Ang mga herbal ay ginagamit na bilang tradisyonal na porma ng gamot, lalo na sa mga remote areas sa Pilipinas. Maraming mga uri ng halaman at iba’t ibang tiyak na parte nito ang ginagamit. Ilan sa maraming mga herbs na kilala mo ay epektibong herbal para sa lungs.
Alamin ang herbal na hindi mo pa alam na makatutulong sa paglunas ng respiratory infections, paglinis ng congested lungs, at pagpapabuti ng hirap sa paghinga.
Herbal Para Sa Lungs
Thyme
Inilalabas nito ang plema at mucus mula sa lungs, at mas epektibo kung hahaluan ng suka at asin. Nakapagpapagaan din ito ng spasms sa pag-ubo at mainam na herb sa pagtanggal ng sipon dahil sa mainit na sensasyon nito.
Ang sariwang thyme ay kinokonsiderang ligtas na herbs upang linisin ang lungs kung gagamitin bilang pang-halo sa pagkain.
Mint
Ito ay isa sa pinaka ginagamit na herbal para sa lungs. Ang antihistamine na property ng mint ay may menthol, na nakapagbibigay ng pagiging epektibong decongestant.
Ang peppermint oil ay naglalaman ng ketone, na nagtutunaw ng mucus na congested sa lungs. Ito ang rason bakit ang mint ay laging sangkap para sa therapeutic oils at inhalers.
Eucalyptus
Sinasabi ng pag-aaral na ang eucalyptus ay isa sa mga pinaka epektibong herbal para sa lungs. Ang eucalyptol property nito ay nakatutulong na patayin ang bacterial infection na sanhi ng lung congestion. At ang anti-inflammatory property nito ay may pakinabang din sa pagpapagaan at pagpapawala ng sakit dulot ng pag-ubo.
Oregano
Ito ang pinaka mainam na herbal para sa lungs dahil sa properties nito, tulad ng flavonoids, carvacrol, at terpenes. Malaki ang maitutulong ng oregano sa paggamot ng asthma dahil sa anti-inflammatory nito na pinakikinabangan ng bronchial tracts.
Luya
Ang luya ay karaniwang ginagawa bilang “salabat” para sa paggamot ng sakit sa lalamunan at ubo. Ang anti-inflammatory properties nito ay responsable para sa pagtanggal ng congestion sa lungs at paglinis ng airways. Ito rin ay nakapagpapa-relax ng bronchi at natural na lunas sa atake sa asthma.
[embed-health-tool-bmi]
Bawang
Ang antibacterial properties ng bawang ay nakatutulong din. Ito ay may malakas na properties, na epektibong herbal para sa lungs. Ito ay nakatutulong na mawala ang tract infections, congestion, at kakapusan ng hininga.
Turmeric
Tinatawag din natin itong luyang dilaw. Ito ay may antihistamine property, tulad ng mint, na mainam para sa pagpapabuti ng lung congestion at pagpapagaling ng sintomas ng allergy. Ang pagiging epektibo nito sa paglunas ng asthma ay hindi pa sigurado, ngunit ilang mga resulta nito ay nagpakita ng positibong dulot.
Lagundi
Ang lagundi ay kilalang herbal sa Pilipinas na ginagamit upang malunasan ang ubo. Sa pag-aaral, ang property nito ay nakatutulong na harangan ang constituents na papunta sa lungs. Ito rin ay epektibong herbal para sa lungs. Ito ay nakapagpapagaan ng airways at may anti-inflammatory na nakapagpapagamot sa potensyal na pagdami ng cancer cells.
Tawa-Tawa
Ang siyentipikong pangalan nito ay Euphorbia. Sa Pilipinas, bagaman ginagamit ito sa paggamot ng kidney stones, ito rin ay pinatunayan na may benepisyo sa pagtulong na matugunan ang respiratory diseases, tulad ng bronchitis.
Kahalagahan Ng Pagkonsulta Sa Doktor
Ilan sa mga halamang gamot na ito ay pinaniniwalaan na may benepisyo para sa kalusugan sa respiratory ngunit kulang pa rin sa sapat na ebidensya upang masiguro ang kaligtasan at pagiging epektibo nito. Huwag asahan ang iba’t ibang herbal na epektibo na makapaglilinis ng lungs. Bawat halaman at herbal ay may tiyak na properties na para lamang sa paggamot ng partikular na infections sa katawan. Sa gayon, maaaring ang iyong katawan ay iba ang tugon, lalo na kung may kasalukuyang kondisyon na makapagpapataas ng banta ng komplikasyon.
Ang mga halamang gamot ay hindi sumasailalim sa maraming trials kumpara sa manufactured na gamot. Kaya’t dapat na kumonsulta sa doktor bago gumamit ng halamang gamot o supplements.
Key Takeaways
Maraming mga tradisyonal na herbal na kilala pa rin hanggang sa kasalukuyan. Bago kumonsumo ng kahit na anong herbal, komunsulta sa iyong doktor upang masiguro na walang contraindications. Karagdagan, siguraduhin na ang halamang gamot at mga gamot na iinumin ay aprubado ng FDA at inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.