backup og meta

May pinagbabawal ba na pagkain sa mayroong tigdas?

Bawal na pagkain sa may tigdas ay iwasan upang di lumala ang iyong sakit. Maniwala ka man o hindi, may mahalagang papel ang iyong diyeta sa paglaban sa mga sakit tulad ng tigdas.

May pinagbabawal ba na pagkain sa mayroong tigdas?

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na kadalasang nangyayari sa pagkabata. Ito ay nagdudulot ng lagnat at pulang pantal sa buong katawan. Katunayan, ang mataas na lagnat ay karaniwang unang senyales ng tigdas. Nagsisimula ito sampu hanggang labindalawang araw pagkatapos malantad sa virus. 

Ang lagnat ay tatagal ng apat hanggang pitong araw at maaaring kasama ang sumusunod na mga sintomas:

  • Sipon
  • Pulang mata
  • Pananakit ng lalamunan
  • Koplik spot o puting pamamaga sa bibig

Saan nakukuha ang tigdas

Bakit may bawal na pagkain sa may tigdas? Ang tigdas ay sanhi ng isang virus na kumakalat sa pamamagitan ng hangin. Maaari din itong makuha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga nakakahawang droplets mula sa ilong, bibig, o lalamunan. Maaari mong makuha ang sakit sa pamamagitan lamang ng pagiging nasa parehong silid ng isang nahawaang tao. Karamihan sa mga tao ay nagkakasakit ng tigdas dahil hindi sila nabakunahan. Kapag ang isang tao ay may tigdas, siya ay immune na habang buhay.

Bakit dapat iwasan ang mga bawal na pagkain sa tigdas

Ayon sa World Health Organization, kumitil ng 110,000 na buhay sa buong mundo ang tigdas noong 2017. Nangyari ito sa kabila ng pagkakaroon ng mga bakuna para dito. Ito ang dahilan kung may mga ekspertong naniniwala na maaaring maging isang pandaigdigang pasanin sa kalusugan ang tigdas. 

Maaaring magkaroon ng tigdas ang kahit sino. Gayunpaman, ang kadalasang naaapektuhan nito ay ang mga bata. Isa ito sa rason kung bakit aktibo ang pamahalaan sa paglunsad ng mga kampanya na naghihikayat sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa tigdas.

Tamang diet para sa tigdas

Maraming masamang epekto ang tigdas. Ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang diet at ang pag-iwas sa mga bawal na pagkain sa may tigdas. Kapag nasa acute stage ang sakit na ito, makakabuti ang pagkain ng mga prutas na nagbibigay ng mga kinakailangang sustansya. Habang nagpapagaling naman at kapag ang temperatura ay umabot sa normal na antas, kumain ng mga masustansyang pagkain upang maibalik ang lakas ng katawan.

Kasama rin sa tamang nutrisyon kapag may tigdas ang pag-inom ng humigit-kumulang walong baso ng tubig. Isama na dito ang iba pang mga likido tulad ng orange juice  lemon juice, at tubig ng niyog. Ang herbal tea ay mainam para sa mga matatandang may tigdas o nagpapagaling sa sakit na ito.

Mga bawal na pagkain sa may tigdas

Iwasan ang mamantika na pagkain dahil ang mga ito ay nagreresulta sa mga komplikasyon sa pagtunaw. Maaari din itong magpalala sa iyong impeksyon na sanhi ng tigdas. Gumamit ng mga langis na mabuti sa kalusugan tulad ng olive oil. Iwasan din ang sumusunod na pagkain:

  • Refined foods tulad ng mga pasta, asukal at puting tinapay
  • Baked na pagkaing nabibili sa merkado tulad ng cakes o donuts
  • Na-prosesong pagkain tulad ng French fries at onion rings
  • Kape at iba pang mga stimulants, alkohol, at tabako

Kapansin-pansin na ang mga taong may mahinang immune system ang mas madaling maapektuhan ng tigdas. Ito ay malinaw na nangangahulugan na kailangan mong magdagdag ng mga pagkain na mas masustansya. Ang isang naaangkop na diyeta ay isang bagay na makakatulong sa iyo na palakasin ang iyong immunity at resistensya.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/drugs/2/drug-150330/measles-mumps-and-rubella-vaccine-pf-subcutaneous/details/list-interaction-foodhttps://kidshealth.org/en/parents/measles.htmlhttps://www.mountsinai.org/health-library/condition/measleshttps://www.mountsinai.org/health-library/condition/measles

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Lunas Sa Ubo Na Maaaring Gawin Sa Bahay

Rashes Lang Ba, o Monkeypox Na? Heto Ang Dapat Mong Malaman


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas