backup og meta

Paano Kumakalat Sa Hangin Ang COVID-19?

Paano Kumakalat Sa Hangin Ang COVID-19?

Ang pagkalat ng COVID-19 sa hangin ay hindi na isang sikreto. Kaya naman inirerekomenda ng mga eksperto ang pagsusuot ng masks tuwing lalabas ng bahay. Ipinapayo rin ang pag-iwas na pumunta sa mga indoor na lugar na walang tamang bentilasyon.

Bagama’t totoo na maaari pa ring mahawa ng COVID-19 sa mga outdoor na lugar, mas mababa ang tyansang mangyari ito. Ngunit bakit? At mayroon bang mga paraan upang manatiling ligtas sa mga indoor na lugar?

Pagkalat ng COVID-19 sa hangin: Paano ito nangyayari?

Noong una, inakalang ang mga tao ay maaaring magkasakit ng COVID-19 dahil sa pagiging close contact sa isang taong may sakit. Hindi pa natin alam noon na ang pagkalat ng COVID-19 sa hangin ay ang pangunahing paraan upang ang mga tao ay mahawa.

Sa tuwing ang taong may COVID-19 ay umuubo, nagsasalita, bumabahing, at humihinga, siya ay naglalabas ng droplets sa hangin. Ang mga ito ay may virus, at kung malanghap ng iba, sila ay maaaring mahawa.

Ang pagkalat ng COVID-19 sa hangin ay mas nangyayari sa mga indoor na lugar na walang anomang bentilasyon. Ito ay dahil ang droplets ay maaaring magtagal sa hanging hindi gumagalaw dahil hindi hinahangin. Lubhang napatataas nito ang tyansang mahawa ang isang tao.

Sa kabilang banda, kung ang isang tao ay nasa outdoor na lugar, ang droplets ay maaaring mas mabilis na maghiwa-hiwalay sa hangin. Ibig sabihin, napakaliit ng tyansa na mahawa ng sakit sa mga lugar na ganito. Ito ang dahilan kung bakit ang outdoor activities ay mas mainam kaysa sa indoor activities dahil mas mababa ang tyansa na mahawa.

Subalit hindi ito nangangahulugang maaari na lamang basta pumunta ang mga tao sa mga outdoor na lugar at tanggalin ang kanilang masks. Maaari pa ring mahawa subalit mas mababa ang tyansa kaysa sa mga indoor na lugar.

Ano-ano ang mga maaari mong gawin upang manatiling ligtas sa mga indoor na lugar?

Ngayong alam na natin kung bakit mas mataas ang tyansang mahawa ng COVID-19 sa mga indoor na lugar, mayroon bang mga paraan upang manatiling ligtas sa mga lugar na ito?

1. Siguraduhing may tamang bentilasyon mula sa labas

Sa mga lugar na may air conditioning, ang hangin ay umiikot lamang dito sa lugar na ito. Ibig sabihin, walang sariwang hangin mula sa labas ang pumapasok. At ang hanging nasa loob ay lumalamig at muling umiikot. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkahawa ng COVID-19 dahil ang hangin ay kontaminado at lalo lamang kakalat dahil sa air conditioning.

Sa halip na umasa sa air conditioning upang lumamig ang kwarto, maaaring buksan ang mga bintana at pinto upang makapasok ang hangin mula sa labas.

2. Gumamit ng electric fan upang maging mas mabuti ang pag-ikot ng hangin

Isa pang paraan na maaaring gawin ay ang paggamit ng electric fan upang umikot ang hangin sa iyong bahay. Ito ay dahil minsan, kahit na buksan ang mga bintana at pinto, ang natural na daloy ng hangin ay maaaring hindi sapat upang makapasok ang hanging mula sa labas.

Ang paggamit ng electric fan upang makapasok ang sariwang hangin mula sa labas ay mas makatutulong upang ang hangin ay umikot sa bahay. Ito ay lalong mahalaga kung ang taong kasama mo sa bahay ay nahawa ng COVID-19 o may nakasalamuhang may sakit.

3. Maaaring makatulong ang air filters

Ang pagkakaroon ng tamang air filter sa bahay ay totoong nakatutulong upang mas bumaba ang tyansa na mahawa ng COVID-19. Gumagana rin ang mga ito sa mga kwarto na walang sapat na bentilasyon. Subalit mahalagang tandaan na kung air filters lamang ang gagamitin, hindi sapat ito upang matiyak na maiiwasan ang pagkakahawa. Ang paggamit nito kasabay ng paggawa ng iba pang mga paraan upang manatiling ligtas ay lubhang mainam na gawin.

Key Takeaways

Pagdating sa pag-iwas sa COVID-19, ang pagpapabakuna at pananatili sa bahay ay ang pinakamabubuting paraan upang maging ligtas. Ngunit ang pagpapabuti ng bentilasyon at sirkulasyon ng hangin sa bahay ay makatutulong upang mas bumaba ang tyansa ng pagkakahawa.
Siguraduhing ang iyong bahay ay may tamang bentilasyon upang maprotektahan ang mga mahal sa buhay mula sa COVID-19.

Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Aerosol Scientists Try to Clear the Air About COVID-19 Transmission – Eos, https://eos.org/articles/aerosol-scientists-try-to-clear-the-air-about-covid-19-transmission, Accessed January 6, 2022

2 Indoor Air and Coronavirus (COVID-19) | US EPA, https://www.epa.gov/coronavirus/indoor-air-and-coronavirus-covid-19, Accessed January 6, 2022

3 Roadmap to improve and ensure good indoor ventilation in the context of COVID-19, https://www.who.int/publications/i/item/9789240021280, Accessed January 6, 2022

4 Improving Ventilation in Your Home | CDC, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/Improving-Ventilation-Home.html, Accessed January 6, 2022

5 CCOHS: Coronavirus (COVID-19) – Tips: Indoor Ventilation: Guidance During The COVID-19 Pandemic, https://www.ccohs.ca/covid19/indoor-ventilation/, Accessed January 6, 2022

Kasalukuyang Version

08/30/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Gaano Ka-accurate ang mga COVID-19 test? Alamin!

Maaari Bang Makuha ang COVID-19 mula sa Sasakyan?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement