backup og meta

Mulberry Tea Para Sa Diabetes: Epektibo Ba Ito At Ano Ang Side Effects?

Mulberry Tea Para Sa Diabetes: Epektibo Ba Ito At Ano Ang Side Effects?

Mapanghamon na mamuhay na may diabetes. At bagaman ito ay walang lunas, ito ay maayos na mama-manage sa tamang diet, akmang gamutan, at pagpapalit ng diet. Kadalasan, bilang parte ng diet, ang mga diabetics ay magdaragdag ng prutas, mga inumin at supplements na kilala upang magpababa ng blood sugar – isa sa mga ito ay mulberry. Alamin ang tungkol sa paghahanda ng mulberry tea para sa diabetes, at kung ito ba ay totoong epektibo sa pagma-manage ng diabetes.

Ano Ang Diabetes?

Ang diabetes ay metabolic na sakit na nagde-develop kung ang glucose sa dugo o ang iyong blood sugar ay tumaas ng lebel. Nakikita ang blood glucose sa mga pagkain na pinaka pinanggagalingan ng enerhiya. Ang hormone na pino-produce ng iyong pancreas na tinatawag na insulin ay tumutulong sa pag-break down ng glucose substances mula sa mga pagkain na kinakain. At tumutulong ito sa cells na i-absorb ang glucose upang ma-restore o gamitin bilang enerhiya. Kung mayroon kang diabetes, ang iyong katawan ay maaaring hindi mag-produce ng sapat na insulin o hindi mag-utilize nang maayos.

Maaaring magamot at ma-manage ang diabetes, ngunit maaari din itong humantong sa seryosong komplikasyon. Ilan sa mga nakamamatay na komplikasyon na maaaring mag-develop kinalaunan kung ikaw ay may diabetes ay:

  • Problema sa bato
  • Sakit sa puso
  • Pinsala sa nerve
  • Stroke
  • Problema sa mata

Ilan sa mga salik na nakapagpapataas ng banta ng pagkakaroon ng diabetes ay ang mga sumusunod:

  • Timbang
  • Family history
  • Hindi pagiging aktibo
  • Edad
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Abnormal na lebel ng cholesterol at triglyceride

Wala pang kilalang gamot para sa diabetes. Ginagamit ang pagturok ng insulin upang ma-regulate ang lebel ng blood sugar sa mga taong may uri ng diabetes na hindi kayang makontrol ng oral na gamot lamang. Nakapagpapahinto ang insulin hormones ng pagpo-produce ng liver ng dagdag na sugar. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapakalat ng sugar mula sa dugo sa ibang mga body tissues upang gamitin bilang enerhiya. 

Napag-alaman din na ito ay posible sa ibang mga tao na baguhin ang epekto ng diabetes sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle at pagma-manage ng timbang. Ito ay hahantong sa kanilang diabetes sa remission. Ang remission ay ang pagbabalik sa normal na lebel ng blood sugar.

Paano Ihanda Ang Mulberry Tea

Tunawin ang 1 gram ng powdered mulberry tea sa mainit na tubig, tatlong beses kada araw sa loob ng 4 na linggo. Matapos ito, ang lebel ng iyong blood sugar ay bababa sa 27%.

Side Effects At Benepisyo Ng Mulberry Tea

Ang mulberry ay puno at prutas na maaaring kainin na niluto o sariwa. Ang mga dahon ay maaaring powdered at karaniwang ginagawa para sa mga layuning medikal. Bagaman walang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa kalidad ng pagpapagaling nito, ito ay kilala na maraming mga benepisyo sa maraming kondisyon tulad ng:

  • Diabetes
  • Mataas ng presyon ng dugo
  • Sipon 
  • Mataas na lebel ng cholesterol
  • Sakit sa muscles at joints
  • Ubo
  • Sakit sa lalamunan
  • Asthma
  • Pagkalagas at pamumuti ng buhok
  • Pagkahilo at tunog sa tenga
  • Constipation

Makikita ang puting mulberry sa China at tumutubo rin sa klima ng Pilipinas. Noong kolonyal na panahon, ito ay ipinakilala at binarter sa ibang mga bansa upang magsagawa ng industriya sa silk.

Kamakailan lamang, ito ay kinilala na may pakinabang na lubos sa paglunas ng diabetes, lalo na kung inihanda bilang tsaa. Ang ilang kemikal na makikita sa puting mulberry ay maaaring maging epektibo tulad ng mga gamot na ginagamit sa paggamot ng diabetes.

Ang mga kemikal na ito ay kilala upang marahan na i-break down ang sugars sa tiyan para sa mas mabagal at mas epektibong absorption ng sugars sa dugo. Ito ay nakatutulong na mag-stabilize ng lebel ng blood sugar. Gayunpaman, ang pagiging epektibo ng mulberry tea para sa diabetes at posibleng side effects ng prutas ay hindi pa kumpirmado ng siyentipikong pag-aaral.

Side Effects Ng Mulberry Tea

May mga pag-aaral sa posibleng side effects ng mulberry tea, gayunpaman, hindi ito gaanong marami. Para sa pinakamaraming parte nito, ipinakita ng pag-aaral na ang mulberry tea ay ligtas na ikonsumo at walang side effects sa mga inobserbahan na mga tao na kumonsumo ng powdered na dahon sa loob ng limang linggo. 

Banta Sa Kalusugan Ng Mulberry

Side effects ng mulberry tea sa paggamot ng diabetes:

Habang kinokonsumo, ang mulberry tea ay nakatutulong sa pagpapababa ng lebel ng blood sugar, mainam na i-monitor ito maigi. Ang mabilis na pagbabago sa lebel ng blood sugar ay maaaring may epekto sa pangkalahatang kalusugan. Inumin ang mulberry tea nang may moderasyon. 

Side effects ng mulberry tea sa buntis at nagpapasusong nanay:

Walang sapat na pag-aaral sa paggamit ng mulberry tea sa mga buntis at nagpapasuso. Upang manatiling ligtas, kausapin ang iyong health care provider o iwasan ang pagkonsumo nito hanggang sa hindi ka na buntis o nagpapasuso.

Side effects ng mulberry tea kung umiinom ng ibang mga gamot para sa diabetes:

Nakapagpapababa ng lebel ng blood sugar ang mulberry tea at ang mga gamot sa diabetes ay nakapagpapababa din nito. Maging maingat sa pagkonsumo ng mulberry tea habang gumagamit ng iyong gamot. Ang kombinasyon ng tsaa at ng gamot ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng blood glucose. Konsultahin ang iyong doktor kung ligtas ito bago gamitin kasabay ng mga gamot para sa diabetes.

Key Takeaways

Ang diabetes ay napaka-unpredictable na karamdaman. Sa pamamagitan ng maayos na diet, ehersisyo at pag-manage ng timbang at pag-monitor mabuti ng lebel ng blood sugar, maaaring maiwasan mo ang ibang mga komplikasyon at mamuhay ng malusog at normal.
Makatutulong ang herbal na gamot at natural na lunas sa pag-manage ng kondisyon. Gayunpaman, maaaring magkaroon ka ng negatibong resulta. Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor bago gumamit ng kahit na anong gamot para ligtas na pagma-manage at kontrol ng iyong blood sugar.

Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot at Alternatibong Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mulberry leaves and their potential effects against cardiometabolic risks: a review of chemical compositions, biological properties and clinical efficacy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6130672/, Accessed July 5, 2021

Metabolic Effects of Mulberry Leaves: Exploring Potential Benefits in Type 2 Diabetes and Hyperuricemia, https://www.hindawi.com/journals/ecam/2013/948627/, Accessed July 5, 2021

Effects of white mulberry (Morus alba) leaf tea investigated in a type 2 diabetes model of rats, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25850211/, Accessed July 5, 2021

Insulin, Medicines, & Other Diabetes Treatments, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/insulin-medicines-treatments, Accessed July 5, 2021

Reduction of post-prandial hyperglycemia by mulberry tea in type-2 diabetes patients, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4281624/, Accessed July 5, 2021

Kasalukuyang Version

04/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement