backup og meta

Bakit Nagkakaroon ng Puti Puti sa Dila at Papaano ito Malulunasan?

Bakit Nagkakaroon ng Puti Puti sa Dila at Papaano ito Malulunasan?

Ang puti puti sa dila ay karaniwang sintomas ng ilang kondisyon sa kalusugan. 

Kung makikita ang kabuuang ibabaw na puti puti sa dila o mga puting patch, ito ay maaaring indikasyon ng problema sa kalusugan. Ito ay kadalasang hindi nakasasama at bihirang pahiwatig ng malalang kondisyon sa kalusugan. Kasabay ng puti puti sa dila, maaari ding mapansin ang mabahong hininga, pangit na panlasa, at pamumula ng dila. 

Ang kondisyong it ay maaaring lumabas kasabay ng mga kaugnay na sintomas na tinatawag na mabalahibong dila. Gayunpaman, ang makapal na parang balahibong nakabalot ay hindi balahibo kundi papillae – maliit na mga bukol na naglalaman ng ating taste buds. 

Maaaring mabuo ang puti puti sa dila paglipas ng panahon o biglaang lalabas kung naiirita ang dila o kapag mayroong impeksyon sa dila.

Sintomas ng Puti puti ng Dila 

Maaaring samahan ng iba pang sintomas ang puti puti sa dila. Ito ay nag-iiba depende sa iyong kalusugan at kondisyon nito. Kasabay ng sintomas ng puti puti sa dila ang mga sumusunod: 

  • Panunuyo ng bibig (xerostomia)
  • Pamamaga, o paglaki ng dila
  • Flu-like symptoms
  • Namamagang gilagid
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Pagbabago sa texture ng dila
  • Rashes sa bibig, paltos, ulcer, o sugat
  • Pagsusuka
  • Mainit na pakiramdam
  • Mabahong hininga
  • Namamagang tonsil
  • Hirap sa pagnguya
  • Pananakit
  • Labis na paglalaway

Sanhi ng Puti puti ng Dila 

Ang puti puti sa dila ay maaaring resulta ng labis na paglago at pamamaga ng papillae sa dila. Ito ay maaaring sanhi ng debris, patay na cells, at naipong bacteria sa pagitan ng malaki at namamagang papillae.

Mga sanhi ng pamamaga ng papillae o hypertrophy ay:

  • Oral thrush
  • Syphilis
  • Ilang gamot
  • Leukoplakia
  • Oral lichen planus
  • Geographic tongue
  • Dulot ng Immunosuppression tulad ng sakit na HIV/AIDS
  • Cancer sa dila
  • Cancer sa bibig

Mga Panganib ng Puti puti ng Dila 

Ilang gawi, problema sa kalusugan, at substances ang maaaring panganib sa pagkakaroon ng kondisyong ito. Ang mga sumusunod ay ilang aspeto na magpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng puti puti sa dila o oral thrush. 

  • Hindi maayos na oral hygiene
  • Hindi malusog na diet o diet na walang iron o bitaminang B12
  • Paninigarilyo o pagnguya ng tabako
  • Lagnat o mahinang immune system
  • Pag-inom ng antibiotics
  • Pagkakaroon ng Diabetes
  • Pagiging sobrang bata o tanda. Karaniwan ang oral thrush sa mga sanggol
  • Araw-araw na pag-inom ng alak
  • Pagsusuot ng pustiso o mga sugat sa dila ng matatalim na bagay
  • Pagkakaroon ng hypothyroidism 
  • Paghinga mula sa bibig
  • Pagiging dehydrated, tuyong bibig dulot ng kondisyon sa kalusugan o pag-inom ng gamot (tulad ng muscle relaxers)

Diagnosis ng Puti puti ng Dila 

Kalimitang nawawala ang puti puti sa dila matapos ang ilang araw o linggo. Kung ito ay mas tumatagal, bumisita sa dentista upang ipatingin.

Susuriin ng doktor ang iyong dila at magtatanong ng may kaugnayan sa iyong kalusugan at pamumuhay. Magmumungkahi ang doktor ng gamot sa iyong kondisyon.

Gamot sa Puti puti ng Dila 

Kadalasan, hindi na kailangan ng anumang gamot sa puti puti ng dila dahil nawawala rin ito sa loob ng ilang linggo. Ngunit maaaring kailanganin ng paggagamot kung ito’y matagal pa sa ilang linggo. Ang doktor ay magmumungkahi ng paggagamot at reseta depende sa sintomas ng puti puti ng dila. Ang doktor ay magmungkahi ng paggamot kung makararanas ng mga sumusunod na sintomas: 

Mga Gamot

  • Rash sa dila: Hindi na kailangan ng anumang paggagamot sa kondisyong ito. Gayunpaman, maaari pa ring mangailangan ng gamutan kung ito ay tatagal ng ilang taon. Maaaring magreseta ang doktor ng ini-spray na steroid o mouthwash upang gamutin ang gilagid. 
  • Mabalahibong dila: Maaaring hindi direktang gamutin ng doktor ang mabalahibong dila, subalit magmungkahi ng gamot na nagpapalakas sa mahinang immune system. Bihira lamang na magreseta ang doktor ng antiviral na gamot sa kondisyong ito. 
  • White patches: Ang mga puting patch o geographic na dila ay walang espesyal na gamot. Kusa itong gumagaling sa loob ng ilang araw o linggo. Sa panahong iyon, iwasan ang mga pagkain o inumin at maaaring magdulot ng kawalang ginhawa o pananakit. 
  • Syphilis: Kung syphilis ang nagsasanhi ng puti puti ng dila, kailangan mo ng maayos na paggagamot at atensyong medikal upang mapagaling ito. Kung ito ay hindi gagamutin, maaari nitong mapinsala ang nervous system at magdulot ng pangmatagalang kondisyong medikal. 
  • Fungus sa bibig: Maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot na antifungal kung ikaw ay may mouth fungus o oral thrush. Siguruhing gumamit ng antifungal na gamot na iminungkahi ng doktor. 
  • Kanser sa bibig: Kung sinabi ng iyong doktor na ikaw ay nasa panganib ng pagkakaroon ng kanser sa bibig maaaring imungkahi ng doktor ang pag-aalis ng puti puti ng dila sa pamamamagitan ng isang operasyon. Maaaring gumamit ang iyong doktor ng scalpel o laser. Bihira lamang na gumamit ang doktor ng pamamaraan na tinatawag na crotheraphy. Ang therapy na ito ay nagsisiguro na ang cells ng iyong dila ay hindi magiging cancerous.

Pagbabago sa Pamumuhay 

Tandaan na hindi palaging maiiwasan ang puti puti ng dila. Gayunpaman, ang mga sumusunod ay ilang tips na maaaring subukan upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng kondisyong ito. 

Upang mapanatili ang oral hygiene maaaring gawin ang mga sumusunod: 

  • Pag-floss ng isang beses sa isang araw
  • Paggamit ng sipilyong malambot ang bristles
  • Araw-araw na paggamit ng fluoride na mouthwash
  • Pagpili ng fluoride na toothpaste
  • Pagsisipilyo ng dalawang beses kada araw

Iba pang tips na maaaring gawin: 

  • Regular na pagpapatingin sa dentista tuwing ikaanim na buwan.
  • Paggamit ng straw kung iinom ng malamig.
  • Pag-iwas sa mga nakasasama sa dila tulad ng alcohol na pangmumog at sigarilyo. Iwasan din ang mga pagkain at inumin na maanghang, maalat, o labis na mainit sa temperatura.
  • Pagkain ng iba-ibang diet na may sariwang prutas at gulay
  • Pag-inom ng maraming tubig, hanggang walong basong tubig kada araw.
  • Pag-inom ng mga mabibiling gamot nang walang reseta kung nakararamdam ng kawalan ng ginhawa
  • Pagkuskos sa dila gamit ang tongue scraper sa pagtanggal ng puti puti. Kung wala nito maaaring gumamit ng kutsarita
  • Kung gumagamit ng pustiso, siguruhing linisin ito araw-araw at bigyang oras ng pahinga ang giladid sa pamamagitan ng pagtatanggal nito tuwing gabi.

Home Remedies 

Narito ang ilang home remedies na maaaring makatulong upang maisaayos ang kalusugan ng oral at maiwasan ang puti puti ng dila. 

  • Yoghurt: Ang probiotic na yoghurt ay naglalaman ng good o malusog na bacteria na makatutulong sa iyong oras at kabuuang kalusugan. Ang good bacteria sa yoghurt ay maaari ding makatulong sa paghinto ng paglaki ng candida. Maibabalik niyo ang maayos na balance ng good bacteria sa bibig. 
  • Lemon juice: Sinasabi na ang lemon juice ay may antifungal at antiseptic na lumalaban sa fungus na nagsasanhi ng thrush at puting marka. Nakita ng pag-aaral noong 2009 ang pagiging mas epektibo ng lemon juice sa oral thrush kaysa gentian violet sa mga pasyenteng may HIV. Gayunpaman, ito ay nangangailangan pa ng iba pang pananaliksik upang mapatunayan. 
  • Oregano oil: Naglalaman ng antifungal at antimicrobial ang oregano oil na nakatutulong sa ilang paraan. Ayon sa Georgetown University Medical Center sa Washington, USA, nakita ng mga doktor na epektibo ang oregano oil laban sa Candida albicans, subalit pananaliksik na ito ay isinagawa sa daga at nangangailangan ng iba pang pag-aaral.
  • Honey: Ang honey ay naglalaman ng anti-inflammatory at antibacterial na pumupuksa sa bacteria na nagdudulot ng pagdurugo sa gilagid. Regular na maglagay ng honey sa gilagid upang gamutin ang nagdurugong gilagid. 
  • Turmeric: Ang turmeric ay naglalaman ng curcumin, isang makapangyarihang antioxidant na may anti-inflammatory na kakayahan. Ayon sa pag-aaral noong 2010, ang curcumin ay may antifungal properties at lumalaban sa candida abicans at non-albicans species ng candida kung sasamahan ng piperine. 

Matuto pa tungkol sa Oral Health Issues dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

White tongue, https://www.drugs.com/mcs/white-tongue, Accessed on July 7, 2020

White tongue, https://www.nchmd.org/education/mayo-health-library/details/SYM-20050676, Accessed on 07/07/2020

White tongue, https://www.mayoclinic.org/symptoms/white-tongue/basics/causes/sym-20050676#:~:text=White%20tongue%20is%20the%20result,enlarged%20and%20sometimes%20inflamed%20papillae., Accessed on July 7, 2020

White Tongue, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17654-white-tongue, Accessed on July 7, 2020

Antifungal Activities of Origanum Oil Against Candida Albicans, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11855736/, Accessed on July 7, 2020

Kasalukuyang Version

09/20/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Bulok na Ngipin: Ano ito, Saan Galing, at Paano ito Nabubuo?

Paano Tanggalin ang mga Mantsa sa Ngipin? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement