Sa unti-unting pagpapatupad ng pamahalaan ng bakunahan kontra COVID-19 sa mga bata, kailangang malaman ng mga magulang ang isang mahalagang bagay: ano ang dapat gawin bago magpabakuna? Alamin sa artikulong ito kung ano ang iyong dapat malaman.
Kahalagahan Ng Pagbabakuna Kontra COVID-19
Makalipas ang dalawang taon, nananatili pa rin ang pandemya. Maraming bansa ang masusing binabantayan ang pagtaas ng mga kaso dulot ng banta ng Omicron variant. Dahil walang kasiguraduhan kung hanggang kailangan magtatagal ang pandemya, ang natatanging paraan upang labanan ito ay ang pagdaragdag ng proteksyon.
Iginiit ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang pagpapabakuna kontra COVID-19 ay mas ligtas at mas mapagkakatiwalaang paraan upang magkaroon ng immunity laban sa virus kumpara sa natural na immunity. Ginagaya ng bakuna ang virus upang magkaroon ng produksyon ng antibodies na nagbibigay-proteksyon. Hindi lamang mas napabababa ng bakuna ang tyansa ng pagkakahawa ng virus, kundi pinipigilan din nito ang malubhaang sakit at kamatayan.
Ang malawakang bakunahan ay maaaring magbunga sa pagkakaroon ng herd immunity. Sa pamamagitan nito, maipagpapatuloy ng mga tao ang kanilang mga regular na gawain habang isinasaalang-alang ang pagsunod sa safety protocols.
Mga Batang Sasailalim Sa Pagpapabakuna
Ang bakuna laban sa COVID-19 ay ligtas at epektibo sa mga bata. At ngayong maaari na ring bakunahan ang mga bata, maraming tanong ang mga magulang tungkol sa dapat gawin bago magpabakuna. Narito ang ilan sa mga impormasyong dapat mong malaman bago at pagkatapos bakunahan ang mga bata.
1. Dapat Gawin Bago Magpabakuna Kontra COVID-19: Magsaliksik
Ang unang hakbang upang malaman kung ano ang dapat gawin bago magpabakuna ay ang pagsasaliksik. Mahalagang manatiling updated sa mga pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbabakuna ng mga bata. Ang mga impormasyong ito ay dapat mula sa mapagkakatiwalaang sources at doktor.
Ang pag-alam sa mga impormasyon tungkol sa bakuna at sa mga posibleng side effects nito ay maaaring makatulong upang mabawasan ang iyong mga alalahanin at pag-aalinlangan.
Dagdag pa, maaari ding makatulong ang pagbabasa ng frequently asked questions (FAQs) mula sa mga mapagkakatiwaalan at kilalang sources ng mga impormasyon. Kabilang na rito ang websites ng mga sumusunod:
- Kagawaran ng Kalusugan
- World Health Organization (WHO)
- Centers for Disease Control and Prevention (CDC)
Ang habang nagbabasa ng mga mahahalagang impormasyon, ikonsidera na ang pag-register sa iyong anak sa pinakamalapit na vaccination site.
2. Dapat Gawin Bago Magpabakuna Kontra COVID-19: Kumonsulta Sa Iyong Pediatrician
Kung pinaplano mong pabakunahan kontra COVID-19 ang iyong anak, maaari mo ring ikonsulta sa iyong pediatrician ang iyong mga tanong o alalahanin.
Sabihin sa doktor kung ang iyong anak ay nakaranas ng allergic reaction sa anumang bakuna. Maaari mo ring tanungin kung ang gamot na kasalukuyang iniinom ng iyong anak ay maaaring makaapekto sa bakuna.
Maaari ding makatulong ang paghingi ng medical clearance upang matiyak na ang bakuna ay wala anomang magiging masamang epekto sa iyong anak.
3. Dapat Gawin Bago Magpabakuna Kontra COVID-19: Sabihan Ang Iyong Anak Tungkol Sa Pagpapabakuna
Isa rin sa mga dapat isaalang-alang sa mga dapat gawin bago magpabakuna ay ang pagbibigay ng kaalaman sa iyong anak tungkol sa proseso ng pagbabakuna. Bagama’t bahagyang katulad ito ng routine vaccines, ang pagsasabi sa iyong anak ng mga detalyeng kanyang mararanasan ay makatutulong upang mawala ang takot na kanyang nararamdaman. Dagdag pa, maaari mo ring ipaliwanag kung bakit kailangan niyang magpabakuna.
Hangga’t maaari ay maging tiyak sa pagbibigay ng impormasyon sa iyong anak upang maisip na agad niya kung ano ang mangyayari. Isaalang-alang ang mga bagay na maaari niyang makita, marinig, at maramdaman habang binabakunahan.
4. Ihanda Ang Lahat Ng Requirements
Bago pumunta sa vaccination site, siguraduhing dala mo ang lahat ng mga kailangang dokumento. Kailangan mo ring maghanda ng consent form upang isagawa ng medical personnel ang pagbabakuna. Tandaan na babakunahan lamang ang iyong anak kung ang lahat ng mga kailangang requirements ay ibinigay sa kanila.
5. Siguraduhing Kumakain Ng Masusustanya At Natutulog Nang Mabuti Ang Iyong Anak
Inirekomenda ng WHO na ang sinomang magpapabakuna ay dapat manatiling hydrated. Mahalaga bahagi ito ng mga dapat gawin bago magpabakuna, o kahit pagkatapos magpabakuna. Hindi lamang ito nakatutulong upang hindi magkasakt ang iyong anak, kundi maaari din nitong mapababa ang haba ng panahon at kalubhaan ng side effects.
Dagdag pa, siguraduhing may balanseng diet ang iyong anak. Ang mga prutas na mayaman sa vitamin C ay makatutulong upang maiwasan ang side effects ng bakuna.
At huli, tiyaking ang iyong anak ay may pito hanggang walong oras na tulong bago magpabakuna.
Ngayong alam mo na ang mga dapat gawin bago magpabakuna, maaaring naiisip mo rin kung ano ang dapat gawin pagkatapos.
Bantayan ang iyong anak mula sa anomang posibleng senyales ng side effects. Bukod dito, siguraduhing nakatatanggap siya ng tamang nutrisyon at may sapat na tulog na makatutulong sa kaniyang recovery. Sinabi rin ng DOH na mainam na manatili sa bahay maliban na lamang kung lubhang kailangang umalis.
Key Takeaways
Habang unti-unti tayong bumabalik sa normal na pamumuhay, mahalagang ibigay rin sa inyong mga anak ang mga kinakailangan nilang proteksyon laban sa virus. Ang pagpapabakuna ng mga bata ay ligtas at epektibo, subalit maaari pa rin silang makaranas ng side effects. Ang pag-alam sa mga dapat gawin bago magpabakuna ay makatutulong sa iyong anak upang maging handa.
Matuto pa tungkol sa Coronavirus dito.