backup og meta

Alamin: Nagagamot ba ang Rabies?

Alamin: Nagagamot ba ang Rabies?

Ang unang sintomas ng rabies ay tulad ng mga sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat at sakit ng ulo. Sa mga huling yugto, ang pasyente ay maaaring makaranas ng takot sa tubig, hallucination, hyperactivity, hirap sa paglunok, labis na paglalaway, at partial paralysis. Ayon sa mga eksperto, kapag lumitaw ang mga sintomas, hindi mapipigilan ang rabies sa pagkitil sa buhay ng isang tao. Nagagamot ba ang rabies? Alamin dito. 

Ano ang Rabies?

Ang rabies ay viral infection na nakukuha mula sa mga hayop patungo sa mga tao.

Mayroong dalawang anyo ng impeksyon sa rabies ng tao: paralytic at frantic  (tinatawag ding galit na galit). Sa dalawa ito, ang mas karaniwan ay frantic rabies, ito ay sa 80% ng lahat ng mga kaso.

Ang paralytic rabies ay nagreresulta sa panghihina ng muscles at sa huli ay pagkalumpo.

Sa kabilang banda, ang frantic o furious rabies ay humahantong sa hyperactivity, mga panahon ng pagkabalisa, labis na paglalaway, takot sa tubig, at kung minsan, takot sa hangin.

Paano nakukuha ng tao ang impeksyon sa rabies?

Bago natin pag-usapan kung nagagamot ba ang rabies, pinakamainam na malaman kung ano talaga ang sanhi nito. Ang rabies infection ay nagmumula sa laway ng mga hayop na may taglay na rabies. Gayunpaman, posible ring magkaroon ng rabies kapag ang hayop na may rabies ay dumila sa sugat o broken skin, o ang lining ng bibig at ilong.

Ayon sa World Health Organization, 96% ng lahat ng impeksyon sa rabies ng tao sa Timog Silangang Asya ay nangyayari dahil sa kagat ng aso. Ngunit tandaan na ang mga pusa, mongooses, fox, paniki, at iba pang mga carnivorous na hayop ay maaari ding may dalang virus.

Gamot sa rabies: Mayroon ba nito?

Ngayon, narito ang tanong: Nagagamot ba ang rabies?

Sa kasamaang palad, kapag lumitaw ang mga sintomas, ang rabies ay hindi mapipigilan, na halos 100% ng mga kaso ay humahantong sa kamatayan.

Ang mabuting balita ay, ang rabies virus ay hindi agad na sumasalakay sa nervous system pagkatapos ng isang kagat, scratch, o pagdila. Kung gaano katagal bago madikit ang virus sa isang nerve cell ay nag-iiba. Kadalasan, depende ito sa lokasyon ng apektadong site (kung gaano kalayo ito sa utak) at ang uri ng rabies virus.

Ayon sa WHO, ang mga sintomas ay nagsisimulang lumitaw saan man mula 7 araw hanggang 1 taon, ngunit karaniwan sa pagitan ng 2 hanggang 3 buwan.

Ang oras bago maabot ng virus ang nervous system ay mahalaga. Binibigyan nito ang pasyente ng oras para magkaroon ng post-exposure prophylaxis. Nakakatulong itong pigilan na mangyari ang impeksyon.

Ano ang gagawin kung ikaw ay nakagat o nakalmot

Kung pinaghihinalaan mo na na-expose ka sa rabies, lalo na kung may mga marka, humingi kaagad ng medikal na tulong.

Karamihan sa mga ospital sa Pilipinas ay mayroong Animal Bite Center kung saan maaari kang masuri at magamot gamit ang post-exposure prophylaxis (PEP). Ang PEP ay binubuo ng pagbabakuna laban sa rabies at immunoglobulin ng rabies.

Nasa ibaba ang mga kategoryang itinakda ng WHO:

Category 1

Paglalarawan: Pagpapakain o paghipo ng mga hayop, pagdila sa balat.

Paggamot: Hindi kailangan

Category 2

Paglalarawan: Nginatngat na balat, bahagyang mga gasgas o gasgas na walang pagdurugo

Paggamot: Lokal na paggamot ng sugat at agarang pagbabakuna

Category 3

Paglalarawan: Isa o maramihang mga gasgas o kagat, pagdila sa broken skin, kontaminasyon ng lining ng bibig at ilong mula sa pagdila, pagkakalantad sa mga paniki.

Paggamot: Lokal na paggamot sa sugat, agarang pagbabakuna, at pagbibigay ng rabies immunoglobulin.

Paano maiwasan ang impeksyon sa rabies

Nagagamot ba ang rabies? Bagama’t hindi mo mapapagaling ang rabies kapag nagsimula na ang mga sintomas, maiiwasan mo ito sa pamamagitan ng:

  • Pagbabakuna sa iyong mga aso. Sinasabi ng mga eksperto na hindi mo kailangang kumuha ng PEP kung hindi ang bisa ng bakuna sa asong nakakagat sa iyo ay nakumpirma sa pamamagitan ng laboratory tests.
  • Pag-iwas sa mga ligaw na hayop.
  • Panatilihing nakakulong o pinangangasiwaan ang iyong mga alagang hayop. Ito ay upang makaiwas sa mga hayop na may rabies.
  • Pag-uulat ng mga ligaw na hayop sa mga awtoridad.
  • Pagpapabakuna kung naglalakbay ka sa isang lugar kung saan karaniwan ang rabies.

Key Takeaways

Nagagamot ba ang rabies? Maaaring walang lunas sa rabies, ngunit gaya ng tinalakay, available ang post-exposure prophylaxis.
Ang pagbabakuna, ay halos palaging epektibo sa pagpigil sa impeksyon ng rabies mula sa pagsalakay sa nervous system. Kasama dito ang wastong pangangalaga sa sugat at pagbibigay ng immunoglobulin. 
Dahil dito, pumunta kaagad sa pinakamalapit na ospital o Animal Bite Center kung pinaghihinalaan mo ang pagkakalantad sa rabies.

Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Frequently Asked Questions on Rabies
https://www.who.int/rabies/resources/SEA_CD_278_FAQs_Rabies.pdf
Accessed May 24, 2021

Treatment
https://www.who.int/rabies/about/home_treatment/en/
Accessed May 24, 2021

What are the signs and symptoms of rabies?
https://www.cdc.gov/rabies/symptoms/index.html
Accessed May 24, 2021

RABIES VIRUS: CAN WE TREAT THE UNTREATABLE?
https://microbiologysociety.org/blog/rabies-virus-can-we-treat-the-untreatable.html
Accessed May 24, 2021

Rabies
https://www.nhs.uk/conditions/rabies/
Accessed May 24, 2021

Rabies
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/rabies/symptoms-causes/syc-20351821
Accessed May 24, 2021

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Kristina Campos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Smallpox? At Paano Ito Naiiba Sa Chickenpox At Monkeypox?

Nakahahawa ba ang pagkakaroon ng shingles o kulebra?


Narebyung medikal ni

Kristina Campos, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement