Maraming kababaihan ang nakakaranas ng erratic monthly periods— kaya ang tanong ng ilan, mayroon bang herbal para sa regla? Makakatulong ba ito sa discomfort sa buwanang dalaw, maging sa late at irregular menstruation? At bakit nga ba nangyayari ang mga ito? Alamin dito.
Ang Average Menstrual Cycle
Kung ikaw ay naghihirap sa irregular o late na menstrual period— hindi ka nag-iisa sis! Ayon sa mga ulat, ang irregularities sa menstrual cycle ay isang common complaint ng mga babae.
Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin kapag ang isang tao ay may irregular o late period?
Para mabigyan ka ng magandang paliwanag, kailangan mong balikan ang konsepto ng menstrual cycle.
- Sa madaling sabi, ang menstrual cycle ay number of days mula sa simula ng iyong huling buwanang regla hanggang sa simula ng susunod.
- Sabihin nating nagsimula ang iyong huling regla noong Setyembre 1. Pagkatapos ay nagsimula ang iyong susunod na regla noong Setyembre 26. Masasabi may 25 na araw ang menstrual cycle na iyon.
Bagama’t madalas mong marinig na ang “normal” na cycle ay may 28 araw. Hindi ito totoo para sa lahat. Dahil ang isang 28-araw na cycle ay isang average figure lamang. Ini-indicate ng reports na ang menstrual cycle ay maaaring nasa pagitan ng 21 hanggang 35 araw (3 hanggang 5 linggo).
Late at Irregular na Menstruation
Bago natin tukuyin ang iba’t ibang herbal para sa regla. Alamin muna natin ang parehong kondisyon ng late at irregular menstruation.
Ikaw ay may irregular period kapag:
- Kapag ang iyong regla ay hindi sumusunod sa isang regular cycle maaaring masabi na irregular ka. Ang isang magandang halimbawa ng irregular period, kapag ang iyong huling cycle ay nasa 23 na araw. Pagkatapos ang susunod na menstruation ay nasa 40 na araw— at ang kasunod ay nasa 35 na araw.
- Sa madaling sabi, may “gap” sa pagitan ng iyong mga regla at patuloy itong nagbabago.
- Nangyayari rin ito kapag nagka-regla ka nang maaga o huli kaysa sa’yong regular menstruation.
Ngunit, paano ang tungkol sa mga late period?
- Ang late period ay nangyayari kapag hindi pa nagsisimula ang iyong regla 5 o higit pang araw pagkatapos ng petsang inaasahan mo.
- Kaya naman, kung inaasahan magsisimula ang iyong regla sa Setyembre 20 at hindi pa rin ito nagsisimula kahit na Setyembre 26 na— nakakaranas ka ng late period.
Tandaan na ang isang “missed period” ay iba. Nangyayari ang missed period kapag wala ka pa ring regla kahit na 6 na linggo na ang nakalipas mula noong huling regla.
Mga Dahilan ng Irregular o Late Menstruation
Ang unang hakbang para maging regular ang iyong regla ay alamin kung ano ang sanhi ng mga irregularities. Ang ilan sa mga karaniwang dahilan ng irregular o late menstruation ay:
- Stress. Marahil, ang isa sa common periods para sa irregular o late period ay ang stress. Tandaan na ang parehong emosyonal at pisikal na stress (mga sakit) ay maaaring magdulot ng period irregularities.
- Pagbabago sa timbang. Kung minsan, ang sobrang timbang o kulang sa timbang ay maaaring magresulta ng irregular at late menstruation. Ang mga pagbabago sa timbang ay maaari ring iugnay sa mga karamdaman. Dahil maaari itong magdulot ng late o irregular menstrual flow. Ang mga halimbawa ng mga karamdamang ito ay; anorexia, bulimia, at diabetes na hindi maayos ang pagka-manage.
- Mahigpit na pag-eehersisyo. Kung dumaranas ka ng late o irregular menstruation. Maaaring gustuhin mong balikan ang iyong exercise routine. Ayon sa mga pag-aaral, ang sobrang ehersisyo ay maaaring makaapekto sa antas ng estrogen. Isa sa mga hormone na responsable sa pag-regulate ng functions ng reproductive ng babae— kabilang ang regla. Inirerekomenda pa ng reports na maraming mga atleta ang dumaranas ng missed periods (sa loob ng 6 na buwan o mas matagal pa) dahil sa mahigpit na pagsasanay.
- Underlying health conditions. Ang kondisyong pangkalusugan tulad ng problema sa thyroid, endocrine disorder. At polycystic ovary syndrome ay maaaring magdulot ng late o irregular menstruation.
- Mga gamot. May iniinom ka bang gamot? Kung “oo”, tingnan ang side effects nito. Dahil ang isa sa mga ito ay maaaring dahilan ng “late o irregular menstrual flow.” Ang ilang birth control pill ay maaari ding magresulta sa irreguralities ng regla. Dahil sa kung paano nila binabago ang hormonal levels.
Mga herbal para sa regla
Kung gusto mong i-induce ang iyong regla, o mas mapabuti pa— gawing normal ang iyong menstrual cycle, maaaring makatulong ang mga sumusunod na herbal para sa regla:
Turmeric o luyang dilaw
Ang isang relative ng luya— ang turmerik ay isang bright orange spice na ginagamit sa Ayurvedic medicine para ayusin at pukawin o i-induce ang monthly period.
Ang posibleng dahilan kung bakit makakatulong ito sa irregularities— ay dahil sa nakikitang kakayahan nito na “balansehin ang hormones.” Bukod dito, mayroon kasi itong anti-inflammatory at anti-spasmodic properties na makakatulong sa cramps.
Mga herbal para sa regla: Luya
Sa kabilang banda, ang luya ay maaaring mag-induce ng pagdurugo. Kaya naman sa traditional medicine, hindi ipinapayong magbigay ng luya sa isang buntis.
Gayunpaman, tandaan na maliban sa kanilang well-known reputation sa traditional medicine nito, kakaunti ang mga siyentipikong pag-aaral para patunayan na ang luya at turmerik ay mabisa sa pag-udyok at pag-regulate ng daloy ng regla.
Papaya
Isa sa posibleng herbal para sa regla ay ang hilaw na papaya. Ayon sa reports, ang hilaw na papaya ay maaaring mag-promote ng uterine contractions at maging sanhi ng menstrual flow. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ito ay contraindicated sa mga buntis.
Pinya
Maituturing na ang pinya ay isa sa mga posibleng herbal para sa regla. Kung makikita mo ang sanhi ng iyong irregular o late period at nauugnay ito sa pamamaga. Maaaring makatulong ang pagmemeryenda ng sariwang pinya. Dahil ang pinya ay may bromelain kung saan mayroong itong anti-inflammatory effect.
Isang paalala lamang: Sinasabi ng reports na ang bromelain ay sumisira ng proseso ng canning. Kaya’t kung ang iyong layunin ay gamitin ang mga benepisyo ng bromelain, maaaring hindi magandang ideya ang kumain ng mga de-latang pinya.
Cinnamon
Para maging regular ang iyong regla, ikonsiera ang cinnamon. Sa isang pag-aaral na naglalayong makita ang epekto ng cinnamon sa menstrual cycle ng mga babaeng may PCOS— nagpakita ito ng magandang resulta.
Ang pag-aaral ay may kabuuang 45 na kalahok. Lahat ng participant ay dumaranas ng PCOS. Pagkatapos nito, hinati sila ng investigators sa 2 grupo: Isang grupo ang tumanggap ng placebo treatment habang ang isa pang grupo ay binibigyan ng 1.5 gramo ng cinnamon supplement bawat araw.
Sa loob ng 6 na buwan ng interbensyon. Ang resulta ay nagpapakita na ang menstrual cycle ng grupo na nakatanggap ng cinnamon supplements ay mas madalas. Kaysa sa mga nabigyan ng placebo.
Lifestyle Interventions
Bukod sa herbal para sa regla, maaari mo ring isaalang-alang ang mga sumusunod na interbensyon sa pamumuhay:
- Mag-take ng mas maraming Vitamin D. Nalaman ng isang pag-aaral na ang low level ng Vitamin D ay nauugnay sa irregular cycle – subalit hindi short o long cycle. Napagpasyahan din ng researches ng pag-aaral na ang Vitamin D ay maaaring may papel sa “pag-regulate ng ovulatory function.”
- Panatilihin ang isang malusog na timbang. Mag-ehersisyo nang regular at magkaroon ng isang malusog na diyeta. Para matulungan kang mapanatili ang iyong timbang. Huwag i-overdo ang ehersisyo. Tandaan na ang sobrang pag-eehersisyo ay maaaring negatibong makaapekto sa cycle ng iyong regla.
- Labanan ang stress. Kung sa tingin mo ang stress ay nagdudulot ng iyong late o irregular menstruation. Humanap ng mga paraan para mawala ang stress. Matulog ng sapat. Subukan ang ilang mga ehersisyo sa malalim na paghinga, at magpahinga kapag masyadong mahaba ang iyong ginagawa.
Key Takeaways
Kung nag-aalala ka tungkol sa’yong late o irregular menstruation. Kausapin ang iyong doktor para sa tamang pagsusuri at paggamot. Bukod pa rito, humingi ng medikal na tulong kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sumusunod: - Ikaw ay wala pang 45 taong gulang, ngunit ang iyong regla ay biglang naging irregular
- Ang agwat sa pagitan ng mga unang araw ng iyong regla ay mas mababa sa 21 araw
- Mapapansin na ang agwat sa pagitan ng mga unang araw ng iyong regla ay higit sa 35 araw
- Makikita na ang regla ay tumatagal ng 7 araw o mas matagal pa
Kung ikaw ay nagpaplanong magbuntis o naghihinala na sa pagbubuntis. Tandaan na ang missed menstruation ay isang maagang senyales na ikaw ay buntis. Iwasan ang pag-inom ng anumang gamot o herbal para sa regla na maaaring makasakit sa baby. O malagay sa panganib sa iyong pagbubuntis. Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatives dito.