Para saan ang Makahiya? Kilala sa scientific name nito na Mimosa padica, ang halamang Makahiya ay literal na nangangahulugang nahihiya at mahiyain. Tinutukoy rin ito bilang shrinking plant o “touch-me-not” dahil tumutupi ito o umuurong kapag nahahawakan. Kahit maliit, maraming napaggagamitan ang halamang ito, na nagbibigay ng napakaraming benepisyo sa kalusugan. Para saan ang Makahiya?
Pinaniniwalaang nagbibigay ng lunas sa asthma ang halamang ito at kinokonsiderang antibacterial, analgesic, antidepressant, antispasmodic, at diuretic.
Mga Gamit
Para saan ang Makahiya?
Patuloy na ginagamit ang halamang ito bilang gamot sa iba’t ibang health issues, gaya ng mga sumusunod:
High Blood Pressure
Maaaring makabawas ng mga sintomas ng high blood pressure ang pagkonsumo ng juice mula sa dahon ng Makahiya, ngunit kumonsulta muna sa iyong doktor kung balak ninyo itong gamitin.
Insomnia
Para saan ang Makahiya? Dahil sa anti-stress properties ng halamang Makahiya, puwede kang ma-relax at makatulog nang mahimbing matapos uminom ng solution na gawa sa halaman nito.
Diabetes
Pinaniniwalaang nakatutulong ang halamang Makahiya upang ma-regulate ang blood sugar levels sa pamamagitan ng paglabas ng tamang dami lamang ng insulin. Huwag kalimutang kumonsulta muna sa iyong doktor.
Diarrhea
Makatutulong ang pagkonsumo ng juice mula sa mga dahon ng Makahiya upang maibalik ang nawalang tubig sa iyong katawan. Ngunit, huwag kalimutang mapanganib ang diarrhea kapag hindi naagapan sapagkat maaari itong humantong sa dehydration. Samakatuwid, pinapayuhan ang lahat na kumunsulta sa doktor.
Asthma
Ang pag-inom ng Makahiya juice ay nakatatanggal at nakalilinis ng mga alikabok at iba pang allergens sa daanan ng hangin sa baga upang mabawasan ang mga epekto ng asthma.
Pananakit ng mga kasukasuan
Para saan ang Makahiya? May taglay na anti-inflammatory properties ang halamang gamot na Makahiya upang maibsan ang pamamaga dulot ng arthritis at iba pang pananakit ng katawan. Gumawa ng paste mula sa mga dahon at ipahid sa apektadong bahagi ng katawan buong gabi. Sa tamang pagpapahid, unti-unting mawawala ang kapansin-pansing sakit at pamamaga.
Sobra-sobrang Menstrual Bleeding
Ang sobra-sobrang pagdurugo habang nireregla ay sanhi ng partikular na mga pagbabago sa hormones sa katawan. Maaaring mapapanatili ang balanse at maiiwasan ang sobrang pagdurugo sa pamamagitan ng pag-inom ng Makahiya juice mula sa mga dahon nito. Kung labis-labis ang pagdurugo ninyo sa inyong monthly period, sumangguni sa doktor para sa tamang diagnosis at lunas.
Almoranas
Isa sa mga pangunahing pinaggagamitan ng halamang makahiya ay bilang gamot sa almoranas. Sa pamamagitan ng antioxidant property nito, nakatutulong ang halamang Makahiya sa mabilis na paggaling ng mga sugat, kabilang na ang almoranas.
Pananakit ng tiyan
Para saan ang Makahiya? Ipinagmamalaki ng halamang Makahiya ang anti-bacterial characteristics nito na epektibong nagtatanggal ng mga bulate sa bituka at bacteria na sanhi ng iba’t ibang intestinal problems.
Mga Pag-iingat at Babala
Sa kabila ng malinaw na mga positibong epekto nito sa kalusugan at kagalingan ng isang tao, mahalagang tandaan na maaaring may mas mababang testing standards at pananaliksik ang herbal counterparts kumpara sa iniresetang gamot.
Karamihan sa mga insidente ng side effects at drug interactions ay hindi rin naiuulat lahat. Kaya naman, lubos na inirerekomendang kumonsulta muna sa doktor bago uminom nito. Kadalasang ligtas gamitin ang halamang Makahiya, lalo na para sa mga matatanda. Gaya ng karamihang halamang gamot, inirerekomenda ang moderate na paggamit nito.
Allergy
Maaaring hindi makatulong sa iyo ang Makahiya kung may allergic reactions ka sa alinman sa components nito. Sakaling makaranas ka ng pamamaga at iritasyon sa balat, itigil ang paggamit nito at agad na kumonsulta sa iyong doktor.
Pagbubuntis at Pagpapasuso
Wala pang sapat na pag-aaral upang kumpirmahin ang mga epekto ng halamang Makahiya sa mga buntis at nagpapasusong ina. Upang maging ligtas, ipinapayong huwag gumamit nito maliban kung binigyan ka ng go-signal ng iyong doktor.
Ilan sa mga kontradisyon para sa halamang gamot na Makahiya
- Kung mayroon kang hypersensitivity o allergy sa alinmang components ng halamang gamot na Makahiya, iwasan ito. Makipag-usap muna sa iyong doktor kung nagbabalak kang isama ang herbal medication sa iyong health regime.
- Kung buntis ka o nagpapasuso, iwasan ang paggamit ng halamang gamot na Makahiya. Ipinapayong kumonsulta muna sa iyong doktor.
Side Effects & Interaction
Wala pang sapat na pag-aaral sa mga posibleng masamang epekto ng paggamit ng halamang Makahiya. Gayunpaman, kung makaranas ka ng iritasyon sa balat o pamamaga, itigil ang paggamit nito at kumonsulta agad sa iyong doktor.
Dagdag pa, kulang pa rin ang mga impormasyon tungkol sa kaligtasan ng buntis at nagpapasuso. Kaya’t bilang pag-iingat, lubos na pinipigilan ang mga buntis at nagpapasuso na kumonsumo ng halamang gamot na ito.
Ano ang puwedeng mag-interact dito?
Kailangang bantayan ang paggamit ng halamang gamot na Makahiya sa ilang mga kasong may kaugnayan sa kalusugan. Limitado lamang ang nailabas ng pag-aaral na dokumentasyon hinggil sa drug interactions ng halamang gamot na ito kapag kinonsumo kasabay ng iniresetang medikasyon.
Lubos na ipinapayong kumonsulta muna sa iyong doktor.
Dosage
Para sa dosage, ang pinakakaraniwang form nito ay liquid. Mayroon na ring nagawang capsule nito ang mga commercial manufacturer.
Kadalasang iniinom ang katas ng dahon ng Makahiya nang hanggang 15 ml, depende sa klase ng kondisyong pangkalusugan ang nais na gamutin. Karaniwang mas malakas at mas mabisa ang mga capsule formulation nito. Lubos naming ipinapayo na magtanong muna sa inyong doktor.
Sa anong mga anyo ito puwedeng magamit?
Puwedeng gamitin ang halamang gamot na Makahiya sa natural nitong anyo. Puwedeng gawing juice ang mga dahon nito at inumin o ipahid saanmang apektadong bahagi ng katawan, lalo na para sa arthritis at masasakit na kasukasuan. Nakagawa na rin ang mga manufacturer ng powder, tsaa, at capsule ng Makahiya herbal plant.
Para saan ang Makahiya? Hindi maitatangging lubos ang suporta sa Makahiya bilang isang halamang gamot. Gaya ng iba pang halamang gamot, limitado pa ang mga pananaliksik tungkol sa para saan ang makahiya. Hindi pa lubos na natutukoy ang masasamang epekto nito. Kaya’t kailangang gamitin ito nang may pag-iingat. Kumonsulta muna sa doktor bago gumamit nito.
Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.