Lagundi para sa hika- marami ang nagse-search tungkol dito. Ngunit ano nga ba ang lagundi?
Ang Lagundi, ay kilala rin bilang “5-leaved chaste tree,” may siyentipikong pangalan ito na Vitex negundo. Ang mga taong naninirahan sa mga tropikal na bansa tulad ng Pilipinas ay pamilyar sa halamang Lagundi. Ito ay sikat din bilang isang ornamental na halaman. Dahil sa magagandang mga lilang bulaklak nito. At medically speaking, ang mga dahon ng Lagundi ay may medicinal properties na scientifically proven na.
Kaya ang tanong na, – Lagundi para sa hika? Ang sagot ay “oo”.
Saan Ginagamit Ang Lagundi?
Ang effective remedies para sa ubo ay hindi eksklusibo sa mga tradisyonal na gamot lamang. Sa katunayan, kinilala ng Department of Health ang healing attributes ng lagundi para sa ubo at hika. Ginagawa ito bilang isang popular na herbal counterpart para mapawi ang ubo at gamutin ang mga sintomas ng hika.
Hika
Bilang isang extensive medical condition, ang hika ay walang ganap na lunas sa ngayon. Maaari mo lamang ayusin at i-manage ang mga sintomas. Mahalaga ang paraan kung paano mo nire-regulate at mina-manage ang iyong hika. Ang mga dahon ng Lagundi ay napatunayang mabisa sa pagharap sa mga sintomas ng hika. Isa ito sa nirerekomdang mga halamang gamot hanggang sa kasalukuyan bilang tritment sa hika. Sa madaling sabi, Lagundi para sa hikaay epektibo. Regular na uminom ng isang tasa ng dahon ng lagundi herbal tea.
Pampaginhawa ng Ubo
Lagundi para sa hika- hindi lamang ito para sa may hika. Ang mga dahon ng Lagundi ay may anti-inflammatory properties na gumagana katulad ng antihistamines at cough expectorants. Ang mga katangiang ito ay mahusay para sa iba’t ibang respiratory conditions. Kabilang ang namamagang lalamunan at ubo. Para makuha ang pinakamagandang resulta, at para mas makatulog ka sa gabi. Uminom ng dahon ng Lagundi nang regular.
Paano Ito Gumagana?
Kinikilala ng Department of Health na ang Lagundi para sa hika ay maganda. Maging ang kahusayan ng Lagundi para sa ubo. Dahil nakatutulong ito sa paglabas ng plema at pinipigilan ang manifestation ng ubo. Sa katunayan, parehong itinataguyod ng gobyerno at mga grupong pangkalusugan ang Lagundi. Bilang alternatibo para sa mga kontemporaryong tritment.
Ang Lagundi ay may katangiang antimicrobial at analgesic kasama ng chrysophanol D at antihistamine na nagpapagaan ng maraming respiratory issues Ang mga katangiang ito ay nagpapagaan ng pananakit ng lalamunan dahil sa ubo at sipon.
Ano ang Dapat Kong Malaman Bago Gamitin ang Lagundi?
Kapag umiinom ng herbal na gamot, kailangan mong maintindihan na may ilang mga pag-iingat na dapat gawin. Kung pinaplano mong isama ang Lagundi bilang bahagi ng iyong regular na tritment. Mas mabuting kumunsulta muna sa doktor. Para mas masigurado ang kaligtasan.
Gaano Kaligtas ang Lagundi?
Bagama’t ginagamit ang Lagundi para sa hika. Sa mga buntis naman at nagpapasusong ina ay maaari silang mag-consume nito in moderation. Hangga’t mayroon kang go-signal ng iyong doktor. Kung hindi man, huwag gumamit ng Lagundi para sa ubo at hika hanggang sa matapos ma
Mga Espesyal na Pag-iingat at Babala
Ang ilang mga tao ay maaaring magkaroon din ng mga allergy reaction sa mga components ng Lagundi. Kung nakakaranas ka ng pangangati ng balat o namamagang labi. Itigil ang paggamit ng Lagundi para sa ubo at hika. Kumonsulta kaagad sa iyong doktor.
Anong Uri ng Mga Side Effects ang Maaring Makuha Ko sa Paggamit ng Lagundi?
May mga pag-aaral na nagbibigay-katwiran sa paggamit ng Lagundi para sa hika at ubo. Kahit na ang mga bata ay maaaring gumamit ng Lagundi syrup hangga’t ang mga magulang ay nagbibigay ng tamang dosis. Kung sa ilang kadahilanan ay hindi ka nakakaranas ng ginhawa sa patuloy na paggamit ng Lagundi. Makipag-ugnayan sa’yong doktor. Dahil maaaring kailangan mo nang mas matibay na gamot para sa iyong karamdaman.
Ano mga Interaksyon ng Lagundi sa Iba Pang Gamot?
Walang eksaktong impormasyon kung paano ang iba pang mga gamot ay nag-i-interact sa Lagundi para sa ubo at hika. Iyon ang dahilan kung bakit pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor. Ang susi dito ay huwag gumamit ng higit sa inireseta. Ang pag-inom ng higit sa inirerekomenda ay makakasama sa’yo. Maaaring humantong sa malubhang epekto at pagkalason. Huwag magbigay ng parehong gamot sa ibang tao kahit na naniniwala kang mayroon silang parehong kondisyon.
Ang impormasyong ito ay hindi kapalit ng medikal na payo. LAGING kumunsulta sa’yong herbalist o doktor bago gamitin ang gamot na ito.
Ano ang Karaniwang Dosis ng Lagundi para sa Ubo at Hika?
Ang dahon ng Lagundi ay maaaring gadgarin at lagyan ng tubig na kumukulo. Maaari rin itong ihalo sa iba pang mga halamang gamot. Inirerekomenda na uminom ng isang tasa ng tatlong beses sa isang araw para mapawi ang pag-ubo.
Para maibsan ang ubo at mabisang pangasiwaan ang mga sintomas ng hika. Pakuluan ng hindi bababa sa kalahating tasa ng dahon ng Lagundi sa 2 basong tubig. I-drain ang tubig at kumuha ng ½ tasa ng decoction 3 beses sa isang araw. Para sa higit na kahusayan, ibuhos lamang ang kumukulong tubig sa mga dahon ng Lagundi at hayaang magbabad.
Para sa mga matatanda, maaari kang uminom ng kalahating tasa 3 beses sa isang araw. Ang mga bata o sanggol ay maaaring bigyan ng isang kutsara 3 beses sa isang araw. Para sa mga batang may edad na 2-6 na taong gulang, dalawang kutsara 3 beses sa isang araw. At para sa mga may edad na 7-12 taong gulang, ¼ tasa 3 beses sa isang araw ang inirerekomenda.
Bukod sa paggawa ng sarili mong Lagundi tea sa bahay. Maaari ka ring bumili ng Lagundi capsules, tablets, o syrup sa supermarket o sa’yong lokal na botika.
Ano ang Anyo ng Lagundi?
Ang Lagundi para sa asthma at ubo ay naging popular sa paglipas ng mga taon. Kung saan kinikilala pa ng gobyerno ang mga benepisyo nito sa kalusugan sa pag-alis ng ubo at pagma-manage ng mga sintomas ng hika. Ang dahon ng Lagundi sa anyo ng mga kapsula o tsaa ay makikita na sa mga supermarket at botika sa buong bansa. Maaari ka ring magpasyang gumawa ng sarili mong Lagundi tea sa bahay.