backup og meta

Halamang Gamot Sa Vertigo, Anu-Ano Nga Ba Ito? Alamin Dito

Halamang Gamot Sa Vertigo, Anu-Ano Nga Ba Ito? Alamin Dito

Madalas na iugnay ng tao ang pagkahilo sa pagkakaroon ng vertigo, dahilan para maghanap sila ng mga halamang gamot para sa paggamot dito upang maibsan ang discomfort na nararamdaman nila.

Sa totoo lang, maraming halamang gamot sa vertigo na maaari nating subukan upang maibsan ang mga sintomas. Ngunit bago natin tukuyin kung anong mga herbal medicine ang maaaring gamitin sa pagkahilo, alamin muna natin ang ilang mga mahahalagang detalye sa vertigo.

Vertigo

Itinuturing na balance disorder ang vertigo kung saan pwede kang makaranas ng pagsusuka, sobrang pagpapawis, at hindi normal na paggalaw ng iyong mga mata. Pwede ka ring makaramdam ng pagkahilo na tila gumagalaw at umiikot ang iyong kapaligiran. Ang vertigo ay pwedeng magtagal ng segundo, minuto, oras, araw, at ilang linggo. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung ang mga taong nakakaranas ng vertigo ay naghahanap ng mga halamang gamot na pwedeng magamit sa pagkahilo upang maging maayos ang kanilang pagkilos sa araw-araw.

Narito ang mga herbal medicine na pwedeng magamit sa vertigo:

Halamang Gamot Sa Vertigo: Luya

Ang luya ay hindi lamang pwedeng magamit bilang pampalasa at pampasarap ng pagkain, dahil mahusay rin ang luya sa pagpapabuti ng digestive fluids at pag-neutralize ng digestive acids. Kung saan pwede itong makatulong sa pagpapahupa ng pagduduwal na nauugnay sa vertigo, sapagkat nagtataglay ng calming effect ang luya na maaaring makatulong sa ating mga bituka at pagpapabuti ng ating nararamdaman. 

Para magamit ang mga benepisyo ng luya sa vertigo, maaari mo itong dikdikin o pakuluan upang gawing tsaa.

Halamang Gamot Sa Vertigo: Ginger Root

Kilala rin ang ginger roots sa taglay nitong antioxidant at anti-inflammatory properties na maaaring makatulong sa pagpapahupa ng sintomas ng vertigo gaya ng pagsusuka.

Maaari mo rin na dikdikin at pakuluan ito para mainom mo bilang tsaa ang ginger root, upang magamit ang mga medikal na benepisyo nito sa kalusugan. Siguraduhin na hugasan ito nang mabuti lalo na kung bagong bunot lang ito mula sa inyong taniman upang hindi makakain ng anumang insekto.

Halamang Gamot Sa Vertigo: Ginkgo Biloba

Ang ginkgo biloba ay isang Chinese herb na kilala sa pagpapahupa at resolba ng sintomas ng vertigo, kung saan mina-manage nito ang daloy ng dugo sa utak para maibsan ang pagkahilo at problema sa balanse.

Mga Bagay Na Pwedeng Gawin Para Maiwasan Ang Vertigo

Narito ang ilang tips sa pag-iwas sa pagkahilo:

  • Pag-eehersisyo
  • Tamang pagkontrol ng stress
  • Kumain ng mga anti-inflammatory at antioxidant-rich foods gaya ng berries
  • Panatilihing balanse ang iyong blood sugar
  • Siguraduhin na hydrated ka

Mahalagang Paalala

Hindi lahat ng pagkahilong nararamdaman ay dahil sa vertigo kaya naman ipinapayo na maging maingat sa pag-inom ng gamot at herbal medicine lalo na kung ikaw ay buntis. Pwede kasing maging dahilan ito ng miscarriage at mga problemang medikal. Ipinapayo na magpakonsulta muna sa doktor bago i-take ang anumang gamot at herbal medicine sa panahon ng pagbubuntis.

Dagdag pa rito, anuman ang iyong edad, estado, at kasarian kinakailangan ka pa rin na mag-ingat sa pag-inom ng mga halamang gamot sa vertigo upang masigurado na hindi mapapahamak ang iyong kalusugan. Maganda kung makakahingi ka ng medikal na diagnosis sa doktor para malaman mo ang wastong paggamot na dapat gawin sa’yong vertigo. Sa ilang mga kaso, nagdadagdag ang doktor ng mga treatment na pwedeng isagawa sa mga pasyenteng may vertigo lalo na kung malubha na ang kanilang kondisyon. 

Key Takeaways

Kadalasan ang vertigo ay hindi naman mapanganib, pero kinakailangan pa rin na matukoy ang mga dahilan sa pagkakaroon nito para sa angkop na medical treatment. Kaugnay nito, ipinapayo namin sa’yo na magpakonsulta ka sa doktor lalo na kung napapadalas ang pag-atake ng iyong pagkahilo. At sa pagpapakonsulta, maaaring magreseta ang doktor ng mga gamot o magpayo ng mga home remedy na makakatulong sa pagpapahupa ng mga sintomas ng vertigo.

Matuto pa tungkol sa Mga Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vertigo, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/vertigo#:~:text=Vertigo%20is%20a%20symptom%2C%20rather,balance%20and%20do%20everyday%20tasks, Accessed August 5, 2022

Vertigo, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21769-vertigo, Accessed August 5, 2022

Vertigo: Causes and Treatments, https://www.naturesbest.co.uk/pharmacy/pharmacy-health-library/vertigo-causes-and-treatments/, Accessed August 5, 2022

Doctor-Approved Home Remedies For Vertigo, https://pharmeasy.in/blog/home-remedies-for-vertigo/, Accessed August 5, 2022

Dizziness Isn’t All In Your Head: A Doctor Explains Vertigo and Ways To Treat It, https://www.mindbodygreen.com/articles/dizziness-isnt-all-in-your-head-a-doctor-explains-vertigo-ways-to-treat-it, Accessed August 5, 2022

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng migraine na dapat mong tandaan

Gamot sa Sakit ng Ulo na Herbal, Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement