
Anu-ano ang mga pag-iwas na pwedeng gawin?
Narito ang shortlist na pwedeng gawin upang makaiwas sa Marburg virus:
- Pag-iwas sa mga lugar na nagkaroon ng Ebola at Marburg outbreaks
- Maghugas ng kamay nang wasto
- Iwasan ang bush meat
- Umiwas sa mga taong infected ng virus
- Sumunod sa infection-control procedures
- Iwasan ang pagsama sa paghahanda ng burol ng mga taong namatay dahil sa marburg virus
Marburg virus vs. Ebola virus
Ang Ebola virus at Marburg virus ay related viruses na pwedeng maging sanhi ng hemorrhagic fevers, matinding pagdurugo, organ failure, at maging dahilan ng kamatayan. Ayon din sa iba’t ibang artikulo at pag-aaral ang parehong virus na ito ay native sa Africa, at nabubuhay sa mga hayop (animal host).
Sa madaling sabi, ang mga nabanggit na virus ay maaaring makuha sa infected animals kung saan pagkatapos ng initial transmission, ang virus ay pwedeng kumalat [tao-sa-tao] sa pamamagitan ng kontak sa body fluids o mga maruruming bagay tulad ng mga infected needle o karayom.
Matatagpuan ang Ebola virus sa African monkeys, chimps, at iba pang nonhuman primates habang ang milder strain ng Ebola ay nadiskubre sa mga unggoy at baboy sa Pilipinas. Samantala ang Marburg virus ay makikita naman sa mga chimps, unggoy, at fruit bats sa Africa.
Sa ngayon wala pang ebidensya na nagsasabi na pwedeng kumalat ang parehong virus sa pamamagitan ng insect bites, at ang mga taong na-diagnose na may Ebola at Marburg virus ay dapat tumanggap ng supportive care at treatment para sa mga komplikasyon.
Key Takeaways
Kapwa mapanganib ang ebola at marburg virus dahil pareho silang nakakasagabal sa abilidad ng immune system na labanan at protektahan ang tao sa sakit. Gayunpaman, hindi maintindihan ng mga scientist kung bakit ang ilang mga tao ay nakaka-recover mula sa 2 virus na ito habang ang iba naman ay hindi. Sa oras na makaramdam ng mga sintomas na may kaugnayan sa ebola at marburg virus magpakonsulta na agad sa doktor para sa agarang medikal na atensyon at payo.
Matuto pa tungkol sa Nakahahawang Sakit dito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap