Para saan ang orthodontic braces? Ang orthodontic o dental braces ay “wire-based appliances” na ginagamit upang mapabuti ang hindi pantay na kagat, bako-bakong ngipin, o may masyadong malaking espasyo sa pagitan ng mga ngipin. Sa pagsasaayos ng ganitong kondisyon, nagkakaroon ng mabuting kalusugan at hitsura ng ngipin. Karaniwan, naayos rin ng dental braces ang paraan ng pagsasalita at pagnguya ng isang tao. Heto ang maaari mong asahan bago, habang at pagkatapos ng pagkakaroon mo ng orthodontic braces.
Referral
Sa regular dental check-up mo, maaaring ipaalam ng iyong dentista na makatutulong sa iyo at kung para saan ang orthodontic braces. Ire-refer ka niya sa isang orthodontist, ang dentista na dalubhasa sa pagsusuri, paggamot, at pag-iwas sa hindi pagkakatugma ng panga at ngipin.
Syempre, posible rin na piliin mong magpa-brace ng sa iyo. Lalo na kung ang inaalala mo ay tulad ng uneven bite o crooked teeth. Kung ganoon, maaaring hindi mo kailangan ng referral kung para saan ang orthodontic braces. Maaari kang makipag-ugnayan sa isang pinagkakatiwalaang orthodontist at magtakda ng appointment sa kanya.
Konsultasyon
Ang susunod na hakbang sa pagkakaroon ng iyong orthodontic braces ay ang pagkonsulta sa orthodontist.
Na-refer ka man ng iyong dentista o pumili ka ng sarili mong orthodontist, kailangan mo pa ring ipaliwanag nang detalyado ang sitwasyon mo. Sabihin sa kanya ang mga bagay tulad ng discomforts na nararamdaman mo. At kung kailan nagsimulang maranasan ito. Dalhin ang iyong latest dental x-rays, kung mayroon at mga kaugnay na resulta ng laboratoryo.
Upang masuri ang alignment ng mga ngipin at panga mo, hihilingin sa iyo ang pagkagat ng ilang minuto sa rubber material. Ito ay upang makagawa ng modelo ng plaster ng iyong mga ngipin. Maaari rin silang mag-order ng dental x-ray o digital scan ng iyong bibig.
Pagkatapos ng masusing pagsusuri, tutukuyin ng orthodontist kung talagang kailangan mo ng dental braces o mangangailangan ng ibang paggamot. At kung para saan ang orthodontic braces.
Kung kailangan mo ng orthodontic braces, gagamitin nila ang mold at scan para i-set up ang iyong treatment plan. Gayundin upang gumawa ng mock-up ng mga braces.
Pagtatakda ng Timeline
Sa ilang mga kaso, hindi ka didiretso mula sa konsultasyon papunta sa pagpapalagay ng braces. Maaaring kailangang ipalinis ang iyong mga ngipin sa isang propesyonal ilang araw bago ang paglalagay ng braces.
Bukod pa rito, kung makakita ang orthodontist ng ilang bagay na kailangang unahin, maaaring ipagpaliban ang pagkakabit. At hanggang sa maayos ang lahat. Halimbawa, kung “overcrowded,” ang iyong bibig, maaaring payuhan ka na magpabunot ng ngipin. Ito ay para magkaroon ng sapat na espasyo sa panga para sa mga ngipin.
Maaaring kailanganin ding bunutin ang ngipin kung may impacted wisdom teeth ka. Ito ay pwedeng magdulot ng unwanted forward pressure at paggalaw ng iyong posterior teeth.
Para saan ang orthodontic braces
Sa araw na magpapa-brace ka, huwag kalimutang mag-brush at floss ng iyong mga ngipin. Worried ka ba sa injections? Tandaan na hindi kailangan ang mga karayom sa procedure. Bukod pa rito, karamihan sa mga tao ay hindi nakararanas ng sakit, bagaman may mga ulat na may pressure.
Narito ang overview ng mga mangyayari:
- Gagamit ang orthodontist ng retractor para komportableng nakabuka ang iyong bibig. Nakakatulong din ito na panatilihing tuyo ang bibig.
- Pagkatapos ay maglalagay siya ng mild solution sa bawat ibabaw ng ngipin bago banlawan.
- Pagkatapos, ang orthodontist ay maglalagay ng pandikit sa bawat ngipin at ang bracket ay ilalagay sa ibabaw ng pandikit.
- Ang mga labis na pandikit ay aalisin at ang natitira ay gagamutin ng espesyal na ilaw.
- Habang nakalagay ang lahat ng bracket, sisimulan ng orthodontist ang pag-thread ng wire sa bawat bracket. Tandaan na ang prosesong ito ay nag-iiba depende sa uri ng braces na kailangan mo.
Karaniwang tumatagal ang buong proseso ng 90 hanggang 120 minutes.
Aftercare
Pagkatapos ng paglalagay ng orthodontic braces, bibigyan ka ng instructions para sa aftercare. Tandaan na kakailanganin mo ng ilang oras para masanay sa pagsusuot ng braces at baka hindi ka komportable sa mga unang araw.
Kung makaramdam ka ng konting discomfort, banlawan ang iyong bibig ng warm saltwater. Maaari ka ring kumain ng malambot, malamig na pagkain tulad ng yogurt at ice cream. Maaari ring magreseta sa iyo ang orthodontist ng gamot na pampawala ng sakit.
Tandaan at sunding mabuti ang instructions ng orthodontist tungkol sa brushing at flossing ng ngipin mo. Malamang na kailangan mong bumili ng mga orthodontic toothbrush na may concave tips upang linisin ang iyong mga ngipin at ibabaw ng braces. Available din ang espesyal na flosses para sa mga taong may braces.
Samantala, iwasan ang mga chewy, sticky, at matitigas na pagkain na nangangailangan ng malaking pagkagat o maraming pagnguya. Piliin ang mga pagkaing tulad ng pudding, mashed potatoes, at sopas. Sa paglipas ng araw, mas makakain mo na ang iba pang mga uri ng pagkain.
Key Takeaways
Makakatulong na malaman kung para saan ang orthodontic braces, para sa iyo o sa kakilala mo na kailangan nito. Tandaan din ang mga aftercare na dapat gawin. Huwag kalimutang pumunta sa dental appointments mo pagkatapos ng paglalagay ng orthodontic braces. Sa ganitong paraan, makikita kaagad ng orthodontist ang anumang alalahanin at sasabihin sa iyo ang oral care na kailangan mo.
Matuto pa tungkol sa Cosmetic Dentistry dito.
[embed-health-tool-bmr]