backup og meta

Benepisyo Ng Balimbing Sa Kalusugan: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Benepisyo Ng Balimbing Sa Kalusugan: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Mga Gamit At Benepisyo Ng Balimbing

Ang star fruit na kilala rin sa tawag na balimbing sa Pilipinas ay hindi masyadong kilala kumpara sa mga pangunahing prutas tulad ng saging, mansanas, at manga; gayunpaman, dahil sa benepisyo ng balimbing, dahan-dahan itong gumagawa ng paraan upang makilala ng marami.

Kilala rin sa tawag na carambola ang balimbing mula ito sa siyentipikong pangalan ng puno na Averrhoa carambola, ito ay isang yellow-green na prutas na may 5 pointed lobes. Ito ay tinatawag na “star fruit” dahil kapag hinati mo ito ng pahalang, makikita mo agad ang hugis bituin na porma nito.

Ang puno ng balimbing ay makikita sa iba’t ibang panig ng bansa kaya’t madali lang itong mabili upang kainin. Maliban sa prutas, maaari din nating gamitin ang mga dahon at bulaklak nito para sa iba’t ibang layunin.

Ang Benepisyo Ng Balimbing Sa Kalusugan

Mayaman sa bitamina C ang balimbing

Ang isang medium size na prutas ng balimbing ay mayroon nang 76% ng DV (percent Daily Values) ng Bitamina C. Ito ay higit sa kalahati ng kailangan natin na Bitamina C kada araw. Ang Bitamina C ay mahalaga upang masiguro na ikaw ay may epektibong immune system laban sa mga sakit tulad ng ubo, sipon, at lagnat.

Nakatutulong ito sa digestion at pagbawas ng timbang

Kadalasang na naglalaman ng 3 gramo ng fiber ang isang balimbing na nakatutulong sa digestion sa pamamagitan ng paglilinis ng colon. Karagdagan, ang fiber ay nakapagbibigay rin ng pakiramdam ng pagkabusog, kaya’t napipigilan ka mula sa hindi kinakailangan na pagkain. Ito ay mainam na “diet snack” lalo na kung ikokonsidera mo na mayroon lamang ito na 28 calories at nasa 6 na gramo ng carbohydrates.

[embed-health-tool-bmi]

Mainam ito sa balat at buhok

Dahil sa naglalaman ito ng maraming antioxidants, ang balimbing ay nakapagtatanggal ng toxic free-radicals na nakapipinsala sa skin cells. Ito rin ay may ilang mga epektibong antioxidants upang labanan ang pinsala, kabilang na ang gallic acid, quercetin, at polyphenolic compounds. Sa huli, dahil sa ito ay nagtataglay ng protina (1 gramo), ang balimbing ay mahusay rin na sa panunumbalik ng napinsalang buhok. 

Ang balimbing ay may potensyal na makabawas ng blood pressure

Sa isinagawang pag-aaral sa Indonesia, natukoy na ang pag-inom ng 200 ml na sweet balimbing juice ay nakababawas ng systolic pressure ng mga kalahok na normotensive (may normal na reading ng blood pressure). Nabanggit din sa pag-aaral na ang pag-inom ng diluted version, na 100 ml ng sweet Star Fruit juice na nakahalo sa 100 ml na tubig, ay nakapagbibigay rin ng parehong epekto. Ito ay nagpapakita lamang na ang star fruit ay maaaring makatulong sa mga tao na nakararanas ng hypertension.

Kabilang ang antibacterial at anti-inflammatory properties sa benepisyo ng balimbing

Ang balimbing ay may antibacterial at anti-inflammatory properties sa tuktok ng analgesic o pain-relieving capacity. Karagdagan, ito rin ay anthelmintic (nagtatanggal ng bulate). Kaya’t maraming gumagamit ng balimbing sa makalumang medisina sa iba’t ibang bansa.

Pag-Iingat At Babala

Bago ka mag desisyon na gamitin ang mga benepisyo ng balimbing, pakiusap na tandaan ang mga sumusunod na paalala:

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng balimbing?

Ngayon din, dapat mong malaman na HINDI MO DAPAT gamitin nang regular ang balimbing o ng marami kung ikaw ay nakararanas ng sakit na konektado sa iyong mga bato.

Gaano kaligtas ang balimbing?

Sa pangkalahatan, ang balimbing ay ligtas, lalo na kung kakainin mo ito kasama ng ibang pagkain, tulad ng pagkain ng snack, o ihahanda kasama ng iba pang sangkap. Gayunpaman, hindi dapat ito kinakain nang regular dahil maaari itong may banta sa iyong mga bato.

Espesyal na pag-iingat at babala

Pakiusap na alalahanin ang pagkonsumo ng balimbing kung ikaw ay may allergies dito. Kung nais kainin at gamitin nang regular, kailangan mo munang kausapin ang iyong physician, lalo na kung ikaw ay may kasalukuyang kondisyon sa kalusugan, buntis, o nagpapasuso.

Side Effects At Interactions

Tulad ng karamihan sa mga halaman, ang balimbing ay naglalaman ng maraming oxalates. Ang oxalates ay compounds na nagbibigay ng kontribusyon sa development ng kidney stones; kung ikaw ay may kondisyon sa mga bato, kailangan mong isaisip nang seryoso ang impormasyong ito.

Kahit na maraming benepisyo ang balimbing, kailangan na mag-ingat

Sa ngayon, may dalawang iniulat na kaso kung saan ang mga pasyente ay nagkaroon ng problema sa bato dahil sa pagkonsumo ng balimbing: ang unang pasyente ay may normal na kidney function, ngunit matapos kumonsumo ng maraming balimbing, nagkaroon siya ng acute kidney injury (AKI).

Ang isang pasyente ay nagkaroon ng acute o chronic renal failure; ang kanyang history ay nagpapakita ng regular na pagkonsumo ng balimbing sa loob ng 2 hanggang 3 taon bago ma-diagnose ng kidney failure.

Maaari ding baliktad ang epekto ng lunas ng balimbing, kung nais mo lunasan ang iyong sakit gamit ang balimbing, konsultahin muna ang iyong doktor bago kumonsumo ng kahit na anong porma nito. 

Dosage At Forms

Walang tanggap na medikal na dosage para sa balimbing ngunit maaari itong ikonsumo sa maraming paraan. Maaari itong kainin bilang snack, piliin ang mga hinog.

Ang mga hinog na prutas ay kadalasan na kulay dilaw, na may kaunting shade ng berde. Hugasan ito sa umaagos na tubig, putulin ang dulo nito at tanggalin ang buto. Sa huli, i-enjoy na may kasamang asin o wala.

Ang prutas ay maaari ding ilagay na sangkap sa salads, jams, at ibang viands. Maaari mo rin itong katasan (juice) at i-enjoy ito bilang regular na inumin.

Ang benepisyo ng balimbing: ang katas nito

Sa medisina noon, ang katas ng dahon ay maaaring inumin upang maibsan ang sakit sa dibdib. Ang katas ng bulaklak naman ay ginagamit upang tanggalin ang mga bulate sa tiyan.

Upang ihanda ang anthelmintic na inumin, mangolekta ng 50 gramo ng bulaklak ng balimbing. Pakuluan ito sa sukat na pint ng tubig.

Key Takeaways

Ang prutas na balimbing ay madaling makita sa ating bansa. At walang duda na kailangan nating gamitin ang pakinabang nito.
Para sa mga malusog na tao na wala sa sensitibong kondisyon, walang masama sa pagkain ng prutas na ito paminsan-minsan.
Iwasan ang prutas na sa mga taong may sakit sa bato liban na lang kung may pahintulot ng doktor.

Matuto pa tungkol sa halamang gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

(PDF) Star fruit: Health benefits, safety, side effects and drug interactions. (2019, May 26). ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/333384849_Star_Fruit_Health_Benefits_Safety_Side_Effects_and_Drug_interactions, Accessed September 3, 2022

Abeysekera RA , et al. (n.d.). Star fruit toxicity: A cause of both acute kidney injury and chronic kidney disease: a report of two cases. – PubMed – NCBI. National Center for Biotechnology Information. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/26680759, Accessed September 3, 2022

Balimbing / Averrhoa carambola L./ Star fruit / Yang tao: Philippine herbal Therapy/ Philippine alternative medicine. (n.d.). StuartXchange Front Page – SX – Godofredo Umali Stuart’s Cyber-Warehouse. https://stuartxchange.com/Balimbing, Accessed September 3, 2022

Ferrari, N. (2015, April 9). Making one change — getting more fiber — can help with weight loss. Harvard Health Blog. https://www.health.harvard.edu/blog/making-one-change-getting-fiber-can-help-weight-loss-201502177721, Accessed September 3, 2022

Carambola, (starfruit), raw nutrition facts & calories. (n.d.). SELF Nutrition Data | Food Facts, Information & Calorie Calculator. https://nutritiondata.self.com/facts/fruits-and-fruit-juices/1858/2, Accessed September 3, 2022

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement