Ang bulutong o chickenpox ay nagsisimula sa chickenpox rash. Mahalagang matukoy ang chickenpox rash dahil ito ay lubhang nakakahawa. Paano malalaman kung bulutong at paano ito gagamutin? Basahin dito.
Ano ang chickenpox?
Ang bulutong ay isang pangkaraniwang childhood infection. Gayunpaman maaari itong maging malubha sa mga matatanda kung hindi magagamot.
Ito ay tumatagal ng humigit-kumulang 10 hanggang 21 araw mula sa exposure hanggang sa paglabas ng mga sintomas. Ito ay unang lumalabas na makating chickenpox rashes na nagiging mga paltos na puno ng likido. Sa panahong ito, ang taong may bulutong-tubig ay nakakahawa at dapat maging maingat kapag nakikipag-ugnayan sa kanila. Ito ay natutuyo at nagiging scabs pagkatapos ng 5 hanggang 7 araw.
Chickenpox Rash at iba pang Sintomas
Ilan sa mga palatandaan at sintomas bukod sa pantal ng bulutong-tubig ay ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Pagkawala ng ganang kumain
- Panghihina o ang pakiramdam ng pagkahapo
- Sakit ng ulo
- Namumulang mga pantal o papules na siyang maagang senyales ng bulutong-tubig
- Mga paltos na puno ng likido o vesicles
- Mga galis na resulta mula sa mga natuyong paltos.
Chickenpox Rash ba yan?
Mga Sanhi ng Chickenpox
Paano malalaman kung bulutong? Ang bulutong-tubig ay sanhi ng varicella-zoster virus o VZV. Ito ay lubos na nakakahawa at maaaring maipasa sa ibang tao sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa taong may sakit. Lalo na kapag nalantad sa mga likido sa mga paltos. Maaari rin itong maipasa sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing.
Ang parehong virus ay maaari ding maging sanhi ng shingles, na nakakaapekto sa karamihan sa mga adults.
Mga Panganib at Komplikasyon
Ang mga panganib at komplikasyon ng bulutong-tubig ay kadalasang nangyayari sa mga matatanda. Karamihan sa mga taong nagkaroon na ng bulutong-tubig ay nagiging immune sa impeksyon. Ngunit sa ilang mga kaso, ang virus ay muling nagiging aktibo at nagiging sanhi ng shingles. Ang mga taong may mahinang immune system tulad ng cancer patients, ay may mas mataas na pagkakataong magkaroon ng bulutong-tubig. Kaya mahalaga kung paano malalaman kung bulutong.
Ang ilan sa mga karaniwang komplikasyon ng bulutong-tubig ay nangyayari kapag ito ay nakakaapekto sa ibang mga organs sa katawan. Sa mga bihirang kaso, maaari pa itong maging sanhi ng kamatayan.
Kasama sa mga komplikasyon ang:
- Peklat kapag gumaling ang scabs
- Pneumonia o impeksyon sa baga
- Cellulitis o bacterial infection sa balat
- Encephalitis o pamamaga ng utak
- Cerebellar ataxia o mga problema sa muscular coordination
- Transverse myelitis o pamamaga ng spinal cord
Paggamot ng bulutong-tubig
Laging pinakamahusay na kumunsulta sa isang doktor. Ito ay para matiyak ang tamang paggamot at kung paano malalaman kung bulutong. Humingi ng payo sa doktor kapag nag-aalaga ng mga batang may bulutong-tubig. Ito ay dahil may mga partikular na gamot tulad ng aspirin at ibuprofen na hindi dapat ibigay sa mga bata.
Karamihan sa mga paggamot na iminungkahi para sa bulutong-tubig ay para bawasan ang discomfort. Sa mga normal na kaso, ang mga sumusunod ang mga payo:
- Bed rest
- Pag-aapply ng medicated lotion para sa pangangati
- Pag-inom ng maraming likido para maiwasan ang dehydration
- Pag-iwas sa pagkamot ng mga paltos para maiwasan ang pagsalin ng virus at pagkakapilat.
Gayunpaman, hindi na kailangang maghintay na magkaroon ng chickenpox rash. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang bulutong-tubig ay ang mabakunahan sa lalong madaling panahon. Available ang mga ito para sa mga bata at maging sa mga matatanda na hindi pa nakakaranas ng impeksyon.