backup og meta

Halamang Gamot Para Sa Sakit Ng Tiyan: Heto Ang Mabisang Solusyon!

Halamang Gamot Para Sa Sakit Ng Tiyan: Heto Ang Mabisang Solusyon!

Sa inilabas na tala ng IBON Foundation, 55.4% ng 1,500 na nakilahok sa sarbey na kanilang isinagawa noong Oktubre 12 – 19 ay nagsasabing nahihirapan sila sa magbayad para sa mga gamot at iba pang medikal na pangangailangan sa nakalipas na tatlong buwan marahil dahil na rin sa kahirapan. Patunay lamang din ito na hindi natin maikakaila na karamihan sa atin ay nagsasaliksik at sumusubok ng mga halamang gamot upang gamutin ang ilang mga sakit na nararanasan tulad ng sakit ng tiyan. Ano nga ba ang mga halamang gamot para sa sakit ng tiyan na makatutulong upang maibsan ang pananakit nito?

Ano ang Halamang Gamot?

Bago natin alamin ang mga halamang gamot para sa sakit ng tiyan at maging ang mga posibleng sanhi ng pananakit nito, alamin muna natin kung ano nga ba ang sinasabing halamang gamot?

Ang halamang gamot ay tawag sa mga buto, berry, ugat, dahon, balat, o bulaklak ng halaman na ginagamit bilang panggamot ng ilang mga sakit na nararamdaman ng isang tao. Ilan sa mga ito ay matagal na panahon na rin ginagamit bilang panggamot sa iba’t ibang mga sakit bilang bahagi na rin ng tradisyon.

Bakit Masakit ang Iyong Tiyan?

Maraming mga posibleng dahilan kung bakit sumasakit ang tiyan ng isang tao. Maaaring ito ay simpleng pananakit lamang dahil hindi maayos na natunaw ang kinain o hindi kaya ay mas malalim na dahilang medikal. Ilan ang sumusunod sa sanhi ng pananakit ng iyong tiyan:

  • Pagtatae
  • Constipation
  • Bloating
  • Masakit na pag-ihi
  • Hindi pagkatunaw ng pagkain
  • Food poisoning
  • Food allergy
  • UTI o Urinary Tract Infection
  • Appendicitis
  • Regla

Mga Halamang Gamot

Chamomile Tea

Kilala ito sa Amerika bilang sangkap sa herbal na tea. Matagal na panahon na rin itong ginagamit bilang halamang gamot sa sakit ng tiyan. Nakatutulong ito sa pagpapagaan sa pananakit ng tiyan, heartburn, pagduduwal o pagsusuka.

Peppermint

Ginagamit ang peppermint para sa irritable bowel syndrome (IBS). Ang langis nito ay kapag inilapat  sa balat ng iyong tiyan, tila nagpapainit ito na magiging dahilan ng pagpapagaan ng sakit ng tiyan. 

Luya

Ang luya ay hindi lamang panghalo sa ating mga kinakain. Bukod sa ito ay naglalaman ng bitamina C, potassium, at magnesium, marami rin itong naitutulong medikal. Isa na nga rito ang pagpapagaan ng sakit na iyong nararamdaman.

Kung ang sanhi ng pananakit ng iyong tiyan ay buwanang dalaw, ang luya ay mabisa upang maibsan ito. Maaari itong gawin salabat o tsaa na iyong iinumin upang makatulong na humupa ang pananakit ng iyong tiyan.

Dahon ng Bayabas

Ang isa pang halamang gamot para sa sakit ng tiyan ay dahon ng bayabas. Ito ay ginagamit kung ang pananakit ng tiyan ay sanhi ng diarrhea.

Sa mga pag-aaral ng siyentipiko, nakatulong ang paggamit ng tsaa mula sa dahon ng bayabas upang mabilis na maibsan ang pagtatae na nagdudulot ng pananakit ng tiyan.

Ginagamit din itong gamot sa pagtatae ng mga bansang India at Tsina.

Tandaan na ang sakit ng tiyan ay maaaring maidaan sa ilang mga halamang gamot ngunit mabuting kumonsulta sa iyong doktor kapag walang naging pagbabago matapos mo ito gamitan ng halamang gamot para sa sakit ng tiyan.

Kailan Dapat Kumonsulta sa Doktor?

Bagamat may ilang mga halamang gamot para sa sakit ng tiyan, kinakailangan mo pa rin obserbahan ang iyong sarili upang agaran na kumonsulta sa doktor kapag nararanasan na ang sumusunod:

  • Patuloy na lagnat
  • Patuloy na pagsusuka
  • Pagkakaroon ng dugo sa iyong ihi, dumi o suka
  • Pagkakaroon ng pamamaga kapag hinawaan ang bahagi ng tiyan
  • Lumala lamang ang pananakit ng tiyan
  • Nahihirapang maglakad dahil sa sakit
  • Hirap sa pag-ihi o pagdumi
  • Kawalan ng ganang kumain

Key Takeaways

  • Ang sakit sa tiyan ay maaaring maidaan sa mga halamang gamot ngunit kung napapansin na walang pagbabago at tila lumalala ito, mabuting kumonsulta na kaagad sa iyong doktor.
  • Mahalagang magsaliksik nang mabuti sa mga halamang gamot kung paano ito ginagamit bago mo ito subukan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

First Aid: Stomachaches

https://kidshealth.org/en/parents/stomachaches-sheet.html?ref=search

Accessed July 11, 2022

Abdominal Pain

https://www.webmd.com/pain-management/guide/abdominal-pain-causes-treatments

Accessed July 11, 2022

Abdominal Pain

https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/4167-abdominal-pain

Accessed July 11, 2022

Abdominal Pain

https://www.mayoclinic.org/symptoms/abdominal-pain/basics/causes/sym-20050728

Accessed July 11, 2022

55% of Filipinos can’t buy medicines – survey

https://newsinfo.inquirer.net/541145/55-of-filipinos-cant-buy-medicines-survey

Accessed July 12,2022

Herbal Medicine

https://www.mountsinai.org/health-library/treatment/herbal-medicine

Accessed July 12, 2022

What is Chamomile?

https://www.webmd.com/diet/supplement-guide-chamomile

Accessed July 12, 2022

Peppermint – Uses, Side Effects, and More

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-705/peppermint

Accessed July 12, 2022

The Surprising Benefits of Ginger

https://health.clevelandclinic.org/ginger-health-benefits/

Accessed July 12, 2022

Guava Leaf Tea: Is it Good For You?

https://www.webmd.com/diet/guava-leaf-tea-good-for-you#:~:text=Scientists%20have%20studied%20the%20traditional,administration%20of%20guava%20leaf%20tea.

Accessed July 12, 2022

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement