Ano ang TB meningitis? Ang tuberculous meningitis, o TB meningitis, ay isang uri ng meningitis na nagiging sanhi ng pamamaga sa mga membrane na bumabalot sa utak o spinal cord, na tinatawag ding meninges. Ang pamamaga ng meninges ay sanhi ng bakterya na Mycobacterium tuberculosis. Ito ay nakaka-infect sa mga membrane at pagkalipas ay nagkakaroon ng impeksyon. Kadalasan, ang pamamaga ng membrane ay nagdudulot ng sakit ng ulo, mataas na lagnat, at biglaang stiff neck.
Maaaring tumagal ng mga araw o taon bago mapansin ang mga unang senyales ng meningitis, na nagpapahirap sa pag-diagnose nito.
Kahit sino ay posibleng magkaroon ng TB meningitis. Ngunit mas malamang ito sa mga bata at mga taong may mahinang immunity. Mas karaniwan din ito sa developing countries na ang TB ay endemic pa rin.
Ano ang TB meningitis: Mga Sanhi
Ang TB meningitis ay maaaring magresulta mula sa isang taong nalalanghap ang bakterya mula sa isang taong infected ng tuberculosis. Maaari rin itong makaapekto sa isang taong nahawaan na ng tuberculosis.
Ang bakterya mula sa localized infection mula sa mga baga ay maaaring kumalat sa lymph nodes at sa ibang bahagi ng katawan. Maaari silang kumalat sa mga membrane ng utak at spinal kung saan sila ay nagkakaroon ng maliliit na abscesses na nagdudulot ng TB meningitis.
Ano ang TB meningitis: Mga sintomas
Depende sa immunity o resistensya ng katawan ng isang tao, ang mga sintomas ay karaniwang mabagal lumabas. Ngunit mas nagiging kapansin-pansin o malala habang tumatagal. Ano ang TB meningitis? Ang TB meningitis ay nagdudulot ng mga sumusunod:
- Malala o paulit-ulit na pananakit ng ulo
- Pagbaba ng timbang
- Fatigue
- Panghihina ng katawan o pananakit ng muscles
- Pagkawala ng gana
- Maaaring may mga sintomas ng kaakibat ng sakit sa baga tulad ng ubo
Kapag lumala na ang impeksyon, maaaring mapansin ang mga sumusunod na sintomas:
- Stiff neck
- Pagkalito at mga pagbabago sa mental status
- Pagsusuka
- Seizures
- Focal neurological signs
Dahil sa unti-unti at mabagal na katangian ng sakit, ang TB meningitis ay maaaring maging mahirap na masuri at nangangailangan ng paggamot sa sandaling makita ang mga posibleng sintomas.
Risk Factors
Bagaman mas karaniwan ang TB meningitis sa ilang partikular na age groups at lugar, maaaring magkaroon nito ang sinuman. Ang mga salik na maaaring magpataas ng tyansang magkaroon ng TB meningitis ay ang mga sumusunod:
- TB ng mga baga (pulmonary tuberculosis)
- Nanghina ang immune system
- HIV/AIDS
- Diabetes
- Poor living conditions
- Labis na pag-inom ng alak
Ang mga sumusunod na tao ay may mas mataas na pagkakataong ma-diagnose ng sakit:
- Mga hindi nabakunahang sanggol at mga bata na may close contact sa pamilya na ipinanganak sa isang bansang may mataas na saklaw ng TB
- Mga taong ang mga trabaho ay may kinalaman sa pagkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga infected TB patients o mga hayop.
Diagnosis
Sa oras ng pagsusuri, magtatanong ang doktor tungkol sa mga sintomas ng pasyente, at medical history. Susundan ito ng physical exam.
Ang doktor ay dapat magsagawa ng karagdagang mga pagsusuri upang makumpirma kung ang pasyente ay positibo sa sakit.
Karaniwang ginagawa ang chest x-ray at CT o MRI scan ng ulo. Kasama rin ang lumbar puncture, na kilala rin bilang spinal tap. Ito ay ang pagkuha ng doktor ng spinal fluid mula sa lower back upang direktang imbestigahan ang sanhi ng meningitis. Ang biopsy sa utak ay karaniwang hindi kinakailangan.
Susuriin din ng doktor ang mga kondisyon na maaaring magpahina sa immunity mo ( hal. diabetes, HIV/AIDS) dahil ang pagtugon dito ay magiging susi sa paggamot.
Paano maiiwasan ang TB meningitis
Pagbabakuna ang isang epektibong paraan upang maiwasan ang sakit. BCG ang bakuna para sa TB. Ito ay karaniwang inirerekomenda sa lahat ng bagong silang. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng TB at pinapababa ang kalubhaan ng iba’t ibang uri ng TB. Nananatiling isang malaking problema ang TB, kahit na ang bakuna ay ipinamamahagi sa buong PIlipinas. Ito ay dahil sa patuloy na pagkalat sa komunidad, mga puwang sa diagnosis, at hindi magandang pagsunod sa treatment.
Sa pagpapabakuna mo at sa iyong mga anak laban sa TB, maiiwasan ang anumang malubhang komplikasyon ng TB sa katawan.
Paano ginagawa ang treatment
Ang early signs kung ano ang TB meningitis ay mahirap malaman. Ito ay dahil sa mabagal nitong pag-unlad at mabagal na pagpapakita. Gayunpaman, ang maagang paggamot ay makakatulong sa paggaling ng isang tao.
- Kailangan ang pagpapa-ospital. Kailangang masuri at ma-test ka ng doktor nang maayos. Kinakailangan din ang malapit na pagmamasid at pagsubaybay.
- Ang mga pasyente ay iinom ng anti-TB medications. Ang pulmonary TB at TB meningitis ay nangangailangan ng parehong mga uri ng antibiotic na sanhi ng parehong causative agent. Karaniwang tumatagal ang gamutan ng humigit-kumulang siyam na buwan hanggang isang taon, gayunpaman, maaaring mas matagal kung mayroong drug-resistant TB.
- Dapat makumpleto ang gamutan. Ang pagsunod sa tamang oras sa mga iniresetang gamot ay kailangan upang maiwasan ang pagkabigo sa paggamot at antibiotic resistance. Kung nangyari ito, magiging mas mahirap na gamutin ang impeksyon at maaaring humantong sa mga malubhang komplikasyon.
Key Takeaway
Ano ang TB meningitis? Ang TB meningitis ay nagdudulot ng bacterial infection sa mga membrane na nakapalibot sa utak at spinal cord. Karaniwan ito sa developing countries na may mataas na bilang ng TB at HIV. Ang sakit ay nagdudulot ng pananakit ng ulo, stiff neck, pagkapagod, at kawalan ng gana. Kapag lumala na ang impeksyon, maaaring mangyari ang mga sintomas tulad ng pagsusuka at seizures.
Maaaring tumagal ng mga buwan, minsan taon, upang masuri ang sakit. Ang wasto at tuloy-tuloy na gamutan sa isang ospital ay kinakailangan upang labanan ang impeksyon.
Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit dito.
[embed-health-tool-bmi]