Maraming tao ang pamilyar sa dental braces, o sa devices na gumagamit ng wires na nakatutulong upang matuwid ang mga ngipin. Sa kabila ng pagiging isang karaniwang bagay, marami pa ring mga tao ang nagtatanong, “Paano gumagana ang braces?”
Basahin ang artikulong ito malaman kung ano ang braces, para saan ito, at kung ano ang maaaring mangyari kung hindi gagamit ng mga ito.
Para Saan Ang Braces?
Bago alamin ang sagot sa tanong na “Paano gumagana ang braces?” kailangan munang maunawaan kung para saan ang dental braces.
Ang dental braces, kadalasang tinatawag na braces, ay ginagamit upang makatulong na pantayin at tuwirin ang mga ngipin. Bagama’t maaaring ito ay tila alalahaning cosmetic, ito ay totoong mas importante kaysa ating inaakala.
Ito ay dahil ang pagkakaroon ng hindi pantay-pantay na mga ngipin ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa pagkagat. Maaari itong humantong sa:
Ang braces ay ginagamit habang bata pa ang isang indibidwal. Ito ay dahil mas madaling pantayin ang mga ngipin habang bata at ang mga buto ay mas malambot kaysa kung tumanda na at kung kumpleto na ang set ng mga ngipin. Gayunpaman, posible pa ring maitama ang pagkagat ng isang nakatatanda sa tulong ng braces. Maaaring maging mas matagal ang proseso, o mangailangan ng komplikadong mga proseso tulad ng operasyon.
Paano Gumagana Ang Braces?
Ang braces ay device na kadalasang gawa sa stainless steel wires at brackets na nakadikit sa mga ngipin gamit ang espesyal na semento. Kung nakadikit na ang braces, nagbibigay ito ng pressure sa ngipin ng isang tao upang maigalaw ito isang tiyak na direksyon. Sa ilang mga kaso, ginagamit din ang elastic bands at maging ang springs upang magbigay ng karagdagang pwersa sa ngipin.
Maaaring umabot ng isa hanggang dalawang oras upang mailagay ang braces. Ito ay dahil kailangang isaalang-alang ng dentista ang puwersang ilalagay niya sa ngipin, maging sa direksyon kung saan ito dadalhin.
Ang braces ay maaari ding maging sanhi ng pananakit o hindi komportableng pakiramdam sa unang beses na mailagay ito o kung ito ay i-adjust. Ito ay dahil sa pwersang ibinibigay nito sa ngiping iginagalaw. Kadalasan, ang mga gamot na walang reseta ay maaaring gamitin upang maibsan ang sakit na dulot ng braces.
Kapag gumalaw na ang ngipin, magsisimulang lumaki ang buto sa espasyong dating sakop ng ngipin. Sa pamamagitan nito ay naiiwasang bumalik ang ngipin sa orihinal nitong pwesto. Sa ilang mga kaso, maaaring kailanganing bunutin ang ngipin upang makaliha ng espasyo para sa ngiping ililipat.
Karamihan sa mga pasyente ay nangangailangang gumamit ng braces sa loob ng 12 hanggang 24 buwan. Gayunpaman, karaniwan sa ilang mga pasyente ay gumamit ng braces nang mas matagal. Posible ring gumalaw ang ngipin matapos tanggalin ang braces. Kaya naman dapat regular na bumisita ang pasyente sa dentista matapos tanggalin ang braces, maging ang retainers, hanggang sa ipayo ng doktor na itigil na ang konsultasyon.
Kailangan Ba Talaga Ang Braces?
Marami ang nag-iisip na ang braces ay pagsasayang lamang ng pera o para lamang magpaganda. Bagama’t totoong mahal ang magpa-braces, at nakatutulong ito sa pagpapaganda ng ngiti ng isang tao, higit pa rito ang mga benepisyo nito.
Sa pamamagitan din ng braces, ang isang taong may hindi pantay-pantay na mga ngipin ay mas madadaliang ngumuya ng pagkain nang walang anomang sakit o hindi komportableng pakiramdam. Ang pagkakaroon ng pantay-pantay na mga ngipin ay nakapagpapabuti rin ng pagkagat ng isang tao. Natitiyak din nitong hindi makararanas ang isang tao ng paghihirap mula sa anomang strain o pagsakit ng muscle na dulot ng hindi pantay na pagkagat.
Ang hindi pantay na pagkagat ay maaaring maging sanhi ng pangigigil sa ngipin, pagkabulok ng ngipin, sakit sa gilagid, at mga problema sa buto ng panga. Kaya mahalagang magpalagay ng braces sa lalong madaling panahon dahil maaari nitong lubhang mapabuti ag kalidad ng buhay ng isang tao.
Key Takeaways
Sa usapin ng braces, ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay hindi lamang ito para sa pagpapaganda. Nakapagpapataas din ito sa kumpiyansa ng isang tao. Gayundin, nakatutulong ito upang mapigilan ang pagsakit at hindi komportableng pakiramdam sanhi ng hindi pantay-pantay na mga ngipin.
Maaaring maging matagal bago masanay sa paggamit ng braces. At maaaring maging masakit sa unang paglalagay nito o sa pag-adjust nito. Gayunpaman, ang mga benepisyo nito ay lubhang kapaki-pakinabang.
Matuto pa tungkol sa Cosmetic Dentistry dito.