Kinonsiderang superfood, ang dahon ng malunggay ay isa sa mga hinahangaan na masustansyang sangkap. Ginagamit ito upang makatulong na lumakas ang produksyon ng gatas ng ina at magpalakas ng immunity. Ngunit ano pa ang ibang mga benepisyo ng pagkain ng pinatuyong dahon ng malunggay? Matuto pa rito.
Mga Gamit
Ang malunggay (Moringa oleifera) ay isang tall plant, na umaabot ng taas na 9 na metro. Ito ay mayroong mga tiyak na dahon: maliit, manipis, at pabilog. Ang tangkay nito ay mailalarawan bilang “gummy”, dahil sa pagiging natural at ang ugat nito ay kalasa ng horseradish.
Ang malunggay ay may mga maliit na puting bulaklak na nagpro-produce ng puting pods, pareho na sinasabing nakagagamot. Madali itong makita at kaunti lang ang kailangan na pangangalaga, kaya’t ito ay kadalasang makikita sa bakuran ng bahay ng mga Pilipino.
Ano ang gamit ng mga pinatuyong dahon ng malunggay?
Ang tuyong dahon ng malunggay ay pareho ng benepisyo gaya ng sariwang malunggay. Ang malunggay ay kilala para sa dami ng benepisyong pangkalusugan tulad ng:
- Nagtataglay ng properties na nakapagpapababa ng lebel ng blood sugar at nakapagpapababa ng presyon ng dugo.
- Dahil nakatutulong ito sa katawan na mag-absorb ng maraming iron, malaki ang epekto nito upang makatulong na lunasan ang anemia.
- Nakatutulong sa mga nanay na nagpapasuso upang mag-produce ng maraming gatas.
- Nakagagaan ng sakit sa tiyan, lalo na kung sanhi ng constipation.
- Nakatutulong ang malunggay na labanan ang infection, dahil mayroon itong natural antibacterial na properties.
- Ang malunggay ay mahusay na pinagmumulan ng phosphorus at calcium, kaya’t nakatutulong ito patibayin ang mga buto.
- Mahusay ito sa pagsulong ng pangkalahatang kalusugan dahil ito ay mayaman sa antioxidants.
Paano ito nagiging epektibo?
Ang benepisyong pangkalusugan ng tuyong dahon ng malunggay ay pareho ng benepisyo na makukuha sa mga sariwang dahon at pods. Sa kahit na anong piliin niyo upang ihanda ang mga ito, ang nilalaman na nutrisyon at gamot ng malunggay at hindi nababawasan.
Pag-iingat at Babala
Ang benepisyo ng tuyong dahon ng malunggay ay mas mainam at katunayan mayroon lamang itong kaunting side effects. Upang mapanatili ang kapayapaan ng isipan sa paggamit nito, tandaan ang mga sumusunod:
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng malunggay?
Malamang na ikaw ay pamilyar na sa malunggay, ang malunggay ay halaman na nakakain. Ang mga dahon nito ay kadalasang ginagamit bilang sangkap sa iba’t ibang pagkain, kasama ng tangkay at puting pods.
Gaano kaligtas ang malunggay?
Ang tuyong dahon ng malunggay kasama ng mga sariwang parte tulad ng pods at tangkay ay pangkalahatang ligtas, lalo na kung kakainin o nasa porma ng short-term na gamutan.
Gayunpaman, kailangan na maging maingat sa mga tangkay at ugat dahil nakakitaan na ang mga ito ay may mga tiyak na toxins na hindi ligtas na kainin.
Walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan kung ilalagay sa balat, ngunit ang pagsasagawa ng skin patch test ay makatutulong na malaman kung ikaw ba ay may allergic reaction dito.
Espesyal na Pag-iingat at Babala
Bagaman ang malunggay ay pangkalahatan na ligtas para sa lahat, manatiling ligtas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon nang kondisyon sa kalusugan o allergies, uminom ng maintenance na gamot o magsagawa ng espesyal na diet.
Dahil ang malunggay ay ibinebenta na bilang food supplement na nakapagpapataas na ng produksyon ng gatas, ligtas na sabihin na ayos ito para sa mga buntis at nagpapasusong mga nanay. Ngunit, kailangan mong ikonsidera na ang pagbubuntis at pagpapasuso ay sensitibong kondisyon, kaya’t kinakailangan na kausapin ang physician o ang OB-GYN.
Kahit na anong gawin mo sa malunggay, iwasan ang tangkay at ang ugat nito dahil mapanganib ito na kainin.
Side Effects
Ang malunggay ay sinasabing nakatutulong sa hypertension, ngunit kailangan mong maging maingat kung sakaling maging sanhi ito ng biglaang pagbaba ng presyon ng dugo. Sinasabi ring ito ay mahusay para sa pag-manage ng lebel ng blood sugar sa diabetics, ngunit ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng hypoglycemia (mababang lebel ng blood glucose) kung dadamihan ang konsumo. Para sa rason na ito, kung gagamitin mo ang malunggay para sa tiyak na layuning manggamot (hal. pag-manage ng diabetes, mataas ng presyon ng dugo, atbp.), kumonsulta sa iyong doktor.
Interactions
Bilang isang natural na herb na ginagamit sa mga pagkain, ang malunggay ay kinokonsidera na ligtas upang ikonsumo. Gayunpaman, maraming mga pag-aaral ang kinakailangan upang ganap na maunawaan ang benepisyo nito sa kalusugan. Para sa iba pang alalahanin, kumonsulta sa iyong doktor.
Dosage at Forms
Kung gagamitin mo ang malunggay bilang gamot, at ihahanda mo ito nang sarili o bibili ng mga komersyal na porma na na-produce, kailangan mong kausapin ang iyong doktor. Ang mga mungkahi sa ibaba ay narito upang makatulong at maunawaan mo ang benepisyo ng Moringa.
Paano ihanda ang malunggay?
Upang makamit ang benepisyo ng tuyong dahon ng malunggay, kailangan mo munang patuyuin ang mga ito. Upang gawin, kolektahin ang tangkay ng malunggay. Hugasan ang mga nakolektang Moringa sa baking soda solution. Upang gawin ang solution, paghaluin ang 2 kutsarang baking soda na may 1 litrong tubig. Matapos hugasan ang malunggay, patuyuin ito. Huwag ilagay direkta sa sinag ng araw. Maaari mo ring patuyuin ito sa loob ng bahay ng 2 hanggang 3 araw.
Kung ang malunggay ay ganap na tuyo, ang mga dahon ay matatanggal. Upang pabilisin ang proseso, itaktak ang tangkay at kolektahin ang mga dahon. Ngayon na mayroon ka nang mga tuyong dahon, pigain ito gamit ang iyong malinis na kamay, at itago sa airtight na container.
Gamitin ang tuyong dahon sa pamamagitan ng paghalo nito sa iyong dough o tinapay at noodles. Maaari mo ring idagdag ito sa mainit na tubig upang ma-enjoy ang instant na tsaa, o simpleng ipalibot mo lang sa iyong mga pagkain.
Ano ang mga porma ng malunggay?
Karagdagan sa pagkain nito na sariwa o tuyo, ang malunggay ay handa na sa mga porma na sumusunod:
Food supplements sa capsules. Ang mga capsule ay naglalaman ng tuyong dahon, at sinadya ito para sa mga nanay na nagpapasuso na nahihirapan na mag-produce ng gatas.
Tea bags. Simpleng i-enjoy ang moringa habang sinasawsaw sa mainit na tubig at higupin ito bilang tsaa.
Key Takeaways
Ang malunggay ay maraming benepisyo hindi lang bilang gamot maging ang benepisyo sa nutrisyon. Ang pagkakaroon nito sa iyong bakuran, o kahit na may kakilala na may puno ng malunggay ay magandang advantage, lalo na kung gusto mong makamit ang mga benepisyong pangkalusugan ng tuyong dahon ng malunggay. Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.