga na tao o bagay sa iyong bibig, maaari ito magdulot ng mantsa sa ngipin.
Kumonsulta sa dentista kung makaranas ng trauma, dahil maaaring isang senyales ang pagiging kulay gray ng iyong ngipin. Nangangahulugan na hindi sapat ang natatanggap na suplay ng dugo ng iyong ngipin, at malapit na ito maging necrotic, o namamatay na ngipin sa madaling salita.
Edad
Kadalasang translucent at puti ang enamel, nawawala ito sa paglipas ng panahon kaya lumilitaw ang light yellow na dentin habang tumatanda ang isang tao.
Anong Nangyayari sa Teeth Whitening Procedure?
Ang pagpunta sa dentista ang pinakaligtas na paraan para paputiin at tanggalin ang mantsa sa iyong ngipin. Bago ang procedure, gagawa ng “tray” na angkop sa iyong ngipin ang dentista. Dito nilalagay ang mga bleaching agent. Maglalagay ng gel o magpapasuot ng rubber shield ang iyong dentista para protektahan ang iyong gilagid habang nasa procedure.
Maglalagay ng whitening agent sa “tray” at ipapasuot ito sa iyo na parang mouthguard. Tandaan na maaaring kailangan mong bumalik nang ilang beses sa iyong dentista pagtapos nito, o maaari ding ipatuloy na lamang sa iyo ang pagpapaputi ng ngipin sa bahay.
Isa pang paraan ang direktang paglalagay ng whitening agent ng dentista sa iyong ngipin matapos maglagay ng harang para sa iyong gilagid. Pagtapos nito, sasailalim sa laser light ang iyong ngipin para ma-activate ang mga teeth whitening na kemikal.
Mabisa ba ang Teeth Whitening Procedure sa Lahat?
Hindi gumagana sa lahat ng ngipin ang karamihan sa mga teeth whitening, kaya kinakailangan na kumonsulta muna sa dentista bago kumuha ng procedure.
Karaniwang hindi gumagana ang teeth whitening sa mga sumusunod:
- Pustiso: Tinatawag na pustiso ang natatanggal na gamit para sa ngipin na ginawa para palitan ang nawawalang ngipin.
- Crown: Tinatawag na crown ang hugis “cap” na ngipin na inilalagay sa ibabaw ng totoong ngipin para maayos ang nasirang ngipin, maprotektahan ito, o matakpan ang nagbagong kulay na ngipin.
- Filling: Ginagamit ang dental filling para takpan ang mga cavity, na mga butas sa ngipin na sanhi ng pagkabulok ng ngipin. Maaaring gawa sa resin, metal, o gold ang mga dental filling.
- Veneer: Tumutulong ang mga veneer bilang pandagdag o pamalit sa ibabaw na bahagi ng ngipin. Marami itong gamit, mula sa pagbabalik ng naputol na ngipin, at pag-aayos ng tamang pagkakapantay-pantay ng iyong kagat.
Gawa ang mga pustiso, crown, filling, at veneer sa mga artipisyal na materyales gaya ng porcelain. Nangangahulugan na hindi eepekto ang mga teeth whitening agent sa kanila. Sa totoong enamel lamang gumagana ang teeth whitening.
Hindi maaaring matanggal o maayos ng teeth whitening ang lahat ng mantsa sa ngipin. Sa paninilaw lamang ng ngipin mahusay na gumagana ang mga teeth whitening procedure, habang posible namang walang mangyari sa mga kulay brown o gray na ngipin. Mahalaga din tandaan na hindi maaayos ng pagpapaputi ng ngipin ang mga pagbabago ng kulay sa ngipin na dala ng injury o gamot.
Paano Tanggalin ang Mantsa sa Ngipin
Kung kamakailan lamang nagpaputi ng ngipin o gustong panatilihing maputi ang iyong ngipin, mahalagang tandaan ang mga ito:
- Bawasan ang kape, tsaa, at iba pang inumin na maaaring magpabago ng kulay ng ngipin. Hindi ibig sabihin na tuluyan silang tanggalin sa iyong diet. Sa simpleng pagbabawas lamang sa pag-inom ng mga ito, nakatutulong na ito sa iyong ngipin.
- Gumamit ng straw kapag umiinom ng inumin. Nililimitahan ng straw ang contact sa pagitan ng inumin at iyong ngipin.
- Subukan uminom ng kaunting tubig sa tuwing umiinom ng isang tasa ng tsaa o kape kung laging umiinom. Makatutulong ang pag-inom ng tubig para mahugasan ang anumang fluid na maaaring magmantsa sa iyong ngipin.
- Sanayin ang mabuting dental hygiene sa pamamagitan ng pagsisipilyo at paggamit ng floss araw-araw. Mahalagang tandaan na iwasan ang pagsisipilyo pagtapos uminom ng mga acidic na inumin gaya ng kape, dahil maaari nitong masira ang iyong enamel na magiging dahilan ng pagkasira ng iyong ngipin.
- Magpalinis ng ngipin sa isang propesyonal tuwing anim na buwan, at huwag laktawan ang naka-schedule na dentist appointment.
Key Takeaways
Paano Tanggalin ang Mantsa sa Ngipin
Paano tanggalin ang mantsa sa ngipin? Isang paraan nito ang teeth whitening. Pinapaputi nito ang ngipin para hindi makita ang mga mantsa at pagbabago ng kulay, kaya nagiging mas maliwanag at maputi ang ngipin ng isang tao. Maraming dahilan kung bakit nagbabago ang kulay ng ngipin, gaya ng ilang uri ng pagkain at inumin, gamot, at edad.
Pinakamainam na magpaputi ng ngipin sa isang dentista na nakakaalam kung paano gawin nang maayos ang procedure. Iwasan subukan ang mga DIY teeth whitening procedure tulad ng paggamit ng activated charcoal o mga pampalasa. Hindi napatunayang mabisa ang mga ito para magpaputi ng ngipin, at maaari pa itong makapinsala sa iyo sa halip na hindi.
Para sa mga teeth whitening na maaari mong subukan, makipag-ugnayan sa iyong dentista para malaman ang pinakaangkop sa iyo.
Matuto pa tungkol sa Oral Health dito.
[embed-health-tool-bmr]