backup og meta

Dahon Ng Eucalyptus: Ano Ang Benepisyo Nito Sa Kalusugan?

Dahon Ng Eucalyptus: Ano Ang Benepisyo Nito Sa Kalusugan?

Mga Gamit Ng Dahon Ng Eucalyptus

Ang eucalyptus, or blue gum tree, ay isang matayog na halaman, kadalasang umaabot sa taas na 15 metro. Ang mga batang dahon ng eucalyptus ay may mala-bughaw na kulay, ngunit kapag ito ay tumanda na, ay nagiging dark green.

Makikita lamang sa Australia ang eucalyptus, bagamat ito ay nililinang na rin sa iba pang mga bansa sa buong mundo. Kung naghahanap ka ng mga puno, dahon, at produkto ng eucalyptus dito sa Pilipinas, ilang uri ang nililinang sa Baguio at Manila. 

Ang magagamit na bahagi ng eucalyptus ay ang mga matatandang dahon nito at katas na langis. Samantala, ang langis nito ay ginagamit kapwa sa panggamot at bilang halimuyak sa mga pabango at mga pampaganda.

Mga Benepisyo Ng Paggamit Ng Mga Dahon Ng Eucalyptus

Ang mga dahon ay ang pinakaligtas na bahagi na magagamit kung nais mong makuha ang mga benepisyo ng puno ng eucalyptus; narito ang mga mga benepisyo nito:

1. Ang eucalyptus ay maaaring makatulong sa paggamot sa ubo at sipon

Mayroong mahusay na pananaliksik na nagdedetalye kung paano mababawasan ng eucalyptus ang dami ng mucus at pagandahin ang mga daanan ng hangin. Ito ay nakakatulong sa isang tao na huminga nang mas madali. Ang parehong paraan ay kapaki-pakinabang din sa mga kondisyon tulad ng bronchitis at hika.

2. Binabawasan nito ang pananakit

Ang mga dahon ng eucalyptus ay may mga anti-inflammatory properties kasama ng mga analgesic na sangkap na nakakatulong mapawi ang pananakit, kabilang ang pananakit ng ulo.

3. Ito ay nakatutulong sa pangkalahatang kalusugan

Hindi alam ng maraming tao, ang eucalyptus ay may mga antioxidant. Ang mga antioxidant na ito ay nag-aalis ng mga nakakalason na free radical sa katawan. Dahil dito, ang eucalyptus ay maaaring magsulong ng pangkalahatang kalusagan.

4. Nagagamot nito ang mga sugat

Natukoy na ng isang pag-aaral na ang eucalyptus ay may mataas na antibacterial activity na pinatunayan ng isang larger zone of inhibition (isang lugar kung saan hindi tumubo ang bakterya).

Kahit na sa folkloric medicine, ang dinurog na dahon ng eucalyptus ay maaaring magamit bilang antiseptics. Ang pinagkuluan ng mga dahon ay maaari ding panghugas ng sugat.

5. Itinataguyod nito ang dental health

Ang mga antibacterial na katangian ng eucalyptus ay pumipigil din sa paglala ng sakit sa gilagid at mga cavity. Ito rin ang dahilan kung bakit ang eucalyptol – isang tambalan sa eucalyptus – ay madalas na matatagpuan sa mouthwash. 

Mga Pag-iingat At Babala

Bago gamitin ang mga dahon at langis ng eucalyptus, tandaan ang mga sumusunod na paalala:

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng mga dahon at langis ng eucalyptus?

Kaagad, dapat mong malaman na ang mga dahon ay mas ligtas kumpara sa langis ng eucalyptus. Habang ang langis ay maaaring lunukin, maaari ka lamang gumamit ng ilang patak nito at dapat pa rin itong lagyan ng tubig.

Gaano kaligtas ang mga dahon ng eucalyptus at langis? 

Ang mga dahon nito ay malamang na ligtas kapag kakaunti lamang ang gagamitin, lalo na kung para lamang isang additive sa pagkain. Gayunpaman, walang sapat na pag-aaral para malaman kung ligtas kapag ginamit ng marami kahit bilang isang pagkain, kaya pinakamahusay pa rin na gamitin ng katamtaman ang mga dahon.

Bago gamitin ang langis, ipinapayong kumunsulta muna sa iyong doktor. Pinaniniwalaan na ang pag-inom o paglalagay ng purong eucalyptus oil ay nakakalason at maaaring nakakamatay. Mag-ingat sa pananakit at mainit na pakiramdam sa iyong tiyan, panghihina ng kalamnan, pagkahilo, at malagutan sa paghinga. Ito ang ilan sa mga sintomas ng pagkalason sa langis ng eucalyptus. Upang maging ligtas, iwasan ang paggamit ng langis ng eucalyptus nang buo maliban kung gagamitin sa panggagamot. 

Ang mga komersyal na inihandang essential oils ng mga trusted companies ay malamang na ligtas hangga’t ang mga tagubilin sa pakete at ang mga pag-iingat ay sinusunod. Kadalasan, nakasaad na tunawin muna ang langis bago ito gamitin.

Mga Espesyal Na Pag-iingat At Babala

Ang ilang mga tao ay maaaring allergic sa langis ng eucalyptus.  Kung ikaw ay allergic sa tea tree oil, maaari ka ring magkaroon ng allergic reaction kapag gumagamit ng mga dahon at langis ng eucalyptus. Pinakamahusay na iwasan ang mga ito. Kung buntis o nagpapasuso, malamang na ligtas para sa iyo na kumain ng kaunting dahon ng eucalyptus.

Gayunpaman, iwasan ang paglalagay o paglunok ng langis. Maaari itong magdulot ng panganib sa iyong pagbubuntis o sa iyong bagong panganak na sanggo;. Bukod pa rito, hindi rin ligtas na hayaan ang mga bata na gumamit ng langis ng eucalyptus, pamahid o iba pa.

Bilang pangkalahatang tuntunin, kausapin muna ang iyong doktor. Lalo na kung plano mong gumamit ng mga dahon at langis ng eucalyptus nang regular para sa isang partikular na layunin,  kung alam mo ang mga allergy, dati nang umiiral na mga medikal na kondisyon (lalo na may kaugnayan sa atay), o buntis.

Huwag kalimutang magsagawa ng allergy o skin patch test bago ilapat sa balat, kahit na ang langis ay malabnaw.

Mga Side-Effects At Interactions

Kung umiinom ka ng anumang gamot, lalo na ang anumang nauugnay sa diabetes at mga kondisyon ng atay, huwag gumamit ng eucalyptus dahil maaaring mangyari ang interaksyon sa gamot. Dahil dito, makipag-usap sa iyong doktor kung may ginagamot o kung sumusunod sa isang espesyal na diet.

Dosage At Forms

Ang paliwanag sa mga dosage at form sa ibaba ay naglalayong tumulong at magturo at HINDI para palitan ang anumang payo na ibinigay ng iyong doktor. 

Ang Eucalyptus oil ay inihahanda ngayon bilang essential oils at dapat gamitin ayon sa tagubilin. Kadalasan ito ay ginagamit na may carrier oils. Ang pinakamahusay na paraan para makuha ang mga benepisyo ng eucalyptus ay ang paghahanda ng isang pinakuluan katas nito.

Upang gawin ito, kumuha ng mga dahon ng eucalyptus at ibilad ito sa araw sa loob ng halos 6 na oras. 

Ngayon, maaari mo pang patuyuin ang mga dahon. Ilagay ito sa isang paper bag at isabit sa hindi mainit na lugar sa loob ng isang linggo.

Kunin ang 50 gramo ng mga tuyong dahon at pakuluan ang mga ito sa isang pint ng tubig. Uminom ng 6 na baso nito sa isang araw. Maaari ka ring gumamit ng mga sariwang dahon, pero kailangan mong baguhin ang sukat mula 50 gramo hanggang 60-70 gramo.

Para sa mga respiratory conditions, pwedeng piliin na hindi inumin ang tsaa, sa halip ay langhapin ang steam mula sa sabaw o pinagpakuluan. Bilang karagdagan, maaari mo ring gamitin ang sabaw bilang panghugas sa mga sugat.

Key Takeaways

Bagama’t kailangang sundin ang mga pag-iingat sa paggamit ng langis, ang mga dahon ng eucalyptus ay itinuturing na ligtas, lalo na kung kaunti lang ang gagamitin. Para sa mga benepisyo ng eucalyptus, pinakamahusay na maghanda ng isang decoction o gamitin ang mga dahon bilang isang additive sa pagkain.

Matuto pa tungkol sa Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Blue gum eucalyptus, eucalyptus globulus, blue gum tree , Lan an / Eucalyptos: Philippine medicinal herbs / Philippine alternative medicine. (n.d.). StuartXchange Front Page – SX – Godofredo Umali Stuart’s Cyber-Warehouse, https://stuartxchange.com/Eucalyptus, Accessed August 30, 2020

Benefits and Healthy Properties of Eucalyptus Plants, https://www.researchgate.net/publication/307869709_Beneficial_and_Healthy_Properties_of_Eucalyptus_Plants_A_Great_Potential_Use, Accessed August 30, 2020

Eucalyptus, https://www.botanical.com/botanical/mgmh/e/eucaly14.html, Accessed August 30, 2020

Immune-modifying and antimicrobial effects of Eucalyptus oil and simple inhalation devices, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/20359267/, Accessed August 30, 2020

Essential oils used in aromatherapy: A systemic review, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2221169115001033, Accessed August 30, 2020

Kasalukuyang Version

12/16/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement