backup og meta

Stages ng TB Meningitis: Kahalagahan ng Maagang Pagtuklas

Stages ng TB Meningitis: Kahalagahan ng Maagang Pagtuklas

Ano ang TB meningitis?

Ang tuberculosis (TB) meningitis o TBM ay malubhang uri ng tuberculosis. Nangyayari ito kapag ang bacteria Mycobacterium tuberculosis, na karaniwang nakakahawa sa mga baga, at kumakalat sa lymph nodes at sa daluyan ng dugo. Ang bacteria ay gumagalaw papunta sa meninges, o sa protective layers na sumasakop sa utak at pagtagal ay nai-infect ang brain tissues. Kung hindi magagamot agad, ang impeksyon ay maaaring magdulot ng pagtaas ng pressure sa loob ng bungo. Maaari itong magresulta sa brain tissue damage. 

Ang TB Meningitis ay mas laganap sa mga bata kaysa sa mga adult. Ang mga taong infected ng tuberculosis at/o human immunodeficiency virus (HIV) ay madaling magkaroon ng TB meningitis. Madaling kapitan ng sakit na ito ang mga taong may mahinang immune system.

Ang TB meningitis ay nagpapatuloy sa tatlong stages, ayon sa binuo ng British Medical Council. Ang mga sintomas ay nagiging mas komplikado habang ang sakit ay unti-unting nakahahawa sa katawan. Habang nagpapatuloy ang isang tao sa tatlong stages ng TB meningitis, tumataas ang posibilidad ng permanenteng pinsala sa utak at kamatayan.

Mga Stages ng TB Meningitis

Stage 1 – Mga di-tiyak na sintomas

Sa stage na ito, ang taong infected ng TB meningitis ay magpapakita ng mga sintomas na maaaring maiugnay sa maraming iba’t ibang sakit. Maaaring magsimula ang isang tao sa isa sa mga sintomas na ito at pagtagal ay mas magpakita habang lumalala ang sakit. Ang mga sintomas sa stage 1 TB meningitis ay:  

  • Pagkairita
  • Pagkapagod
  • Patuloy na pananakit ng ulo
  • Malaise
  • Low-grade fever
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka

Stage 2 – Binago ang kamalayan na may mga minor focal neurological symptoms 

Sa stage na ito ng TB meningitis, ang pasyente ay magsisimulang magpakita ng mga palatandaan at sintomas ng dysfunction sa central nervous system (utak at spinal cord).

  • Meningism– May pamamaga sa protective barrier ng utak na nagdudulot ng pananakit ng ulo, paninigas ng leeg, at pagkasensitibo sa liwanag. Maaaring mayroon ding pagduduwal at pagsusuka.
  • Focal neurological deficits – Na maaaring kabilang ang cranial nerve palsies, panghihina sa paa o bahagi ng katawan
  • Pagkalito – Maaaring hindi makilala ng taong nahawaan ng TB meningitis ang oras o lugar kung saan sila naroroon.
  • Abnormal Involuntary MovementsPanginginig sa mga kamay at iba pang bahagi ng katawan. Ang tao ay maaari ring makaranas ng hindi sinasadya, paulit-ulit, maikli, hindi regular na paggalaw sa katawan (chorea). Maaaring maranasan ang dystonia o involuntary contraction sa bibig at mukha gaya ng pagngangalit ng ngipin at hirap magsalita.

Stage 3 – Halos walang lebel ng kamalayan na may mga focal neurological symptoms

Sa stage na ito, ang TB meningitis ay nagdudulot ng matinding pamamaga sa utak. Ang mga komplikasyon tulad ng hydrocephalus o build-up ng fluid sa utak at cerebral vasculitis o pamamaga sa mga blood vessel walls ng utak ay malamang na mangyari.   

  • Coma – Estado ng matagal na walang malay kung saan ang tao ay hindi magising.
  • Mga seizure – Pakisay-kisay na paggalaw sa katawan na dulot ng hindi nakokontrol na electric disturbance sa utak.
  • Delirium – Nabawasan ang kamalayan at kakayahang tumugon. Maaaring mukhang nalilito sa lugar at oras, hindi makapagsalita o makapag-isip nang malinaw, at humina ang memorya.
  • Abnormal na Posturing – Involuntary na pagbaluktot ng mga braso at binti.
  • Mga Abnormal na Paggalaw – Maaaring makaranas ang tao ng panginginig, chorea, at o dystonia.

Habang ang isang tao ay dumaan sa stages ng TB meningitis,  ang pagkakataong mabuhay ay paliit nang paliit. Ito ang dahilan kung bakit kailangang masuri ang TB meningitis sa lalong madaling panahon.

Pag-diagnose ng TB meningitis

Karaniwang pinapagawa ng mga doktor ang brain scan (MRI o CT Scan) upang makita kung ligtas gawin ang lumbar puncture. Ang procedure na ito ay mahalaga upang masuri nang tama ang meningitis. Kabilang dito ang pagpasok ng karayom sa iyong ibabang likod sa pagitan ng lumbar spine upang makakuha ng sample ng cerebrospinal fluid (CSF). Pagkatapos ay sinusuri ang CSF para sa Mycobacterium tuberculosis.

Paggamot

Ang paggamot para sa TB meningitis ay maaaring tumagal ng isang taon o higit pa depende sa iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng kalubhaan, co-infection sa HIV, at tugon ng pasyente. Ang multidrug-resistant tuberculosis ay maaari ring magdulot ng mga komplikasyon sa paggamot.

Maaaring gumamit ang mga doktor ng kumbinasyon ng mga antibacterial na gamot upang patayin ang bakterya at bawasan ang anumang pamamaga sa meninges.  Maaari ring makatulong sa pamamaga sa utak ang paggamit ng corticosteroids.

Ang isang taong infected ng TB meningitis ay nasa panganib na magkaroon muli ng sakit kaya maaaring mangailangan ito ng habambuhay na pagsubaybay kapag gumaling na ang tao.

Key Takeaway

Ang TB meningitis ay malubhang anyo ng TB infection kung saan ang bakterya ay pumasok sa daluyan ng dugo at umabot sa utak. May tatlong stages ng TB meningitis. Habang lumalala ang sakit, mas lumiliit ang posibilidad na mabuhay ang pasyente. Ang TB meningitis ay magagamot lalo na kung maagang malaman.

Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Treatment of Tuberculous Meningitis and Its Complications in Adults, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5830467/

Accessed February 9, 2021

 

TREATMENT OF TUBERCULOUS MENINGITIS, https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/266095/PMC2553940.pdf?sequence=1&isAllowed=y

Accessed February 9, 2021

 

Tuberculous meningitis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4121465/

Accessed February 9, 2021

 

Meningitis, Tuberculous, https://rarediseases.org/rare-diseases/meningitis-tuberculous/#:~:text=Tuberculous%20Meningitis%20(TBM)%20is%20a,bacterium%20known%20as%20Mycobacterium%20tuberculosis.

Accessed February 9, 2021

 

Meningitis – tuberculous, https://medlineplus.gov/ency/article/000650.htm

Accessed February 9, 2021

 

Tuberculous meningitis in children: Clinical management & outcome, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6829784/

Accessed February 9, 2021

 

Tuberculous meningitis: advances in diagnosis and treatment, https://doi.org/10.1093/bmb/ldv003

Accessed February 9, 2021

Kasalukuyang Version

03/05/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ika Villanueva Caperonce, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Mga Sintomas Ng TB Meningitis Na Kailangang Bantayan

Ano ang TB Meningitis? Lahat ng Kailangan Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Ika Villanueva Caperonce, MD

Infectious Disease · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement